Being Single (One-sided Love)

279 5 2
                                    

Wala pa akong nagiging girlfriend ever since. In short, NGSB(guy version) ako.

Nagmahal na ako minsan. Siya ang first love ko.

Naging classmate ko siya ng 4 years sa high school.

Nung una ko palang siya makita (orientation ng mga 1st years),

tinamaan na ako. May kakaiba na akong naramdaman.

Bigla akong naconscious kasi nung time na yun, mataba pa ako.

Hindi ko alam kilala pala siya nung katabi ko na kilala ko rin.

Tinanong niya yung crush ko(oo, crush ko na kaagad siya). kung anong section niya.

Natuwa naman ako nung marinig ko na magkasection pala kami.

Nagsimula na ang klase. Naging close ko naman kaagad mga classmates ko

pati siya syempre.

Naging friends kami.

One time nga, maaga ako nakarating sa school.

Ako palang ang tao sa room.

Dumating siya. Ako nakatambay lang sa corridor.

Lumabas siya at tumabi sa akin.

Syempre deep inside tuwang tuwa ako.

Since may morning assembly kami palagi,

niyaya niya ako bumaba.

Nagulat naman ako nung hinilia niya ako.

Hawak niya ang wrist ko.

Sobrang saya ko nun.

Nung time nga na yun, parang gusto kong tumigil ang oras

at sana wala ng sumingit sa amin.

Kaso, hindi e, dumating narin yung mga classmates namin.

Pero ok lang, masaya naman ako.

Second year na kami.

Masaya ako dahil

classmate ko ulit siya.

Dito na nagsimulang lumalim

pa ang nararamdaman ko sa kanya.

Nalaman ko kasi na

may gusto siya sa isa naming classmate.

At yung classmate na yun may gusto rin sa kanya.

pero hindi nila alam.

Ewan ko ba, nung time na yun,

naiinggit ako dun sa classmate ko.

Hinayaan ko nalang.

Alam ko na nagpaparamdam yung

classmate ko sa kanya.

Buti nalang torpe din yung classmate ko.

Kaya, after second year,

walang nangyari sa kanila.

Third year na.

Ewan ko kung paano nangyari,

kumalat sa room na may gusto ako sa kanya.

Dahil dun, inaasar nila kami.

Syempre ako, kunwari ayaw

pero deep inside, gusto ko.

Siya naman parang wala lang

sa kanya yun.

Hay, kasi iba parin ang gusto niya.

Being Single (One-sided Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon