Kristel's P.O.V
Bakit ganun maguumpisa na ang party pero bakit wala pa siya.
"Good evening everyone, the time has come lets all welcome our birthday girl, Kristtelle Mari Alcazar" sabi nung MC sa harap ng maraming bisita.
Habang pababa na ako sa hagdan na may pa red carpet pa. Di ko maalis ang tingin ko sa bawat sulok ng venue na ito, baka nandito lang si drew.
Pagbaba ko inalalayan ako ni dad, papunta sa gitna.
"Bago magsalita ang ating birthday girl, mag sasalita muna ang mga magulang ni ating birthday girl" sabi nung mc sabay abot kay dad yung microphone.
"Good evening sa inyong lahat, maraming salamat sa magdalo sa kaarawan ng aking anak." Sabi ni dad. "But before anything else, i want to great my baby girl. Happy birthday sweetie, i hope you will enjoy your special day" *teary eyes* medyo iyakin si daddy. Sabay yakap niya sa akin habang inaabot yung red roses.
Sunod na magsasalita si mommy.
"Sweetie, i know your not a baby girl any more. But you still my baby girl. I love you. Happy happy birthday" sabay hug and kiss sa akin ni mommy.
Nagkaiyakan na ang lahat pero ako patuloy ko parin hinahanap si drew, asan na ba siya? hindi ba siya pupunta?
"Good evening po sa iyong lahat, salamat po sa lahat ng dumalo. Let's enjoy the party. And let's eat" bati ko sa kanilang lahat.
Nagpatugtug ang DJ habang kumuha ng pagkain ang mga bisita.
"Bhessie happy birthday" bati sa akin ni yannah at nica. Sabay hug sa akin at abot na rin ng mga gift nila.
"Kristel happy birthday" bati na naman nina josh at danzel sabay beso sa akin at abot din ng regalo.
"Guys, thank you" sabi ko habang patingin tingin sa mga bisita baka kasi natakpan lang si andrew.
"Wala siya dito" bulong sa akin ni kathie.
"Ahhh." Inosente kong sabi. Na biglang nalungkot diba dapat masaya lang kasi birthday ko ito bakit ganun.
"Let's continue the party. Lets call on the bestfriends of our birthday girl" sabi nung mc sabay akyat ng buong barkada.
"Bhessie alam naming meron kana ng lahat, ang wish lang namin para sayo is good health. We love you" sabi ni yannah, sabay yakap sa akin.
"Kristel happy happy birthday. Wish you all the best and always remember na lagi lang kaming nandito pagkailangan mo" sabi naman ni josh, sabay beso sa akin.
"Bhessie happy birthday. Napaka mabuting kaibigan po itong si kristel isang tawag mo lang sa kanya nandyan na agad siya kahit gaano pa ka bc niyan basta para sa pamilya at kaibigan niya lagi siyang naglalaan ng time, basta bhessie pag may problema ka remember " just call my name and i'll be there" . sabi ni nica na medyo na paluha ako. At niyakap ko nalang siya.
"Kristel happy birthday, napaka swerte po namin dahil nagkaroon kami ng kaibigan na katulad ni kristel, maaalahanin, mapagmahal at laging nandyan pag kailangan mo, we love you" sabi niya na napapa luha na.
"Happy happy birthday couz. Nasabi na nilang lahat pero ito lang ang masasabi ko. Pag kailangan mo kami wag kang mahihiyang magsabi. Kahit gaano pa kami ka busy paglalaanan ka namin ng time tulad ng ginagawa mo sa amin. I love you" sabay kiss ko sa kanya sa pisngi. At yun nagkaiyakan na.
Kulang nga lang kami ng isa..Drew's P.O.V
Napansin kong tapos ng mag speech lahat ng kaibigan at kapamilya ni kristel. Dali dali akong pumunta sa back stage.
Sinenyasan ko yung DJ para bigyan ako ng minus1 music.
Pumunta na ako sa harap dala ang guitara ako habang nag papatugtug."Ano pa bang hanap
Di ba't wala namang hadlang
Higit sa magkaibigan
Ngunit damdamin ay puwangDi ko malaman kung anong meron sa atin
Di masabi kung ikaw nga ba ay akin"Sabay baba ko nang stage at papalapit kay kristel.
"Parang tayo pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okey lang naParang tayo pero hindi
Kaya puso'y di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganito
Parang tayo, pero hindi"Pag-akyat naming dalawa sa stage sabay abot ko sa kanya nung red roses.
"Sorry" bulong ko sa kanya nang walang microphone.
"Laging di napapansin
Ang oras na kumukupas
At sa tuwing magkasipi
Tila ang init ay wagasNgunit bakit pagdurusa'y di mapawi
Ang isip ko'y litong lito at hindi mawari"Sabay hawak ko sa mga kamay niya, at nilagay ko ito sa balikat ko ang isa kong kamay nilagay ko sa bewang niya.
"Parang tayo pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okey lang naParang tayo pero hindi
Kaya puso'y di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganito
Parang tayo, pero hindi"Bigla akong lumuhod sa harap niya. Na ikinagulat niya at lahat ng bisitang nandun.
"Kristel im sorry for everything. Hindi ginustong saktan ka, pero yun lang ang alam kung paraan para maiparamdam at masabi ko sayo na....." Pambibitin ko sa kanilang lahat.
Lahat sila inaabangan ang sasabihin ko.
Kristel's P.O.V
Ano ba itong ginagawa niya. At anong gusto niyang sabihin at nambibitin pa siya.
"na MAHAL kita" sabi niya na ikinagulat ko.
Totoo ba ito o kasinungalingan na naman, ang hirap ng magtiwala sa taong minsan nang sinira ang iyong tiwala.
"Drew ano na naman bang makulo ito?" *pagalit tone* sabay tingin ko kina mommy.
"Alam ko minsan ko nang sinara ang iyong tiwala pero this time paniwalaan mo ako, MAHAL kita kristtelle mari alcazar." Naluluhang sabi niya, habang nakaluhod.
Naghiyawan ang mga bisita ko na parang kilig na kilig, habang ako speechless hindi makapaniwala. Totoo ba ito.
"Kristtelle Mari Alcazar pwede ba akong manligaw?" Lakas loob niyang tanung sa harap ng lahat ng tao.
Tumingi muna ako kina mommy, daddy at sa lahat ng barkada. At lahat sila naka like sign*👍👍*. That means YES.
Totoo ba ito, dati patago ko lang siyang minamahal pero ngayun nasa harapan kuna siya at naka luhod. Papakawalan ko pa ba.
Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya. At biglang naghiyawan ang lahat.
"Aieeeyyyyy" sigaw nilang lahat.
Bigla naman akong niyakap ni drew dahil sa tuwa.
"Thank you for giving me a chance to show you how much i love you" sabi niya. Sabay dukot sa bulsa ni ng isang mini red box.
mini red box??? Alam kuna ang eksenang ito ah. Propose agad??
Binuksan niya ang box at naglalaman ito ng isang necklace.
"Happy Birthday" bulong niya sabay suot sa akin nung necklace.
"Thank you for making me happy" sabay yakap ko sa kanya.
Habang ang mga tao doon nag papalakpakan, na halatang kilig na kilig sa aming dalawa.