Rain's POV
"Rain, may amnesia ka.." panimula ni Ethan.
Alam ko, alam kong may amnesia ako. Paano ko nalaman? Noong time na dinala ako ni Mama sa doktor. Pagkatapos umalis ni Ethan, pumasok yung doktor. Akala ko nga kausap na ni Mama yung doktor kaya nagulat ako nang bigla siyang pumasok. Kinabahan pa nga ako kasi baka mamaya ako yung singilin ng doktor. Wala pa naman akong pera,
Tinanong ko yung doktor tungkol sa kalagayan ko. Sabi niya pwede na daw akong idischarge dahil okay na ako. Pero hindi ko alam kung bakit nasabi ko din sa doctor yung mga images na palaging nagfflash sa utak ko. Doon niya nasabi sa akin na may amnesia ako. Retrograde amnesia.
Brain damage daw ang common cause noon. Pero hindi ko alam kung anong dahilan nung sa akin. Pagkatapos naming mag-usap, sinabihan ko siyang huwag sabihin kay Mama yung mga nalaman ko. Nasaktan ako sa nalaman ko dahil hindi pala ito ang totoong mundo ko. Masakit dahil wala man lang akong maalala sa mundong naiwan ko. Paano na ang mga taong nakilala ko noon?
Hindi naman araw-araw yung mga images na nagfaflash sa utak ko. Paminsan-minsan lang lalo na kapag kasama ko si Ethan. Paunti-unti lang naman ang mga nakikita ko kaya hindi ko rin masyadong maintindihan. Sabi ng doktor, maaari daw na mas mabilis kong maalala ang mga naunang pangyayari sa buhay ko bago ako magkaamesia.
Madalas na ako magkaroon ng flashes kung saan magkasama kami ni Ethan, masaya kami. Hindi ko alam kung paano nangyari yun dahil nakilala ko lang naman si Ethan noong araw na napadaan sila sa room namin. Doon ko naconclude na maaaring bahagi si Ethan ng nakaraan ko. Doon din lumaki ang pinanghahawakan ko na may pag-asa kami ni Ethan. Lalo akong naging matapang na iadmit ang nararamdaman ko lalo na't bahagi pala siya ng nakaraan ko.
Kaya noong nakaraang Biyernes, kung kailan dinurog ni Ethan yung puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon. Masaya kami sa mga flashes na nakikita ko kaya bakit niya ako sasaktan? Magkasama kami sa mga alaalang nakikita ko kaya bakit niya ako binitiwan?
Pagkatapos ng araw na 'yon, ginive up ko lahat ng alaalang 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na baka hindi naman totoo ang lahat ng 'yon dahil kabaligtaran ang nangyari sa akin. Kaya naman ngayon ay mas lalo akong naguluhan dahil maski si Ethan...alam niyang may amnesia ako. Alam niya ang kondisyon ko..kaya bakit niya ako binitiwan ng ganun na lang?
"Magdadalawang taon ka ng hindi nakakaalala. Maraming nangyari bago ka mawalan ng alaala. Natatakot ako na baka kapag nakaalala ka na, iwan mo ako. Natatakot ako na masaktan ka at mahirapang mamili sa huli. Natatakot ako na baka magalit ka sa sarili mo dahil hindi mo naalala ang lahat agad. Natatakot ako na---"
"Bakit mo ba pinangungunahan ang lahat? Kung may amnesia ako...hindi ba dapat sinasamahan mo akong buuin lahat ng nawala sa akin? Kung mahal mo ako, hindi ba dapat isinantabi mo muna lahat ng takot mo?" pagputol ko sa sinabi niya.
Maaaring hindi ko nga naaalala ang lahat. Maaaring si Ethan lang ang alam kong bahagi ng nakaraan ko..pero ano naman diba? Gusto kong siya ang kasama ko sa pagbuo ko ng mga nawala sa akin.
"Damn it, as much as I want to keep away all my fears..hindi ko magawa. I don't want you to be hurt, Rain. You'll hate me kapag naaalala mo na ang lahat! Ipagtatabuyan mo lang ulit ako!"
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...