Crush ko Siya Pero...

121 1 0
                                    

                Love is something precious. Madalas, di natin maipaliwanag kung bakit at paano ito nag-e-exist. Pero anuman ang rason niyon, sa huli ay nagiging walang saysay. Kasi kapag tumibok na ang puso, wala ka nang magagawa pa kundi ang sundin ito. At tanging ang puso na lamang ang magdidikta ng lahat. Dahilan para ang puso ang kumontrol ng ating pag-iisip sa halip na kabaligtaran.

                Ako si Casey Mendez.  Tahimik, pero pag naging ka-close mo, madaldal din. Minsan may topak, minsan parang baliw. May mga times na madali uminit ulo ko. Pero madalas, mas gusto ko mag-isa. Feeling ko kasi outsider ako kapag marami akong kasama. Di ko ma-explain, basta yun pakiramdam ko. Ang height? Well tama lang, siguro nasa  5”5’ ? Mature din ako mag-isip pagdating sa mga bagay, especially pa gang topic ay LOVE. Haha. Pero take note, di pa ko nagkaka-bf, nagkacrush palang. As in super duper hyper mega ultimate crush. Exaggerated? Medyo lang. ^-^ Crush ko siya since first time ko siya nakita nung first year high school kami. At hanggang ngayon, siya pa rin, di mawala eh. Di ko nga alam kung bakit, kaya pinabayaan ko nalang.

“Casey!”

                Ay! Tinatawag na ako ni Keith. Siya si Keith Fortalejo, bestfriend ko. Actually, marami akong bestfriend, especially sa girls pero sa lalaki, siya lang. Ewan ko ba. Basta naging swak kami sa isa’t isa. Kung ako kasi tahimik, siya naman sobrang kulit at madaldal. Kaya pag mag kasama kami, umiingay rin ako. HAHA ^.^

“O? Bakit?”

“Anong bakit? Akala ko ba sabay tayo magla-lunch? Kanina pa kita hinahanap, bakit ka nang-iwan?” =(

“ Psshh… magdrama daw ba? Tagal mo kasi eh. Kaya nauna na ako bumaba. Tsaka nagseselos ako kay Andrea eh.” ^_-

“Baliw ka talaga! Tara na nga, punta na tayong canteen.”

“Ay, di ka naniniwala? Nagseselos nga ako. Baka crush kita. Hehe.”

“ Ah… so ako na pala crush mo? Mahanap nga si Prince para sabihing crush mo siya dati.” –_—

“Ui. Joke lang! ‘to naman, di ka na nasanay. Tsaka alam ko naman na mas mahal mo si Andrea kaysa sakin eh. At mas mahal ko din si Angel-of-mine kaysa sau.” ^-^

“See? Sabi ko na nga ba eh! Di ka pa nakaka-move on! In denial ka pa nung isang araw ah! Ayiee!” ^.^

“Sus! Parang ako lang ah! Ikaw din naman ah! Sabi mo hindi mo na crush si Drea pero halata namang deads na deads ka pa rin sa kanya hanggang ngayon.” ^-^

Hay naku! Ganito talaga kami pag magkasama. Kaya nga madalas akalain ng mga tao sa paligid naming na may something sa aming dalawa eh. Take note, pati mga teachers. hahah

“ Ewan ko sayo! Bakit ba pag ako kaharap mo para kang amazona? Pero kapag iba naman daig mo pa ang maamong tupa sa sobrang bait at tahimik!” ~-~

“Well,  Ginagaya ko lang naman ang aking ehemplo, who happened to be you!” ^.^

“So ako pa pala ang may kasalanan kaya ka ganito sa akin?” 0_0

“Yup! Absolutely! Bleh!”  =))

“Ay naku! Bahala ka nga!”  

Tapos bigla syang nag walk-out. Hala napikon ata.

“Ui. Biro lang! bati na tayo. Wag ka na magtampo! Please?” sabi ko habang hunahabol syang maglakad.

“Ano yun? Pagkatapos mo ko awayin, ganun nalang yun? Bahala ka dyan!” pag-e-emote nya sabay alis ulit.

“ sige, ganito nalang. Libre kita ng lunch. Pero bati na tayo. Please?” pagmamakaawa ko with matching puppy eyes pa.

Crush ko Siya Pero...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon