It Started Because of a... JEEP?! (One Shot)

645 20 7
                                    

“Ano ba yan! Male-late na ko!” Sa lahat oras na pwedeng masiraan ng jeep, ngayon pa!

*Kring! Kring!*

“Uy pre! Asan ka na?! Papunta na kami ngayon ng walter at mamimingwit na kami ng date para sa prom!” Pasigaw na sabi ni Jason, ang best friend ko.

“Putcha! Hintayin niyo ko pre! Nasiraan yung sinasakyan kong jeep! Tiran niyo ko ng date please lang!”

“Gag*, Dalian mo na kasi! Takbuhin mo na lang yan! Exercise yan pre!”

“Disputa! Nasa Pasay pa ko pre! Bahala na nga!”

“Okay bye hon! Mwah mwah mwah mwah!” Pang-aasar na sabi ni Jason habang nagbabakla baklaan. Binabaan ko na siya ng telepono at tumakbo na palabas ng jeep.

Ba’t ba kasi sa Pasay pa kami nakatira eh sa Don Bosco Makati naman ako nag-aaral! Putcha naman kasi mga magulang ko eh, kailangan pang magtrabaho sa dalawang magkaibang lugar. Tapos ako pa ngayon ang naiipit.

Kasalanan din ‘to nung jeep na yun eh, ngayon niya pa talaga naisipang masira kung kelan ngayon yung araw na mamimili kami ng date sa prom. Hindi pwedeng ang isang Quen Travis na tulad ko ang walang date sa prom. Heartthrob to mga ‘tol, habulin ng babae’t lalake!

Ba’t nga ba kasi naisipan ng Don Bosco na sa walter kukuha ng date? Ang la—

“Ay! Kuya sorry po!” Di ko na natuloy yung iniisip ko nang may nakabangga na pala sakeng babae.

“Ano ba yan! Are you blind? Can’t you see I’m in a rush?!” Harsh ba ng pagkakasabi ko? Ganyan talaga ko, ang shunga din kasi nung babae eh, nakita na nga ko, di pa tumabi!

Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na yung babae at tumakbo na ko ulit papuntang walter. Di ko namalayang malapit na pala ko. Pumasok na ko at nakita ko yung malaking stage sa gitna na may malaking timer at yung host ng event.

“Oh! The ever handsome and popular Mr. Travis is here! But time’s running, get your date before time runs out!” Narinig kong sabi nung host pag pasok ko.

Tatlo lang naman yung rules na kailangan kong sundin eh.

1.       Kailangan makahanap ako ng date within the given time.

Kaya ko’to, may 10 minutes pa ko!

2.       Dapat ang kukunin kong date ay 1-3 years younger saken at bawal ang mas matanda.

So ang pwede na lang saken ay 15-17 yrs. old.

3.       Bawal ang magkakilala sa personal. Dapat strangers kami sa isa’t isa.

Alam kong madami na kong naging flings pero di naman siguro sila lahat dito tatambay ng gantong oras.

Patay! Mukhang halos lahat ay may date na! Si CJ na school jock ay kasama ang isa sa mga naging ka fling ko na. Hahaha! Looks like di nanaman sumusunod si CJ sa rules, halata namang matagal na silang magkakilala eh. Badboy daw, psh pa-cool.

Uy si Jason yun ha at mukhang bata pa yung chix niyang date, loli kasi mga type neto eh! Ang cute pa, singkit, Japanese yata ‘to at halatang walang alam sa nangyayare, magkaintindihan kaya ‘tong dalawang ‘to?

Woah! Ang school nerd na si Charles ay may hot na date na?! Blind date ba 'to? Tss

“5 minutes left Bosconians! And those who have no date won’t be able to join our prom!” Putcha! Limang minuto na lang at wala pa din akong date!

It Started Because of a... JEEP?! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon