Chapter 7

5.9K 191 8
                                    

Raven's POV:

*Boogsh*

Napalingon ako bigla sa narinig kong bumagsak, Si.. si? sino nga ba siya?

Ah! Si Miyu nahimatay O__O Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Miyu! Miyu!" Sabi ko habang niyuyugyog siya, "Gumising ka!" Kaso no response talaga eh, kaya binuhat ko siya at isinakay sa kotse! Malaking ransom ang kailangan ko ! Lol, joke :)

Dadalhin ko nalang siya sa hospital.

*AT THE HOSPITAL*



Buhat-buhat ko si Miyu papasok, napansin naman ako nung nurse at nagpacute pa bago sabihing may emergency -_-



"Emergency~ Emergency!!!!"

Kinuha agad nung mga nurse na lalaki saken si Miyu, grabe bakit amputla naman yata niya?



***********************************



I don't have cellphone, nakalimutan ko kasi na nasa bahay pala kaya hindi ko makontak parents niya. At hello, wala po akong number ng parents niya! -_____-



Andito ako ngayon sa room niya, nagbabantay. She's sleeping ang himbing ng tulog niya, pero amputla parin niya. The doctor said na lowblood daw siya.Pinagmamasdan ko lang ang mala-anghel niyang mukha. Hindi mo aakalaing badgirl ang isang 'to!



Tss, Nagawa niyang patigilin ang riot kanina sa isang sigaw niya lang, kilala pa niya si Rex? Paano niya kaya nakilala yun? Baka close sila o di kaya kasali siya sa sorority? O isa rin siya leader?

Bakit ba ako natataranta? Tsk ang hirap magbantay sa babaeng 'to! Kung anu-ano pumapasok sa isip ko eh, Makalabas na nga muna ..

Akmang lalabas nako ng..

"RC." Nagulat ako sa pangalang binaggit niya kaya lumapit ako..



"Miyu!?" Patanong na banggit ko ng pangalang niya...



"Uhmm.." tumayo siya pero nakapikit , hmm ? nananaginip ba to?



"Sinong RC?" tanong ko ulit, lumapit siya saken.

"Ikaw!" O_O?! then she flash a very beautiful smile, ang ganda niya.


"A-ako?" bigla kong tanong, Rc? Kahit Raven ang pangalan ko? Ginawa pa akong softdrinks nito.



"Oo! Sino pa ba?" aba't gising yata to ah.



"Pinagtitripan mo ba ako?" asar kong tanong sa kanya.



"No!" mahinahong sagot niya saken.


"Tae! Gi---" pero O_O bago ko pa masabing gising siya, tumumba siya saken, na sanhi ng pagdampi ng labi niya, sa labi ko. I don't take advantage kaya binuhat ko siya at inihiga ulit sa kama, pagbaba ko ay saktong niyakap niya ako ..

At bumulong ng "Iloveyou RC ;)"



Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, ano ba to? (_ _") kumalas ako st tumingin sa kanya, maputla padin siya, siguro nga nananaginip lang to.



Pero bakit parang ang saya ng puso ko?



************************************



Miyu's POV:

*bukas ng mata* O_O *kurap-kurap* asan ako ? Bakit ang puti dito? Patay na ba ako?



"Uhhmmm. " tanging nasabi ko, nasa langit na ba ako?



"Oh! Gising kana pala!" ay? sino nga ulit to? Ah si Raven pala.


"Asan ako?" tanong ko sa kanya


"Hospital." inaayos niya yung nagusot niyang polo habang nakatingin sakin...



"What happened?" tanong ko.



"Nahimatay ka." sabi niya sabay lapit saken.



"Ilang oras na akong tulog?" tanong ko nanaman, at umupo ako.



"More than 3 hours I think?" 3 hours lang pala. Shet? 3 hours?! Hindi na kami nakapasok!



"Sandali lang ha? Tatawag lang ako ng nurse. " pagkasabi niya nun ay lumabas na siya, bakit kaya ang bait niya ngayon? Baka naman may nakain lang siya kaya ganyan, o di kaya nakuha niya na yung ano ko, Oh em!



#Edited
By: Andreliz De Vera

Si Badgirl at ang Gwapong Gangster (COMPLETED) [SBGG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon