ASSUMING KA KASI!

11 0 0
                                    


Nandito kami sa cafeteria.Nagkwekwentuhan ni jane. Nang biglang may kumalabit sa akin." Hi jane hihiramin ko lang tong si pearl ah."paalam ni jay,nagpacute pa ang loko.

Dinala niya ako sa isa sa mga garden ng school,malayo-layo rin to sa cafeteria ,wala ring tao rito bukod sa amin.

"Ahm ,pearl makinig kang mabuti huh?"tumango lang ako. Kunakabahan ako di ko alam kong bakit.

"Alam mo ba?nung una kitang makilala ay tinamaan agad ako sayo. Nung una di talaga ako naniniwala sa love at first sight eh. Pero simula nung makita kita di ka na mawala sa isip ko. Ginawa ko talaga lahat ng paraan para mapalapit sayo. Hindi nakukumpleto ang araw ko kapag di kita makita at kapag di ko naririnig ang boses mo. Sana ganun rin ang nararamdaman mo para saakin."

Nakatingin lang siya diretsyo sa mga mata ko. Nabigla  ako ng hawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"Jane can you be my girlfriend?" Napa-huh ako.

"Ano bro okay na ba? Sa tingin mo sasagutin ako ni jane kapag ganun ang sasabihin ko? O kulang pa ba? Napakaikli lang ba? Ano?"

Hindi ako makapag salita,parang nadurog ang puso ng marealize ang nangyayari.

"Sabi kasi ni nico kailangan ko lang daw sabihin ang nararamdaman ko.  Tapos daw dapat mukhang seryoso at sincere. Hoy!!!bro magsalita ka naman!okay ba?"

"Huh? Ah oo okay na naman siya! Haha ang baduy mo bro sobra haha. Sige,bye alis na ako. Haha"

At ayun tumakbo na ako,tumatakbong umiiyak. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di na ako lumingon.

'Ano ka ba naman pearl!alam mo namang bestfriend lang ang turing niya sayo'

Pero shit ang sakit. Umupo muna ako sa ilalim ng puno at dun umupo. Iyak lang ako ng iyak na tila ba wala ng bukas.

'Assuming ka kasi!ayan tuloy!'

End.

ASSUMING KA KASI![ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon