Chapter 20: Ang rurok ng selos ng Anghel
Sana may 'anesthesia' rin ang sakit na nararamdaman ng puso. Sana kasing dali lang ito gamutin gaya ng sakit ng ngipin. Pero, ang sakit sa dibdib, kahit ano pang uri ng 'pain reliever' ang inumin mo, hindi 'yon tatagos sa pagkatao mo. Hindi nito kayang pahupain ang kirot ng pagkabigo sa pagibig. Hindi niya kayang punasan ang mga luhang bumabalot sa kaloob-looban ng espirito mo.
Walang akmang gamot sa 'heartbreak', 'heartache' at 'love sickness'. Wala! Dahil, sabi nila, kusa raw itong gumagaling. Kusang naghihilom ang sugat nito habang lumilipas ang panahon. Kusang nakakalimot, nakakabangon at nakakaharap sa susunod na buhay.
*** Kumulog at kumidlat ***
"Kahibangan na 'to! Hindi ko kayang maupo lang dito at maging piping saksi sa kung paanong pinapatay ng tadhana ang dibdib ko. Ganito na lang ba dapat lagi? Para akong umaasa sa isang bagay na habang buhay ipinagdaramot ng kapalaran sa'kin. Hindi ko na kayaaa!"
Matuling lumipad palayo si Gabriel. Palayo sa tanawing dumudurog sa puso niya. Palayo sa babaeng 'di niya sinasadyang mahalin. Tuloy pa rin ang buhos ng ulan. Tuloy ang pagdadalamhati ng langit sa puso ni Gabriel na inagawan ng buhay ng sitwasyon.
Marahan niyang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa kanyang asul na mga mata. Humahalo sa mga patak ng ulan na kumikinang sa ere. Matulin ang pagaspas ng kanyang pakpak na walang humpay sa pagwagayway patungo sa kung saan man siya dalhin ng kanyang paglipad.
Narating niya ang isang 'Grotto' sa parke na 'di kalayuan sa kubong kinapadparan nina Leo't Lourdes. Pabagsak niyang ibinalandra ang sarili sa lamesang katapat ng altar. Buong tangis niyang hinarap ang rebulto ng Diyos. Nakapikit na tila ini-isa-isang damputin ang mga piraso ng nabasag niyang damdamin.
"Panginoon ko. Tulungan mo po akong makalaya sa lungkot na nadarama ko ngayon. Bigyan n'yo po ako ng kapayapaan. Alisin mo po ako sa rehas ng pagkahumaling sa taong nakatakda kong ihatid sa kabilang buhay. Pahupain n'yo po ang anumang galit sa puso ko..."
Nakaluhod siya sa altar, humihikbi, kahabag-habag at tila nangangapa ng kukuhanan ng lakas ng loob. Magkaniig ang magkabilang kamay na nakalapat sa lamesa. Napuputol ang bawat panalangin sa mga sumisingit na paghikbi. Parang walang katapusan ang kanyang pag-iyak at walang ampat ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang kwadradong pisngi.
Napayuko siya. Napasubsob sa lamesa. Tila nawalan ng malay.
Hanggang sa lumipas ang gabi, tumila ang ulan at unti-unting lumabas ang araw sa kinatataguan nitong ulap.
Nakaratay pa rin ang Anghel sa kahabaan ng lamesang pinagdalanginan niya kanina.
Mula sa kasukalan ng parke ay sumibol ang wangis ng isang dalaga, si Lourdes. Iniwanan niya ang natutulog na si Leo sa kubo upang balikan yung 'stetoscope' niyang naiwan sa upuan sa parke kagabi, bago umulan.
Bago pa man siya nakarating sa upuan ay dagli niyang tinungo ang isang bugkos ng sanga sa punong katapat nito. Buong pagaalala niyang sinungkit ang isang lubid na nakasabit sa sanga. Sa dulo nito ay ang isang ibon na napuluputan ng tali mula sa isang ligaw na saranggola.
"Ay, kawawa ka naman. 'Wag kang gumalaw. Alam ko masakit, pero sandali na lang at matatanggal na rin yang tali sa mga pakpak mo!"
Marahang inialis ng dalaga ang nakabuhol na tali sa mga pakpak ng munting ibon. Mahina na ito at matinis ang pag huni. Matapos makalagan ay dinala niya ito sa may altar sa gitna ng 'Grotto'.
Pinainom niya ang ibon sa tubig mula sa plangganitang pinaglalagyan ng 'holy water' sa tapat ng altar.
"Oh, ayan, malakas ka na ulit. Sige, na. Lipad na. Baka hinahanap ka na ng nanay mo."
Nakangiting sambit ni Lourdes sa ibon. Iiwan na sana niya ang ibon ngunit isang kakaibang tinig ang tumawag sa kanyang pangalan. Isang makapangyarihang boses na tila nangagaling sa ibong iniwan niya sa altar.
"Salamat Lourdes! Mabuti talaga ang iyong puso!"
Sambit ng isang malamlam na boses na pumailanlang sa parke. Unti-unting lumingon ang dalaga sa pinanggagalingan ng tinig at biglang nataranta sa aparisyong dagli na lamang sumambulat sa kanyang mata.
"Sino ka? Paanong..Saan.. Anong nangyayari?"
May bahid ng takot at pagkabigla ang mga tanong na ibinato niya sa nilalang na kanina'y munting ibon lang na nakadapo sa lamesa.
Sa kabila ng hiwagang ito, nakahandusay pa rin ang walang malay na Anghel sa tapat nina Lourdes at ng mahiwagang nilalang.
Walang alam si Lourdes sa kung anong pinagdaraanan ni Gabriel at hindi rin niya ramdam ang presensya nito.
Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo at huminto ang oras. Naiwang nakalutang sa ere ang mga naglalaglagang dahon at maliliit na sanga ng puno.
***********************
Author's Note:
Okay, joke lang pala yung title. Hindi pa 'to yung "rurok ng selos ni Gabriel". Sa next chapters pa siya magiging 'suicidal'. Lol. Medyo awkward mabasa na may konsepto ng 'pagpapakamatay' ang mga Anghel kahit immortal sila, pero dito lumilihis sa normal na kwento ang sitwasyon ni Gab. Pipilitin nating banatin hanggang sa pinakadulong dimensyon ng creativity ang imahinasyon natin para laruin yung storya nila.
Pasensya na kung medyo madrama yung karamihan ng chapters pero medyo light na yung susunod na chapter, except nga sa 'suicidal moments' ni Gab sa bandang huli. Lol.
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
Roman d'amourPerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...