"They say if you dream a thing more than once, it's sure to come true. And I've seen him so many time" - Aurora from Beauty and the Beast
Almost 5 pm na nang makauwi ako. Medyo maganda mood ko. Nakapag strawberry ice cream ako eh :3
"Akala ko ba hanggang 2pm lang klase nyo?" Bungad ng wicked witch este nanay ko. Ewan ko ba. Pag ganito kamaldita ang nanay mo maiisip mo talagang makipagpalit ng nanay sa iba eh.
"3 hours lang naman po ako na-late ah? one hour byahe galing school so bale two hours lang kung tutuusin." - Poker face. Kinokontrol ko din boses ko. Hays. Panira ng mood. Nawala epekto ng ice cream sa sistema ko.
"Wag kang magdahilan dyan! Andito si Tita Mira mo. May iaalok sayong part time job." Wow. Part time job. Alam kong sinabi ko sa inyo na ayokong nababawasan ang nakabudget kong oras para sa pagbabasa ko ng libro pero tao din ako. Nangangailangan din ako ng pera, lalo na ngayon magsisimula na yung thesis namin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Asan kaya si Philip? May kapatid nga pala ko. Philip nga yung pangalan pero feeling ko pang aso yung pangalan nya eh. Lol. Mas matanda ako ng tatlong taon sa kanya at sya yung beast sa Beauty and the Beast. De joke lang. Dun galing yung pangalan nya. Nahulaan na siguro ng nanay ko na magiging beast sya? Ha-Ha-Ha gwapo naman yung kapatid ko. Pang beast lang yung ugali.
"Cinderella, hija." Tumayo agad si Tita (kapatid ni Papa) para bumeso sakin.
"Tita. Ella nalang po." -Protesta ko. Isa to sa mga taong kinakalaban ang prinsipyo ko eh. Sabi na ngang Ella. Ella. Ella.
"Maganda naman pangalan mo eh. Kasing ganda mo." Sagot nya na may napakalambing na ngiti.
Ngumiti nalang din ako. Paborito ko sya. Lagi kase nya kong binobola haha. At bukod dun, kabaliktaran sya ng ugali ni Papa. Si Papa parang yelo. Si tita parang bulaklak sa sobrang ... basta! ang nice nya samin. Sakin.
"Nasabi na ba sayo ng Mama mo? May ooffer sana ako."
"Opo. Pero hindi nya pa sinabi kung ano eh." Umupo na kami pareho.
"Kase yung kakilala ko naghahanap ng tutor sa math. Yung anak ng kaibigan nya yung tuturuan mo. Third year highschool sya." Wait. Ang gulo nong connection. Bale yung anak ng kaibigan ng kakilala nya tuturuan ko? Inulit-ulit ko pa sa isip ko para medyo magets ko. Bahala na. Basta third year highschool.
"Taga saan po? Tsaka anong subjects? Lalaki po?" Wala trip ko lang din tanungin sya ng sunod-sunod. Ganti lang. Medyo nalito ako eh.
"Haha. Isa-isa lang hija. Sasabihin ko muna sa kaibigan ko na interesado ka. Babalik ako sa Myerkules para ibigay sayo yung details." Yun lang at tumayo na sya agad.
Interesado ako? Sinabi ko ba yun? Parang di ko maalala. Ang alam ko nagtanong ako. So meaning pag nagtanong, interesado agad agad? Parang ang atat ng mga tao sa paligid ko. Anong meron?
"Ingat po tita." Yun nalang nasabi ko at hinatid sya sa pintuan. Nag-usap pa muna sila ni Mama. Ako pumasok na sa kwarto ko. Di ko na pinakinggan pinag-uusapan nila. Baka mamaya gawin nanamang dahilan ni mama yun para masermunan ako. Mabuti nang sigurado. Feeling ko kase may balak yan si Mama na maging Madre dati eh. Sabik manermon. Swerte ni Papa. Wala sya dito. Isa rin siguro sa dahilan yun bakit pumayag syang madestino sa malayo. LOL
Wala naman kaming assignment today. First day eh. Aba mahiya naman sila samin. Oo. Sila mahiya. College kami. Hindi highschool na maya't maya binibigyan ng assignment. Yun nga lang pag college, isang bagsakan. I mean yung tipong walang tulugan matapos lang pinapagawa nila. Dapat yung course na kinuha ko kase yung mga pang petiks eh. No choice. Choice ni Mama. Hindi uso Human Rights dito sa bahay. Kung anong sinabi, sundin. Pero syempre sumusuway din ako paminsan minsan no >:)
BINABASA MO ANG
My Unfairytale Life
RomanceDi ba dapat kung kanino ka ipinangalan, halos kapareho mo din ng ugali at kapalaran yun? Medyo kabaliktaran lang naman kase yung kay Cinderella o 'Ella'. Sobrang irony. Adventurous at napakatapang nyang nilalang. Sa panaginip. Pero sa totoong buhay...