A Forbidden Night

95 0 0
                                    

"Av! Where are you going?" My friend, Alonica asked me.

Palabas na ako ng Pemp nang tawagin ako nito. Nilingon ko sya at sinagot.

"God knows where, Alonica. Wanna come?" I smirked at her.

"No, thanks. Just go home safe." She said and walked back to the Dance floor.

Actually, she already knew where am I going. She's just confirming it. Palagi namang ganito ang set up namin. Magkikita kita kaming barkada sa isang bar pero kanya kanya na pagkatapos ng maiksing catch up.

Tumunog ang phone ko ngunit hindi ko ito pinansin. Pumasok ako sa kabilang bar at umupo sa high stool sa may counter.

"On the rocks Bacardi, please." Order ko dito na agad namang ginawa ng Bartender, err... na mukang mayamang bartender?

Nilibot ko ang mata ko sa loob ng Eros para hanapin ang pakay ko. Inumpisahan kong suyudin ng mata ko ang Dance floor ngunit wala sya dun.

"Here's your Bacardi, Ms.?" Inabot sakin nito ang inumin ko.

"Ava. I'm Ava. And you are?"

"Cloak. I'm the owner." Sagot nito sakin.

"Oh?" Yun na lamang ang nasabi ko bago ako sumimsim ng alak.

Hindi naman malayong sya nga ang may'ari dahil sabi ko nga kanina ay muka itong mayaman at gwapo ito. But not my type, I'm already hooked with someone.

"Yah. Actually, madalas kitang napapansin dito. Palagi kang nakatingin kay... Hex." Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kanya.

Tumaas ang kilay ko dito. What the hell? Ganun na ba ako ka'obvious? And... Hex. Hex pala ang pangalan nya? For almost a month na pinagmamasdan ko sya sa Bar na ito ay hindi ko nalaman ang pangalan nya. Wala akong pinagtanungan o hindi ako nag'research. Hindi rin ako gumagawa ng move, kahit pwede naman. I'm just simply looking at him while dancing and flirting around this bar. Yes. Just looking.

Gusto ko sya, okay! No doubt about that. Pero wala pa naman ako sa stalking stage. Ni hindi pa nga nakikita ng mga kaibigan ko ang lalaking 'Kinababaliwan' ko daw. Alam lang nila na meron pero di nila kilala. At hello? Kung sakaling mag'stalk man ako ay nakakahiya.

News flash: Antonietta Valeri Villacorta is stalking someone.

What the fvck, right? Hindi magandang pakinggan.

Luminga linga ulit ako sa loob ng bar ngunit mukang napaaga yata ako ngayon dahil wala sya. Tumingin ako sa orasan ko. Its his time.

"You're late, he got out early. Mukang importante dahil hindi na sya nakapag'paalam samin." Sabi nanaman ni Cloak habang nagsasalin ng alak sa baso ko. "Your drinks' on me." Then he winked, na ikinatawa ko ng bahagya.

"Thanks." Sabi ko nalang.

Muling tumunog ang phone ko. Fvck! Kanina pa nagti'text at tumatawag si Mommy sakin.

"Excuse me." Paalam ko kay Cloak na ngayon ay may kausap nang babae at tinanguan lang ako nito.

"What now, Mom?" Iritableng tanong ko dito ng sagutin ko ang tawag nya.

"Where the hell are you!? Kanina ka pa namin tinatawagan ng Daddy at Kuya mo!" Sigaw nito sakin.

"I'm in Manila, Mom. Bakit ba?"

"Kailan ka ba uuwi? Tomorrow's our family reunion, Ava." Paalala nito sakin.

"I already told you, I'm not going." Sagot ko dito.

"Please, Av, come home." Mahinahong sabi nito. At iyon ang kahinaan ko.

"Okay... I'll take the first flight tomorrow." Pagsuko ko dito.

A Forbidden NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon