Rain's POV
Shems nakakapagod! Kakatapos lang ng team building namin. Akala ko mamamatay na ako sa hingal. Masaya ba magkaroon ng lamay dito sa Baguio? Hahaha, joke lang.
"Babe! Pawis na pawis ka," sabi ni Nathalia habang pinupunasan yung pawis ni Ethan.
Bla bla bla! Edi maglandian kayo sa harap ko. Paano ako magtitiwala dyan kung harap harapan niya akong sinasaktan? May topak ata si Denise kagabi eh. Badtrip,
"Alam ko. Hindi naman ako tanga para di malamang pawis ako," sabi ni Ethan tapos tinanggal niya yung kamay ni Nathalia sa mukha niya.
"Babe naman eh!" nagmamaktol na sabi ni Nathalia kay Ethan.
Kinagat ko yung labi ko para mapigilan ang pagtawa. Pffft...HAHAHAHA! Epic fail kang baboy ramo ka. Ganyan ba sila magmahalan? Bakit nung nagpapanggap kami ni Ethan, hindi naman siya ganyan sa akin? Okay, enough. Kalokohan lang 'yun ni Ethan. Baka ganyan talaga siya sa totoong buhay.
Nagulat ako nang may biglang nagtapos ng towel sa mukha ko. Aba! Bastos ah! Tinanggal ko yung towel sa mukha ko.
"Bakit mo--"
"Anong tinatawa tawa mo dyan? Tch. 'Wag ka magpatuyo ng pawis," sabi niya.
Shet. Yung puso ko nagwawala na naman. Lecheng Ethan yun ah! Anong karapatan niyang batuhin ako ng towel?! May towel naman ako. Anong tingin niya sa akin, walang pambili ng towel? Aba, nakakainsulto ah.
Okay, speaking of my towel. Nasaan yung towel ko? Shems, nandito lang 'yun ah!
"Hehehehe...Rain. Sorry yung towel mo natapakan ko..hehehe" sabi ni Michael habang nakatapak pa rin sa towel ko.
Kapag minamalas ka nga naman oh! At talagang hindi niya pa inaalis ang maputik niyang sapatos sa towel ko. Siguro nakita yun ni Ethan kaya binato niya ako ng towel. Bakit ba?! Ano namang pakialam niya?! Bwisit!
No choice ako kaya ipinunas ko na sa mukha ko yung towel ni Ethan. Anak ng tokwa! Bakit ang bango nito? Amoy Ethan. Kaamoy nung jacket. Santisima! Hindi ko pa pala nababalik yung jacket. Baka mamaya sabihin nun dinekwat ko na yung jacket niya dahil wala akong jacket. No way highway!
"Balik na tayo sa bahay," pag-aaya sa akin ni Drake. Kagagaling lang niya sa center, pinasa ata yung reflection namin. Bwisit kasi eh. Ang tagal niya magising kanina. Kinokolekta na nga ni Denise eh. Ayan tuloy, mag-isa ko siyang pinapunta doon. Nakakapagod kaya,
"Napasa mo?" tanong ko.
"Naman! Para sa'yo, gagawin ko lahat.." sabi niya tapos kumindat.
Pinanliitan ko lang siya ng mata..
"Sana maging kirat ka," sabi ko habang naka poker face.
"Grabe naman," sabi niya tapos nagpout.
"Mukha kang tanga, Drake. Promise!" saad ko habang natatawa.
"Okay lang maging tanga basta para sa'yo" tapos kinindatan na naman niya ako.
"Isa pang kindat mo, hindi ka na talaga makakadilat!" sabi ko sa kanya at itinaas ko ang kamao ko. Sana naman alam na niya ang ibig sabihin nun. Nakakairita eh,
"Sasapakin mo ang boyfrie---"
"Rain, pinapatawag ka ni Miss Zamora" hindi na natuloy ang sasabihin ni Drake nang may magsalita sa likod ko. Lumingon ako para makita kung sino.
Pakshet! S-si Ethan. Double pakshet, bakit ako pinapatawag? Wala naman akong kasalanan ah! At bakit...okay andami kong tanong.
"B-bakit daw?" tanong ko kay Ethan. Shet, Rain! Huwag ka nga kabahan. Mas kabahan ka kay Miss Zamora.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...