Prolouge

18 1 3
                                    

Her Side

"Define Love."

Nakatingin lang ako sa labas. As usual, tinatamad na naman ako. Nakakainis pa kasi sumabay pa 'yung sumasakit 'kong puson.

Minsan nga natatanong ko na lang sa sarili ko. Bakit kailangan kami 'yung mag-suffer buwan-buwan? Minsan talaga napapailing na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko, diba?

"Ms. Solideo!"

Halos mapatalon palabas ng katawan ko iyong puso ko sa sobrang gulat.

"Are you still listening?!" Sigaw nung terror 'kong professor sa literary-English at literasiyang Tagalog.

Dahan-dahan akong tumango. Kahit ang totoo ay lutang ang isipan ko ngayon. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino ako. Ipagkakait ko pa ba 'yon? Hindi na nga ako maganda, hindi pa ako mag-aaral ng mabuti? Ano pang silbe ko sa mundo?

"Define Love." Inulit n'ya 'yung tanong n'ya kanina. As usual, wala na naman s'yang nakuhang matinong sagot sa mga ka-block ko. Minsan hindi ko maintindihan ang mga tao. Bakit ginagawa nilang biro ang pag-ibig?

"Love?" Untag ko. "For me, Love is a peculiar feeling. 'Yung pakiramdam na, kakaiba. 'Yung hindi mo maintindihan. 'Yung tipong hindi mo inaasahan na mangyayari sa'yo 'yun." Sagot ko.
Tumatango-tango kasi si Ms. Gadon. Kinakabahan ako. Nararamdaman ko na 'yung susunod n'ya pang tanong. Minsan, ayoko nang sumagot ng tama. Palagi na lang ganito. Kahit alam ko kung paano magmumukhang tama 'yung sagot ko, hindi pa rin mapakali 'yung puso ko.

"When do you think would the strange feeling attack your young heart? And what would be your response to your fate?" Magkasunod n'yang tanong sa'kin.

"Para sa'kin siguro kapag naramdaman mo 'yung puso mo na hindi mapakali. More like, the feeling is teasing your heart to jump out of it's cage." Panimula ko. "Follow your heart. Sundin mo 'yung puso mo kung ano 'yung gusto n'yang itugon sa tadhana. Pero pag-aralan mo din 'yung puso mo. If that would lead your heart feel broken, you should stop. Tama na, awat na. Masakit na, e."

Ngumiti si Ms. Gadon sa sagot ko. "Your answers are impressive, Ms. Solideo. Are you in love?" Tanong n'ya sa'kin. Nagtawanan naman 'yung mga kaklase ko.

"Umaasa na naman 'yan kay Quin!"

"Pambihira e ni-hindi nga napapatingin sakanya 'yun, e! Hahaha!"

As usual, hindi ko na lang sila pinansin. Nagbingi-bingihan na naman ako. Hindi naman kasi totoo 'yung mga sinasabi nila.

"Are you mad?" Bungad n'ya sa'kin.

"Magkasama kayo ni Cindey kanina.." I trailed off. "Kayo ba?" Tanong ko.

"What?" Tumingin s'ya sa'kin. Kahit kailan talaga nakakatunaw 'yung mga tingin n'ya. "Are you pushing me away?"

"Hindi.. pero.."

"I love you, baby." Pinutol n'ya agad 'yung sasabihin ko. Ganito na lang kami palagi. Nagtataka lang naman ako kung bakit palagi n'ya kong tinatago. Nakayakap mula sa likod ko. Siniksik n'ya pa lalo 'yung ulo n'ya sa leeg ko saka inamoy amoy 'yung buhok ko.

My knees go weak. Palagi  na lang ganito. "Alam ko." Pilit akong ngumiti. "Mas mahal kita."

Naniniwala ako sakanya. Sabi n'ya mahal n'ya ko. Diba sabi nga nila, tiwala ang puhunan sa isang relasyon. Kahit na, wala kaming label. Parang 'yung isang linya sa kanta, 'parang tayo pero hindi..'

"Stop!" Sigaw ni Ms. Gadon. She patted my shoulder. Pilit akong ngumiti.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 10 o'clock na. Sa cafe na lang ako kakainin. Sigurado madaming tao sa university canteen.

Not your Typical GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon