Chapter 1 - Pt 3 Gus and Hazel plus My Knight

44 0 0
                                    

Tapos na kong kumain. Inagahan ko talaga. Total yung beast este si Philip naman yung maghuhugas ng plato. Malapit ko ng matapos basahin yung The Fault in Our Stars. Nung una akala ko boring to eh. Nung medyo nasa kalagitnaan na ko, wow. Hindi ko na mabitawan.

Pinag-iisipan ko din yung offer ni Tita. Baka pwede pang mag back out eh. Tatantyahin ko pa yung available time ko. Wow tantya. Laging dapat eksakto eh. Yung ang prinsipyong naturo sakin ng numbers. Hindi naman talaga math ang gusto kong subject. Gusto kong mag aral ng Literature. Wala nga lang malapit na university. Gusto ko ring patunayan na mali yung sabi-sabi na pag magaling sa math, shunga daw mag english. Oh well (Nuxx. Bubwelo para mag english o!)

I'm not sure if I can accept that offer (Pinanindigan ko na haha) Pero baka naman mapag usapan yung schedule ng pagtuturo. Sayang din yung pera. Teka? Magkano nga pala yung sahod monthly? Aba baka maluge ako ah?!

Actually hindi ko naman talaga kelangan ng pera eh. Hindi naman ako ginugutom nila Mama at Papa. Manager ng bangko si Papa. Naka destino sya sa Pampanga. So weekly sya kung umuwi dito. At gaya ni Mama, hindi ko rin kasundo si Papa. Basta. Tsaka na natin sya pag-usapan.

Bahala na nga. Sa Miyerkules pa ko magbibigay ng final decision ko.

Oh sh*t! Bat bumalik yung cancer ni Gus?! 

(Auhors note: Si Gus or Augustus Waters at Hazel ay characters galing sa The Fault in Our Stars ni John Green)

After 6 hours ..

"But, Gus, my love, I cannot tell you how thankful I am for our little infinity. I wouldn’t trade it for the world. You gave me a forever within the numbered days, and I’m grateful.”

1 am na! Arghhhhhhh. Malapit ko na tong matapos pero antok na antok na talaga ako. Ngayon palang naiiyak na ko. Naawa ako kay Gus. Bakit? Bakit lumalala na sya. Hindi nya pwedeng iwan si Hazel. Sya yung malakas sa umpisa di ba? Bakit bigla syang mang iiwan?! Okay dalang dala nanaman ako ng kwento. Kwento lang yan Cinderella. Easy lang. (Wait. Yung subconscious ko tinatawag ako sa buo kong pangalan. Hindi na tayo bati!)

Dahil kinakasaup ko nanaman ang sarili ko, matinding simptomas to na kelangan ko nang matulog.

Medyo nakakasilaw yung buwan pero ang ganda talaga ng langit. Parang ang dami daming bituin ngayon. Nasan na ba si Hara? Yung dragong yun talaga, kung magligalig kala mo kasing liit lang sya ng kuneho. Aantayin ko na lang syang bumalik para makauwi na kami.

Teka, ano yun? Parang unicorn yun oh! At wait. May knight. In shining armor! Oh my gulay. Parang ang pogi nya? Parang lang. Medyo madilim. Hindi ko maaninag pero surebol pogi to. Ako siguro hanap nito? Aba dapat lang. Ako lang naman prinsesa sa kahariang ito.

"Prinsesa Ella, maari ko bang hingiin ang kamay mo?" Tanong nya agad sakin. Hindi pa nga sya nakakababa ng unicorn nya eh. Excited much?

"Teka. Easy tiger lang ha? Ang bilis naman. Hindi pa kita kilala."

"Pero matagal na kitang tinatangi." Nakangiti sya. Hindi malinaw mukha nya pero alam ko nakangiti sya. At yung boses nya, ang sarap sa pandinig, para akong inaantok. Pero ows? Eh ngayon lang kami nagkita. Stalker este admirer ko sya?

Di bale na. Gusto ko sya. Gustong gusto. Moment of truth.

"Syempre naman O-------"

Don't lie don't lie to me nowwwwwwwwwwwwwwwwww!

Now I'm erasing youuuuuuuuuuuuu!

At Tuesday morning. Hello. Siguro kelangan ko nang palitan yung alarm tone ko. Darling ng Eyes Set to Kill. Medyo nakakagulat eh, although effective naman syang pampapagising. Lol!

My Unfairytale LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon