"Ate andiyan ba si Ral?" tanong ko ng makita ko siya pagka pasok ko sa bahay nila Ral. Biglang nagdisappear kasi yun.
Muntanga tong si Ate Mik nakayuko habang nakaupo sa sofa ano naman kayang problema nito? Baka brinake nong boypren haha sungit kasi lalo na sa akin di daw ako bagay sa kapatid niya!
Cute ko kayaaaa!
"Psshh mukha*hik*baaah hakong*hik*hanapaan ng nawawalang hunggoy haa?!" Ay lasing na si ateng.
Paano ba naman kasi lakas ng inom niya kanina ginawa na atang tubig yung beer habang nagkakasiyahan kami kanina. Birthday kasi ni Ral kaya nagpaparty ang mokong sa garden nila. Kinikilig pa nga ako kanina ehhh kese nemen hihi tinutukso kami nong mga kaibigan niya kami nalang daw.
Bagay naman kami hihi tapos iyong isang iyon sinakyan yung tudyo ng mga kaibigan namin kaya inakbay-akbyan ako hinalikan pa ako sa cheeks hihi. Pafall din ang gagong iyon kaya tingnan mo naman ako hulog na hulog na hayy.
Akala niya siguro walang malisya yun kasi ganon naman talaga kaming dalawa sobrang sweet. Di niya lang alam kapag ganon siya umaasa ako ng bongga kahit di dapat.
"Ate Mik lika na punta nalang tayong kwarto mo lasing ka na eh" panggising ko sa kanya humilata ba naman sa sofa.
Aba't di natinag kaya niyugyog ko ng malakas haha.
"Hanoba?!" Haynako. Tinulungan ko nalang siyang tumayo at inakay pataas. Nako ilang hakbang pa naman yung hagdan nila huhu matinding pasakit to.
SA WAKAS!
Pabagsak ko siyang inilagay sa kama niya at pft hahaha para siyang nirape sa ayos ng damit at buhok niya pero maganda parin. Makinis iyong mukha niya, magandang kilay, matangos ang maliit niyang ilong, mahaba ang pilik mata at kapag dumilat siya malulunod ka sa ganda ng kulay tsokolate niyang mata, matangkad din si Ate Mik, maputi kaya maraming nagkakarandapa sa kaniyang mga lalake may babae pa nga eh. Tapos maganda pa boses at iyong lips niya mapu-
Buffering...
Buffering...
WHAT THE FCK?!
Literal na nanlaki ang mata ko kasi di ko natapos yung puri ko sa red lips niya kasi lumapat or should I say nakalapat pa din yung labi ko doon at kung paano nangyari?
Hindi ko namalayan na nakamukat na pala iyong mga mata niya at namumungay habang nakatingin sa akin at sa kalagitnaan ng pagpuri ko sa kanya sa isip ko bigla niyang hinawakan ang kwelyo ng damit ko, hinigit papalapit sa kanya at hinalikan. Waaaaa di ko naman to first kiss pero sa babae OO!
Bigla gumalaw yung labi niya at dun ako natauhan. Bibitaw na sana ako ng hawakan niya ang batok ko para mapalalim yung halik at OMG naramdaman kong dinilaan niya ang labi ko gosh bat ang sarap niyang humalik?
Di ko namalayan na gumaganti na pala ako. "Hmm" sht di ko mapigilang umungol NO PIGILAN MO MEG!
Bumitaw siya at tinignan ako sa mata. "Ako na lang please" wait WHAT?!
-------------------------------------------------------------------------------------------
Hi! first time ko lang magsulat ng story, so please bear with me. THANK YOU
BINABASA MO ANG
She's Gay for Me
Truyện NgắnShe's girly. She wears dresses, skirts, stilletos and always have a make up on(but I like her bare face, she's more pretty). She even love pink! At hindi ko na rin mabilang kung ilan ba ang naging boyfriends niya. She's mean lalo na sa akin and I do...