Chase 1 : Revolver

630 34 4
                                    

Chapter 1

A/N : Ito ay originally galing sa Chapter ng Morthon U. Book II, yung eksena sa cafe. Dito ko na sisimulan ang eksena.

----------------

Yandel's POV

Ako na dapat ang nasa counter ngayon pero hindi ko ginawa dahil mabubwisit lang ako sa mga mukha nila lalo na pag mag siyota ang oorder. Ang sarap nilang buhusan ng kape sa mukha, magtatanungan pa kung ano ang oorderin eh parehas lang naman tss mga walang kwenta talaga.

Ang mga tao sa labas naman ay nagsisigawan pa na parang mga tanga pano tong si Shadow panay ang pa cute sa kanila. Sana pag papasok na sila ay pasara na kami para magmuka silang ewan diyan kakasigaw sa lalaking di naman sila gusto tss.

"Yan, one apple smoothie serve mo table no.16" sigaw ni Bullet habang dala dala ang tray niya.

"May iseserve pa ko." inis kong sabi sa kanya.

Lumapit siya sakin. "Pero ikaw yung request na magserve eh." what ?

"Anong ako ? Kasama ba yun dito ?" reklamo ko.

"Bilisan mo na, nanonood si Mr. Zegers." napatingin naman ako sa pinto at nandoon nga si Mr. Zegers.

Wala na akong nagawa kundi kunin ang order na sinasabi ni Bullet. Naglalakad na ako at hinahanap ang table no.16 nasaan ba yun ? Ayun ! Pinakadulo pala kaya di ko makita. Palapit na ako sa lamesa, nakatalikod ang babae sa pwesto ko at nang may tumawag sa kanya at napalingon siya sa likuran niya ay saka ko lang nalaman kung sino siya.

The f*ck ! Siya ? Siya na naman ? Yung pesteng babaeng magnanakaw ng halik sakin. Bwisit siya, ang kapal ng muka niyang magrequest pa ng server at ako pa huh ? Akala niya ba nakalimutan ko na ang kapestehan ginawa niya ? Pagkakataon ko na para magantihan siya, suntukin mo kaya siya dito ? o ibuhos ko tong--- teka nga ..

Napahinto ako saglit at napatingin sa dala ko, pwede ko tong gamitin pang ganti. Nilingon ko muna si Mr. Zegers para tignan kung nakatingin siya pero swerte at hindi siya nakatingin. Mabilis akong bumalik ng counter at sa pinaka sulok kung saan walang makakita kahit cctv ay ginawan ko ng milagro ang iseserve kong apple smoothie. Ugh, sorry apple smoothie paborito pa naman kita pero kailangan kong gawin to.

Nilagyan ko lang naman ng signature ko ang smoothie niya. Yeah, dinuraan ko nga yon sa paraang hindi niya mahahalata. Akala niya huh ? Mabilis akong naglakad ulit papunta sa table niya. It's payback time.

"Apple Smoothie." pabagsak kong lapag ng baso sa tapat niya pero hindi ko siya tinitignan.

"Hi hero. Ang sungit mo talaga kahit kelan. Ganyan ka talaga magserve ?" hero my face, hindi ko pa din siya tinignan at lalayasan ko na sana siya pero hinawakan niya na naman ang braso ko.

This time bakit parang nakuryente ko sa kanya ? Ugh. Mabilis kong inagaw ang braso ko sa kanya.

"Ano bang problema mo ?" gusto ko na siya sapakin talaga. Goddamnit.

"Hindi para sakin tong inorder ko." tumingala siya para tignan ako pero di ko siya tinignan.

"Anong pakelam ko ?" ihampas ko na kaya tong tray sa mukha niya ? Pagkakataon ko na pero badtrip nakatingin kase si Mr. Zegers.

"May pakelam ka kase para sayo to." Ano daw ?

Napatingin na ako sa kanya at for the second time nakita ko ba naman ang nakakabwisit niyang ngiti kaya naman napaiwas agad ako ng tingin sa kanya.

"Bakit magiging sakin yan eh ikaw umorder niyan, patawa ka ?"

"Inorder ko yan para sayo dahil gusto kong magpasalamat." the heck ! as if totoo yung pagpapasalamat niya.

Chasing AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon