Angelo Carlo Estrada Ford ....
Yan ang pangalan mo. Pangalan mong paulit-ulit kong sinisigaw sa puso ko.
Since 1st year highschool, until now that were on 2nd year highschool, classmate na kita. Dalawang taon na tayong magkasama. Halos araw-araw, ngunit ang bawat araw na yun ay sinasaksak ang puso ko, dahil alam kong di na kita kayang abutin, dahil may nagpapasaya na sa iyo and obviously, that isn't me, and that will never be me.
Kahit di mo sabihin, alam kong girlfriend mo ang kababata kong si Ashley. Di kami close at di rin tayo close. How funny, isn't it? For almost 2 years being with you, we're not close as much as I want to... Ang sakit sa pakiramdam na hindi ka aware sa existence ko at nakatuon na ang puso mo sa girlfriend mo.
Lagi kayong magkasama kahit na di kayo magkaklase. Sobrang sweet niyo sa school. Nag-aasaran pa kayo lagi. Ang cute niyo tignan.
One time, lunch time no'n at kasama mo ang girlfriend mong si Ashley sa cafeteria. Nagulat ako kasi hindi tayo nagkakalayo no'n ngunit ang mas ikinagulat ko pa ay yung kinindatan mo ako...
WAIT, AKO NGA BA ANG KININDATAN MO? "Charisse, hindi. Bakit ka niya kikindatan? Hindi ka kapansin-pansin..." Bulong ko noon sa sarili ko. Oo nga naman, magkaklase tayo pero never tayong nagkausap. Unless para sa group projects, pero hanggang duon lang.... Ang sakit sakit pala.
Gustong gusto kita, Angelo. Pero di ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil dapat pinigilan ko na 'tong nararamdaman ko una pa lang. Dahil alam kong masasaktan lang ako sa huli.
Isang beses noong pumunta ako sa locker ko, di ko alam na nandun kayo at di ko maiwasang di marinig ang pinag-uusapan niyo. Nagtago ako at tanging boses niyo lamang ang naririnig ko.
"Ashley, mag-break na tayo." Sambit mo pa noon. Di pa ma-process sa utak ko ang mga sinasabi mo.
"Pero bakit? Bakit Angelo? Anong nagawa ko?!" Ramdam ko ang sakit sa bawat tanong na binitiwan ni Ashley. Puno ng sakit ang emosyon ng boses niya.
Naaawa ako kay Ashley sa pagkakataong yon kaya di ko maiwasang maging malungkot para sa inyo.
"I'm sorry Ashley..." Pagkasambit mo noon ay agad na akong umalis. Baka makita niyo pa ako at kung ano ang isipin niyo.
Di pa din nagsisink-in sa utak ko ang mga narinig ko mula sa mga bibig niyo.
Dapat ba akong matuwa na naghiwalay na kayo?
Na baka one day, mapansin mo din ako at marealize mong gusto mo rin ako?
Pero hindi ko ata magawa dahil habang naaalala ko ang sakit sa pusong naramdaman niyo eh napapaatras ako lalo. Palayo ng palayo...
Nagkaroon ng 3 weeks sembreak at simula noong break up scene niyo eh wala na akong narinig mula sa inyo. Hindi ko na din kayo nakikita.
3 weeks have past... Pero nanibago ako.
Hindi ako sanay na hindi kayo magkasama. Naglalakad ka ngayon at pipila sa cafeteria.....ng MAG-ISA. Hindi mo kasama si Ashley. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata mo. May kung anong kumurot sa puso ko. Ang hirap para sa akin na makita kang malungkot at naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Tinitigan ka lang mula sa malayo...
YOU ARE READING
Akala Ko Ikaw Na
Short StoryMarami pa lang namamatay sa salitang AKALA. -- All Rights Reserved © Copyrights 2016 Written by: syerihford