Chapter 13

7 2 0
                                    

[13] Zharm & Diego

Zharm.

To: DJ

I want marshmallows rn. Huhu.

-end-

From: DJ

Pfft. Ge. Sasabihin ko kay Diego. Haha!

-end-

Aba. Bakit naman niya sasabihin kay Diego pa?

Di nalang din ako nagreply. Gusto ko din naman.

HOY HOY! GUSTO KO KASI NG MARSHMALLOW HA. Hindi yung thought na binigyan ako ni Diegooooo!

Hindi din ako defensive ha! Sinasabi ko lang ang totoo na di ko gusto si Diego! Kayo talaga.

*toktok*

"Zharm, may bisita ka sa baba."

"Sino naman po?" Sino naman kayang bisita yun? Baka naman bwisita? Hehe, jk.

"Si.. Basta, alamin mo nalang sa baba." Nakakaloko yung ngiti ni mama. Sino kaya yun?

"Si mama talaga. Tara na nga."

"Hoy Zharm, bababa ka talaga ng ganan ang itsura mo?" Sita ni mama. Ano bang masama? Nakapantulog lang naman ako.

"Ma, hindi ba halata? Anong gusto mo? Maghubad nalang ako?" Asar ha.

"Pfft, sige bahala ka. Baka magsisi ka." Pumunta na si mama sa kusina nakakaloka si mama ah. Magsisi magsisi.

Sino ba kasi yung bwi----

O__________O

"DIEGO?!"

Omyghad omyghad. Tatakbo ako paakyat sa kwarto. Bakit naman siya andito? Lakas ng trip ah!

Arrrrgh! Aasarin na naman ako nun. TT______TT

***
Diego.

Putek, amboring sa bahay walanjo.

Ting!

Alam ko na. Mapuntahan nalang si Zharm, pfft.

Kung ano-ano na namang naiisip ko. Bahala na. Pupunta pa din ako. Alam ko na bahay nun, madalas kami dun dati. Alam niyo na, barkada.

Nag-iisa siyang babae samin noon. Syempre di na ngayon, kasama na namin sina Julia at syempre si Kath. Pero nga pala, sa iniisip niyo siguro tungkol kay Zharm, mali kayo. Hindi naman porket puro lalaki ang kaibigan malandi agad.

Boyish lang siya pero hindi din siya tomboy ah. Ewan ko ba dun sa babaeng yun haha. Minsan napapaisip ako babae ba talaga yun? Dejoke lang haha.

Hindi kasi siya yung cheerleader type na pasosyal, maarte at tinadtad ng make-up.

Siya kasi, kahit simple, maganda.

Putek ambading! Kung naririnig ako ni Zharm aasarin ako nun panigurado. Iyon pa. Pfft.

*Dingdong*

Ang nagbukas ay si Manang Sally. Kilala ko na nga sila, madalas nga kami dito diba? Pft.

"Good morning Manang." Bati ko. Tsk, alam niyo naman ako, goodboy haha!

"Oh, magandang umaga din hijo, tuloy ka." Sinarhan ni manang ang gate.

"Bakit madalang ka nang pumupunta dito, hijo? Ang ibig kong sabihin, kayo ng barkada mo." Bahagyang natawa si manang.

"Nako manang. Busy. Hahaha joke lang. Andyan po ba si Zharm?"

"Oo naman. Pasok ka." Pinagbuksan ako ni manang ng pintuan.

"Diego!!"

"Good morning po, tita." Nahihiyang bati ko. Pfft, kahit naman gwapo ako nahihiya din ako. Agang-aga nandito na agad ako.

"Oh. Bakit ka nga pala napasyal dito anak?" Napatawa naman ako dun. Putek, anak daw.

"Tita naman."

"Biro lang. Future son in law nalang tatawag ko sayo. Future SIL nalang pala para maikli. Diba ganun ang USO ngayon? Hehe." Napatawa uli ako dun. Lintek! Ang cool talaga ng mama ni Zharm haha! Tsaka ano daw? Future son in law? Haha! Di na masama.

"Si Zharm po nasaan? Hehe." Napakamot ako sa ulo. Nakakahiya talaga. Dapat sinama ko si Jake eh!

"Ah. Nasa kwarto pa. Tawagin ko lang ah.... Manang! Bigyan mo nga tong si Future SIL ng juice. Hehe. Diego, feel at home ah?" At umakyat na nga si tita.

Maya maya pa ay nakita kong bumaba si tita natatawa. Bakit kaya? Tinanguan niya lang ako at dumiretso sa kusina.

"DIEGO?!"

Napatingin ako bigla sa hagdan nang may sumigaw. Nanlalaki ang mata niya nang makita ako at dali daling umakyat pabalik sa kwarto niya.

Pfft! Hahaha! Kung makikita niyo lang itsura niya! Laughtrip! HAHAHAHA!

"Aray---hahaha pfft. Naman Zharm!" Binato kasi ako ng unan.

"Kanina ka pa tumatawa diyan! Kainis ka!" Mas lalo akong natawa sa sinabi at reaksyon niya. Putek! Kanina pa pala ako tumatawa, di ko namalayan nakababa na pala si Zharm haha.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Pfft. Oo na titigil na---hahaha, wait. Sige. Last na yun."

"Heh! Umayos ka Loyzaga."

"Pfft, bakit ba? Ayos naman ako ah." Sabi ko.

"Leche ka! Bakit ka ba nandito?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Paktay! Bakit nga ba ako nandito?

"Hoy Diego Loyzaga kausap kita ah!" Nagcross arms siya.

Patay na talaga ako.

Diego, isip!!

"Kasi ano. Diba nga ano."

"Umano ka na diyan nang umano, ayos brad."

"Kasi diba? Partners tayo sa music? Oo yun nga! Tama!" Hoo. Nakahinga din. Buti may naisip akong dahilan.

"Zharm, future SIL. Tara kain na."

"Future SIL?" Takhang tanong ni Zharm.

"Future son in law." Paliwanag ni tita.

"Aray, nakakarami ka na Zharm ah. Bakit ba?" Tsk, hinampas kasi ako sa braso.

"Kung ano anong tinuturo mo kay mama eh!"

"Ha? Ako? Wala akong sinasabi ah!" Wala naman talaga.

"Ang cute niyo namang dalawa, kain na tayo. Mamaya na yan, mahiya naman sa mga langgam."

***

"Oy ano ba? Magtititigan nalang ba tayo dito? Ano ba kasing kanta?"

"Lucky." Namilog ang mata niya nung sumagot ako.

"Ala pa. Ayoko nun! Panget."

"Panget ba yun? Maganda kaya." Sabi ko.

"Ayoko nga nun."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Gawa nung lyrics. Eww ang sagwa."

"Huh? Yun nga ang ikinaganda ng kanta."

"Bakit? Relate ka?"

"Oo."

"K-kanino naman?"

"Sayo."

"Tigilan mo nga ako."

"Joke lang naman. Haha. Bakit ba ayaw mo? Sus, alam ko namang ikaw ang tunay na nakakarelate sa kantang yan." Asar ko.

"At kanino naman ha?!" Tamo to, ang pikon talaga. Pfft

"Kanino pa ba? Edi sakin hahahah- aray!" Binatukan ba naman ako? Kanina pa to ha.

"Kapal mo! Argh! Bwisit ka bahala ka sa buhay mo! Kapaaaal talaga! Ang hangin hooo grabe!!"

"Joke lang naman eh. Masyado kang affected.... Lalo na sakin."

"ANG KAPAL TALAGAAAAA! ARGH!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Madly Inlove With You [KathNiel FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon