Chapter 39

3.3K 85 4
                                    


Nang makarating ako sa hotel ay dumiretso na ako sa suite. Hindi ko naabutan si Mark doon. Pinagkibit balikat ko na lamang iyon at inisip na baka nag-ikot siya sa hotel. Inilapag ko ang mga pinamili ko sa kama at kinuha ang PT.

Am I really going to do this now? Hindi pa man ay parang  kinakabahan na ako and yet excited. I mean every child is a gift from God! At kung sakali ay ito rin  ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko!

Inipon ko ang hangin sa baga ko bago pumasok sa CR. Nanginginig ang mga kamay ko ng binuksan ko ang pregncy test. Sinunod ko ang instructions na nakapaloob doon. Matapos kong gawin ang nakalagay doon ay naghintay ako ng ilang minuto. Inilapag ko ang pregnancy test sa sink.

One red line means Negative, Two red lines means I'm pregnant.

Agad lumipad ang kamay ko ng lumitaw ang dalawang linya doon.

"Oh my God!" I'm really pregnant!

Hindi ko na namalayang napaiyak na ako. Tears of joy,of course!

Inulit ko pa iyon sa extrang PT na binili ko para mas makasigurado at ganoon pa rin ang resulta!

Bakit ngayon ko pa nalaman 'to? Kung nandito lang sana si Chris. Should I call him now and tell him the good news? Pero mas maganda siguro kung isusurprise ko na lang siya pag-uwi ko?

But I can't wait to tell him kaya napagdesisyunan kong tawagan na agad siya! I'm pretty sure that he'll be shock upon hearing it!

Dinampot ko ang phone sa bag ko at agad na tinawagan ang numero niya. Naka ilang ring na pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tulog na kaya siya? Baka nga napagod siya kanina sa kompanya? Yes, maybe napagod nga siya. Hindi ko na rin nareplyan ang text niya kanina.

Bagsak ang mga balikat nang ibinaba ko na ang phone ko. Bukas na lang siguro siya tatawagan ulit.

Napaupo ako sa kama at napahawak sa tyan ko. Kaya pala iba ang pakiramdam ko netong mga nakaraang araw. May nabubuhay na pala sa sinapupunan ko. Nakakonekta ang buhay ko sa kanya and from now on everything that I'll be doing with my body will affect him/her. I will make sure that I will take care of myself.

"Melissa.." agaw ni Mark sa atensyon ko.Hindi ko namalayang pumasok siya.

"Saan ka galing?" tanong ko. Umayos ako ng upo at palhim na itinago ang mga PT sa bag ko.

"Sa pool area lang. Nagpahangin." Tipid na sagot niya.

Tumango lang ako sa kanya. I don't want to open a topic. Pinili kong huwag munang ipaalam sa kanyang buntis ako dahil gusto ko si Chris ang mauunang makakaalam.

Nakita kong tinanggal niya ang sapatos niya at inilapag sa gilid. Saka siya umupo sa sofa.

"Do you want to go outside?" tanong ulit niya habang marahang minamasahe ang kanyang sentido. Then he loosen his necktie. He look stress and tired.

"Hindi ko alam.. Baka mamaya. Maaga pa naman." Sagot ko.

Gusto kong manatili na lang sana dito sa suite pero naisip kong ang awkward kung magmumokmok ako dito kasama siya. I know.. ako din naman ang pumilit sa kanya na dito na lang din siya pero...

"Gutom ka na ba? Do you want to eat outside or room service?"

Umiling ako, "Busog pa ako.. Magpapa room service na lang ako mamaya."

Bumuntong hininga siya, "Okay.. Did you already told chris about..this?"nag-aalangang  tanong niya.

Shiz! Oo nga pala!

"Uh.. not yet but I'll tell him later." Sagot ko.

"Okay." Aniya.

Inabot ko ang luggage ko sa gilid at kumuha ng pamalit. Medyo nararamdaman ko na rin kasi ang panlalagkit ng katawan ko. Pumasok ako  sa  bathroom at iniwan si Mark doon na kasalukuyang nakaharap sa MacBook nito.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon