-Mix's POV-
Nasa isang madilim na lugar kami, kung saan matatagpuan mo lamang ay isang ilaw. Isang ilaw na nagsisilbing liwanag ng lahat ng tao sa lugar na ito. Alam ninyo na ba kung anong lugar ito? Hulaan ninyo muna, basta hindi siya iskinita na laging pinaglalagakan ng mga sindikato at mga rapist sa buong mundo.
Nahulaan ninyo na ba?
.
.
.
Syempre hindi din siya Motel!
.
.
.
At lalong hindi din naman siya Bar o Club.
.
.
.
.
.
.
.
Pero joke lang talaga 'yun. Nasa bar talaga kami at dahil mga green minded na ang mga tao ngayon. Isang malaking "NO" ang sagot ko sa inyo kung iyon man ang iniisip ninyong dahilan kung bakit ako andito sa bar. Gusto ko lang sabihin na andito ako para sa trabaho at hindi para lumandi ng ibang babae. At tama din kayo ng basa, LALAKI po ako. Hindi bakla at hindi babae, diretso ako katulad na lamang ng tuwid na daan ni Roxas. Ay! Mali, mas tuwid pala 'yung daanan sa aming lugar kaysa sa daan ni Roxas.
"Mix, nakita mo ba si boss? Hinahanap ka niya kanina hah?" tanong ni Jacob, isa siya sa mga kasamahan ko dito sa bar. Ano ba 'yan? Kararating ko lang, hinahanap na agad ako. Hindi ba pwedeng mamaya na lang kapag may ginawa na akong katarantaduhan dito sa bar niya?! Hahaha
"Bakit daw?" simple kong tanong habang inaayos ko 'yung gamit ko dito sa may counter pero imbes na makakuha ako ng matinong sagot. Aba ang gago, tumawa at sumama pa 'yung kolokoy niyang pinsan na si James. Pero alam ninyo ba kung anong mas nakakainis doon? Nakakadiri silang tignan. Sinong matinong lalaki ang maghahampasan habang nagtatawanan? Paki-explain, hindi ko po gets.
"Uy! Curious siya tapos hahanapin na din niya si boss." parang tangang kantsaw naman ni Jame pero tinignan ko lang siya ng masama at agad din naman siyang tumigil.
Hays... Sa kabutihang palad, dumating din 'yung ibang ka-bandmates ko kaya natigil na lang bigla 'yung kantsawan na sinimulan nung dalawang kolokoy.
"Oh, andito ka na pala Mix. Hinahanap ka ni boss hah. Pakita ka." bati ni Steve sa akin habang binababa niya 'yung daladala niyang bass guitar at halata namang kararating lang niya.
"Nasaan siya?" tanong ko para mapuntahan na 'yung boss namin na akala mo lagi na lang akong nawawala.
Tumingin muna sa akin si Steve sandali tapos tingin kila Jacob and James.
.
.
.
Tapos nagsimula na naman silang magtawanan na parang baliw! Bwiset 'tong mga to hah. Pinaglololoko ba nila ako? Lintek naman oh! Hindi na nakakatuwa.
"Sabi ko sa'yo hahanapin niya si boss mamaya. Bwahaha! EPIC! Nakita mo ba 'yung itsura niya?" baliw na sambit ni James habang nakahawak pa sa t'yan niya at kulang na lang ay pumalakpak siya para lang magmukhang seal. Oo, ganun siyang kapanget tumawa.
"Mga lintek talaga kayo!" reklamo ko't minabuti na lang na lumayas doon at naghanap ng bakanteng upuan malapit sa may stage ng bar.
Sandaling tumahimik ang mundo ko hanggang sa bigla na lang nasidatingan ang mga magagaling kong mga bandmates at isama mo pa 'yung magpinsan na kolokoy na walang ibang alam na gawin kundi pagtripan ako. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi sila nagtratrabaho ng maayos? E kasi po, pinsan nila 'yung may-ari ng bar na ito kaya ang lakas ng loob nilang magliwaliw kahit na sabihin natin na nand'yan talaga ang may-ari ng bar na ito.
BINABASA MO ANG
Scared to Death (One Shot)
Short StoryOne short story based on the song Scared to Death by KZ Tandingan.