Chapter 21: Si Maria Gumiling, Ang diwatang Bading
Author's note: At dahil kumokota na sa pagiging MMK (Maalaala Mo Kaya) ang datingan ng mga previous chapters, i-convert muna natin sa 'Humor' yung 'Drama' para mabalanse naman yung mga emosyon natin. Lol.
There's no limit to our imagination. Our deepest fantasies are our savior to the gruelling difficulties that our current realities possess. Hitch your wagon to a star and make sure to stretch that mind into the most fantastic ideas it could think of. ---> Motto ng mga nagsusulat ng fantasy na gaya nito. Lol.
*Ching!*
Mula sa pagiging cute na ibon, nabalot ito ng usok at iniluwa nito ang isang makulay na nilalang. Tadtad siya ng perlas at nakapulupot sa leeg ang isang kumikinang na feathered shawl. Namimintog sa kolorete ang kanyang pisngi at abot bangs ang haba ng pilik mata. Blonde ang kanyang buhok na parang may invisible hanger na pinagsasabitan sa ere.
Sash na lang ang kulang at mapapagkamalan na itong kalahok sa 'Barangay Gay Contest'. Umurong ang hiwagang bumalot kay Lourdes kanina ng mahawi na ang makakapal na usok at tumambad sa kanyang mata ang nilalang na nasobrahan sa eyebrows.
"Ay, bakla?!"
Napasigaw si Lourdes ng hindi kinaya ng kanyang paningin ang matitingkad na kulay na bumabalot sa nilalang sa harap niya.
"Ay, ang harsh! Maka-bakla ka naman, te! Pasalamat ka't niligtas mo ko kanina kundi tatapyasan ko yang kagandahan mo! Oooh! Hmp!"
Sasagot pa sana si Lourdes sa lakas maka-swarding na nilalang na 'to, kaso tinakpan na nito ng jumbo niyang pamaypay ang bibig ng dalaga.
"Wag mo nang tangkaing ibuka yang tampalasan mong bibig, te at baka kung ano pang pang-o-okray ang mabanggit mo! Alam kong nagagandahan ka lang sa'kin kaya ka ganyan! Chos! Ako nga pala si Maria Gumiling, ang diwatang bading este ang diwata ng kabundukang ito!"
Lumiyad ang diwata at tila may sinasalong confetti na nagbagsakan nang magpakilala siya.
"Maria Gumiling? Hindi ba si Maria Makiling ang maalamat na diwata sa gubat na ito?"
Manghang-mangha pa rin na pagtatanong ng dalaga.
"Wala siya. Tulog! Umalis! Naglaba! Busy siya sa ibang shooting ng pelikula! Ako na munang ka-back-up niya bilang wala ng makuha si Author na ibang character para itaguyod ang pagkaboyoyong ng chapter na 'to! "
"Anyways, te. Tumungo muna tayo sa drama ng buhay mo. May rason kung bakit tayo nagtagpo at may isang pusong nagdadalamhati ngayon ang kailangan ng iyong pagkalinga. Hindi mo siya nakikita pero ikaw kitang-kita niya, mula sa iyong pagkabata, hanggang sa pagdadalaga, at hanggang sa malalaswa ninyong leptolelang ni Leo kanina!"
Taas kilay na pagbubulalas ng diwata sa harap ni Lourdes. Hinawi niya ang kanyang fabulous gown para puntahan ang kinasadlakang lamesa ni Gabriel. Umupo siya sa lamesa at hinawi ang brown na kulot na buhok na tumatabing sa nakapikit na mata ng nakadukdok sa lamesang anghel.
Nagtataka pa rin si Lourdes sa kung anong ginagawa ng diwata sa ibabaw ng lamesa dahil hindi naman niya nakikita si Gabriel.
"Maraming hiwaga sa mundong itetch na wit pa nage-gets ng mga utaw! Nosebleed sa gay lingo, te? Kahit ang alindog ko ng pagiging diwata eh hindi rin kayang ma-reach ang mga misteryong bumabalot sa awesome nating mother Earth!"
"Sinong magaakala na ang isang Anghel de la Guardia na tulad nito, ay mababaliw sa isang taong kagaya mo?"
Nakapatong pa rin ang palad ng diwata sa noo ni Gabriel habang nakaturo naman ang jumbo nitong pamaypay sa gulong-gulong dalaga.
"Anong sinasabi mo? Anong anghel? Paano siyang nabaliw sa'kin? Sino siya? Siya ba 'yung nakikita ko sa panaginip ko?"
Sunod-sunod na tanong ng dalaga sa diwatang kanina pa nagpapagulo ng kanyang isip.
"Malalaman mo rin, te. Hindi ko alam kung isasahog ako sa ispageti ni Lord pag nalaman niyang ginawa ko 'to pero hindi ko keribels na masaksihan ang drama anthology ng isang anghel na heart broken dahil sa isang tao."
"Ready ka na ba, te? Eto nga siya, si cutiepie prince charming mo! Ang iyong 'knight in shining armor'! Ang Anghel na handang magpaka-martir para sa'yo! At sa makapangyarihang alindog ko, sampu ng mabibilog kong blush-on, ilitaw mong sarili mo sa mundo, ngayon din!!!"
Binudburan niya ng glitters ang nakadukdok na si Gabriel at mula sa kawalan at unti-unting tumambad sa mga mata ng dalaga ang mapuputi nitong pakpak, brown na medyo kulot na buhok, maskuladong balikat, at namumugtong mga mata na unti-unti nang dumidilat.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatagpo ang mga mata nila ni Lourdes. Si Lourdes bilang tao at siya bilang anyong Anghel.
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomancePerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...