Payong ♥

46 3 5
                                    

"May namataang low pressure area malapit sa Visayas region. Inaasahang makakaranas ng kaunti hanggang sa malakas na pag-ulan ang mga karatig na lalawigan. Mag-ingat na lamang po tayo."

Hay. Mukhang magkakaroon pa ata ng bagyo ngayon. Buti na lang Sportsfest ngayon sa school.

Papasok pa lang ako ngayon at medyo ginagahol na ako sa oras. Ayoko kasing malate kahit Sportsfest lang naman. Unang-una, Marshall ako kaya kailangan sa Opening ng event. Ikalawa at huli, ayokong bumyahe ng bandang alas-diyes, mainit, haggard pa, sayang ligo. Haha.

Anyhoo, dahil sa kakamadali ko, nakalimutan kong dalhin ang payong ko. Naiwan ko sa isa kong bag. Hay. Malas nga naman. Bakit pa kasi ako nagpalit ng bag. Tss.

Buti na lang talaga maaliwalas ang panahon nung paalis na ako.

Crossfingers na lang na sana wag umulan.

Mabilis ang mga nangyare ngayong araw sa school. Asikaso sa mga players ng bawat department, assist sa mga guest, bantay sa gate para sa mga pumapasok na estudyante, naging utusan, at marami pang iba. Hirap maging marshall lalo na sa mga ganito kabonggang event. Nakakapagod. Nakakahaggard,

Buti na lang marshall din sila Reina at Amy kaya hindi ako masyadong nalungkot at nabagot. Hehe

Hindi ko na namalayan ang oras. Busy kasi.

Tsinek ko ang kalangitan.

Yosh! Hindi pa umuulan. Sana wag na. Wala akong payong. Mahabag naman sana ang kalangitan sa akin.

Kaso...

Hindi ata nahabag sa akin ang kalangitan. T^T

Pano ba naman kasi, habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe, biglang umulan. UMULAN?! WALA AKONG PAYONG! Grabe lang. Nakakaawa naman ako. Pagod na nga, mababasa pa kung hindi titila.

Medyo umaasa ako na hangga't di pa ako nakakababa sa jeep ay tumila na sya.

Pero...

Sadyang malas pala talaga ako ngayon. Huhubels.

Malapit na akong bumaba nung mas lumakas pa umulan. Ergh. Hindi man lang ako hinintay makasakay sa tricycle. Tsss

So no choice. SUGOD MGA KAPATID!

Ginawa ko na lang payong yung bag ko. Buti na lang waterproof. Keri na siguro to.

Habang tumatakbo ako sa ulan. May isang anghel na ipinagkaloob sa akin ang langit. Siguro nahabag na talaga sila sa akin.

"Miss, silong ka muna oh."

At hindi naman pala ako malas ngayon.

Pagtingin ko kasi sa kung sinong anghel mula sa langit ang tumulong sa akin. Nakita ko yung crush ko. Yung madalas kong nakakasabay sa jeep. Akalain mo nga naman.

"Uy, maraming salamat ha!" Sabay smile. :)

"Hatid na kita. San ka ba papunta?"

"Dun lang sa may sakayan. Malapit na rin naman yun e. hehe. Thank you ulit"

"No problem. :)"

Malapit na kami sa sakayan. Parang ayoko pa. Ayoko pa umuwi. Sayang ang moment kahit tahimik lang namin nilalakad yung park na dinadaanan bago magterminal.

Pero nakakahiya na rin. Baka may pupuntahan pa sya. So sad.

"Uy, sige dito na lang ako. Salamat talaga sa pagpapasilong mo sa payong mo ha. Ingat ka! :)"

"Sige. Ingat ka rin. Nga pala, ano ba pangalan mo?"

Oh my God. Hingang malalim. :")

"Iris. Ikaw ba?"

"Gandang pangalan ah. Mike nga pala. Sige, ingat na lang. Sana magkita pa ulit tayo! Bye :)"

"Sus. Haha Salamat. Oo naman! Haha!"

Basta ba payungan mo ulit ako e, umulan man o umaraw. Willing akong iwan ang payong ko sa bahay. Echos!

Payong ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon