Kapag ako naging girlfriend mo.

517 3 3
                                    

Kapag ako naging girlfriend mo.Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapasaya ka. Alam ko, sinasabi ng karamihan na responsibilidad iyon ng lalaki, pero hindi e, para sakin kasi ang dalawang taong nagmamahal ay parehas na may responsibilidad na paligayahin ang taong mahal niya. Yun din kasi ang isang dahil sa nagdadala ng maayos at masayang relasyon na ikaw bilang isang kabiyak niya, bilang isang babaeng minamahal niya, bilang isang nagiisang babae sa buong buhay niya ay magiging simplepero nagiisang dahilan ng kasiyahan niya simula pa sa una kanyang makilala hanggan sa panahon na kayo parin ay magkasama.

Kapag ako naging girlfriend mo. hindi ko man mabigay sayo ang lahat, ang pinaka na meron sa ibang tao, sa ibang magkarelasyon pero ibibigay ko kung ano ang mas mainam sa lahat, hindi man ito ang pinakamamahalin na gamit, pinakamaganda sa paningin ng iba, hindi man ito ang pinaka the best para sakanila, simple man ito sa ibang bagay pero ito ibibigay ko na may kasamang puno ng nagpapamahal at effort ng kasiyahan dahil mahal na mahal kita.

Kapag ako naging girlfriend mo. Uunawain kita, pagpapasensyahan at iintindihan higit pa sa limitasyon na kaya ko. Naniniwala kasi ako na responsibilidad yun ng isang babaeng may karelasyon, na palawakin pa ang pagkakaintindi niya sa isang sitwasyon, kasi karamihan ang lalaki mismo ang nalalagay sa complicated na sitwasyon. Sa sitwasyon medyo hectic na di naman inaasahan o minsan sa mga sitwasyon di mo naman aakalain na mangyayare. Yung patawad at pagkakaintindi ko sa mga bagay na yan ay palalawakin ko pa para hindi ako kagad magagalit sayo, magseselos o magtatampo, para sa dulo ng mga bagay na yun mahinahun kong sasabihin o tatanungin sayo kung ano ang problema at sabay natin itong susulusyunan.

Kapag ako naging girlfriend mo. Sisiguraduhin ko na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko sa panahon tayo pa, at hanggan sa panahon hihingin mo na ang aking kamay sa harap ng aking mga magulang paharap sa altar na ating sabay na pagsusumpaan. Ikaw lang din ang lalaking magiging suporta ng kaligayahan ko kahit na medyo dumaan tayo sa pinaka komplikadong sitwasyon at di maayos na pagkakaunawaan. Mas uunawain ko na timbangin ang bigat ng pagmamahal mo sakin kesa sa mga bagay na pwedeng makasira sa ating nasimulan. Sisiguraduhin ko din na makukuntento ka lang sakin at hindi na mag hahangad pa ng iba.

Kapag ako naging girlfriend mo. Hindi man ako ang pinaka-perpektong babae sa mundo na maging isang kabiyak ng puso mo. Hindi mo man makita sakin ang ilan na bagay na hinahanap hanap mo sa isang babaeng natatangi sa buhay mo pero handa kong baguhin ang lahat na nais mo para maging isang mabuti at tapat na kasintahang babae para sayo. Mamahalin pa kita ng higit pa sa una kong pagmamahal sayo, mamahalin pa kita sa bawat araw na lumilipas, mas mamahalin pa kita higit pa sa inaakala mo. At papatunayan ko sayo ang lahat
ng bagay na ito. Dahil sabi ng puso ko ikaw lang at wala ng iba.

Kapag ako naging girlfriend mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon