41st Chapter

176 15 7
                                    

[Pryztel]

"Zic?Ayos ka lang?"-nauntag sya nang marinig ang boses ko. Kanina pa yata sya lutang. Wow naman ang haba ng litanya ko tapos parang di sya nakinig.

"Ah,oo naman. Ayos na ba yung band-aid?"-seryoso sya?Yun lang talaga itatanong nya?Nag-alangan akong tumango.

Naging aligaga ata sya bigla.

*Attention Miss Yukawa,calling the attention of Miss Yukawa,the Principal wants to see you in her office now*

Nagkatinginan kami ni Zic. " Pinapatawag ako,mauna ka na muna sa classroom. Susunod na ako"-sabi ko sa kanya.Tumango lang sya kaya nagpunta na agad ako sa Principal's Office.

•••••

[Zic]

"Corrs,nasan ka?Mag-usap tayo"-sabi ko sa kanya. Sinabi nya kung sang lugar kami pwedeng magkita kaya nagpunta na rin ako dun habang busy pa si Pryz sa mga pinapagawa sa kanya.

Nakita ko syang naghihintay sa kendo room ng campus. Katatapos nya lang yata magtrain.

" Tapos na ang exam nyo?"-tanong ko sa kanya habang papasok ako.

"Yep. Anong pag-uusapan natin?"-umupo ako sa harap nya at tiningnan sya.

" Corrs,si Jade.Nakita nya kami ni Akane sa mall noong nakaraang gabi.Sinabi nya Kay Yuan"-natigil sya sa pag-inom ng tubig.

"Ano?!Gago yun ah?Anong reaksyon ni Yuan?"-apektado din sya sa sitwasyong to.

" Di daw sya naniniwala. Pero alam ko may pagdududa sya?Ano ng gagawin natin?Pano pag nagkita sila ni Akane?"-nag-aalala na ako sa maaring gawin ni Akane. Baka sabihin nya kung sino ako at ano ako. Hindi pwede yun.

"Kakausapin ko si Akane,hindi nya pwedeng sabihin kay Yuan na fiance mo sya at nandito ka ngayon sa Pilipinas dahil sa hiningi kong pabor sayo na magpanggap na boyfriend nya"-matagal na kaming magkakilala ni Corrs. Classmate ko sya sa Tokyo at magkababata kami.

Una silang nagkakilala ni Akane at gusto nya to. Pero hindi nya naligawan si Akane dahil sa desisyon ng pamilya namin na ipagkasundo kami at ipakasal.

Nasaktan ang kaibigan ko. Hindi ko gusto si Akane dahil hindi kami magkasundo. Gumawa ako ng paraan para hindi na nya ako gustuhin dahil para kong tinatraydor si Corrs. Hanggang sa umayaw na sya at sya na mismo ang nagsabi na ayaw na nyang magpakasal sa akin.

Umuwi si Corrs ng Pilipinas dahil nasaktan sya sa nalaman nyang kasalan. Ilang araw lang simula nun, di ko inakalang kakausapin pa ako ng kaibigan ko.

Sinabi ni Corrs na makikipagbati sya sakin sa isang kondisyon,at yun ay magpanggap akong mahirap at puntahan ang kambal nyang si Yuan sa isang cafe.

Nangyari ang gusto ni Corrs.Akala ko madali lang ang lahat pero hindi.

Dahil nang makita ko sya ulit, si Yuan, mas lalo syang gumanda at hindi sya nagbago ng ugali. Pero nalungkot ako dahil di nya ako naalala. Ang lalaking tanging sya lang ang minahal simula ng bata pa.

Gustong-gusto ko si Yuan noon pa. Pero di ko yun nasabi kasi bata pa kami at iniwan na nya ako para pumunta ng Pilipinas. Ngayong kasama ko na ulit sya,ang first love ko, hindi na ako makakapayag na mawala ulit sya sa akin.

"Corrs, ayoko ng magsinungaling kay Yuan"-sabi ko. Gusto kong makilala nya ako bilang si Zic at hindi si Kyuusei.

"Pero Zic, hindi pwede. Kaya mo bang sabihin sa kapatid ko na fiance mo yung babaeng kasama mo?Hindi ganun kadali Zic."-napaisip ako. Kailangan ko ng panahon para maamin sa kanya to. Pero hindi, hindi pa ngayon.

"Tama ka, maghihintay ako ng pagkakataon. Kasi tol,"-tumingin ako ng seryoso sa kanya.

"Akala mo di ko nahalata?Tss ang lakas ng tama mo sa kambal ko"-grabe to. Di ako makakapaglihim sa bestfriend kong to.

"Hayys. Oo nga,mahal ko sya. At ayoko ng masaktan pa sya"-totoo ang nararamdaman ko. Si Yuan lang ang nasa puso ko wala ng iba.

"Konting tiis nalang. Ibabalik ko si Akane sa Japan, saka mo aminin kay Yuan lahat."-tama sya.Ngayon palang mag-iipon na ako ng lakas ng loob.

•••••

" Oh Kyu,umupo ka na.I have something to announce"-nauna na pala syang pumasok. Kagagaling nya lang sa Principal's office.

Nabaling ang tingin sakin ng mga kaklase namin.

Umupo na nga ako at nagtaka ako kung nasaan si Hajie. Wala rin yung gagong yun sa upuan nya. Tch.

"So guys as I was saying napagplanuhan na ng faculty kung saan tayo magfifield trip and at the same time magconduct ng immersion program. Mayroong isang lugar na kung saan maraming kabataan ang nangangailangan ng maagap na solusyon for their health. At magsasama daw tayo ng doctors kasi it is also considered as a Medical mission. Pagkatapos ng gagawin natin sa lugar na yon,mag-iistay tayo sa isang island resort. Well spend three days there kasi kaibigan ng Principal ang family clan na syang may-ari ng resort"-napawow lahat ng mga kaklase ko at halatang naeexcite ang lahat. Sa susunod na mga araw na kasi yun.

" Pryz,among pangalan ng resort?"-tanong ng isa kong kaklase.

"Hmm"-tiningnan nya ang hawak nyang flier.

" Erizawa's Island Resort"-muntik na along mahulog sa kinauupuan ko ng marinig ko yun.

Erizawa?!This is crap! Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana?!

Pag-aari nina Akane yon. At 50% nandun sya sa rest house nila at 50% nasa hotel sya nags-stay. That means may 50% possibility na magkita kami.

I won't let that happen. Maloloko ang plano pag nakialam ang babaeng yun.

•••••

Anong masasabi nyo dito?Haha.
Comment or vote love love love.

Dedicated ulit Kay @yummypaully

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon