6 : Scared of Thunder

15 1 0
                                    

ORION's P.O.V.

Habang nakahiga ako sa kama di ko maiwasang mapangiti.


Buti na lang talaga may video ako nung kiss namin. Uto-uto kase tong si Demetry. Never in my life ko naman ia-upload yun. Hahaha. Baka sabihin ng mga kaybigan ko e, ang cheap ko. Manghahalik na nga lang dun pa sa hindi hot.


"Demetry. Gising ka pa?" Tanong ko.

She didn't respond.

"Demetry." pag-uulit ko.

Still no response.


Okay. Tulog na nga sya. After ilang minutes di pa rin ako makatulog. Puyat na naman ako neto. Bukas talaga magbu-beauty skeep ako, sayang tong gwapo kung magkaka eyebags lang.

"Tug!" I heard a loud thud.

Napabangon ako dahil dun. I turn on the lamp beside me. And I saw Demetry on the floor still sleeping.

Aish. Nakakaawa naman. Dahil nakikitulog lang ako dito,inihiga ko na lang ulit sya sa couch. At nahiga na ulit ako sa kama.


Nakaramdam ako ng pagkaantok. Napahigab ako. Pero bago ako tuluyang makatulog....


"Tug!" Nalaglag na naman sya for the second time. Nakakasura naman o! Baka di na ako patulugin nito kalalaglag nya sa sahig. So now, pareho kaming nasa kama. Malawak naman to e, di na sya magkakabog dito panigurado.

I hate girls. It's true. I do hate girls. Including this girl beside me. Ang taray taray kase nya. Maganda din naman pala sya kahit walang make-up, ang simple nya tignan pag walang make-up. Ano ba naman tong pinagsasasabi ko? Aish. Ang panget nya. Wala syang kasing panget! Pwe! Lalo na pag nagagalit sya. Papanget ng papanget ang itsura nya. Yun tipong kulang na lang may lumabas na usok sa ilong at tenga nya. Hahahaha.




Makatulog na nga. Tumalikod ako sa kanya at ipinikit na ang aking mga mata. But my eyes automatically open widely when she hug me. Pati yung binti nya nakahug din sa binti ko. Psh.


Ang tunay na manyak nga naman talaga o, kahit tulog manyak parin. Aish. Di na talaga sya magbabago. Once a manyak always be a manyak. Inaalis ko ang pagkakayakap nya sakin pero niyayakap nya pa rin ako.

Haaay. Wala na akong magagawa. Hinayaan ko na lang sya. Nakakachansing tong isang to e. Pucha.






DEMETRY's P.O.V.


Dahil sa tunog ng lakas ng pag-ulan sa labas, nagising ako. Umuulan pala.

-.- -o- o.o 0.0 O.O

Pagkamulat na pagkamulat ko nabigla kaagad ako sa mga nakikoita ko. Biruin mo, natulog ako sa couch tapos gigising ako nasa kama na ako? Don't tell me nag sleep walk ako kagabi?! OMO. Kahiya. And the worst part is..Omygad! I can't believe this!


Yung muka nya nasa may leeg ko na habang yakap nya ako at yakap ko din naman sya! Gosh! Para kaming newly weds. Ugh! I brush the thought of it away and shake my head. Di ko na pinatagal ang gantong posisyon at itinulak ko sya agad-agad palayo.


Damit ko check. Pyjamas, check. Underwear, check. Mabuti na yung sigurado. Baka mamaya may ginwa na tong isang to na kalokohan. Tumayo kaagad ako at nakita kong unti unti nya ng nimumulat yung mga mata nya.


"What's with the eyebags?" tanong ko


"Around 3:00 na ako nakatulog e." sabi nya na boses antok at kinusot kusot nya pa ang kanyang mata.



The Most Powerful ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon