Isang gabing madilim, mga naglalarong bituin sa kalangitan
Kumukutikutitap na parang animo'y mga diamanteng nasinagan
Nagsilbing liwanag ng isang taong di maliwanagan
Paglipatlipat ng mga pahina sa kanyang libro
Mga kabanatang nag bubuo ng matalinhagang kwento
Ang tanging tanong sarili, ano?
Siya'y gulong gulo sa kanyang mga binabasa
Ninanamnam ang bawat letrang bakas ng tinta
Sa kalagitnaan ng aklat siya ay nagtatataka
Kung ang aklat na ito ay makatotohanan o isa lamang katha
Kaya't ang tanong sa sarili, ano?
Hanggang may isang pangalan na sumagi sa kanyang gulo na gulong isipan
Isang pangalan na hindi pangkaraniwan
Pangalang hindi basta basta ang ang datingan
Pangalang tumagos sa kanyang mga buto't laman
Ang pangalang Hesus.
Isang taong namuhay ng perpekto
Kasalanan ng iba kanyang inako
Kinutya, pinaruhasan at pinako
At ang sabi ay "Andyan ka ba Ama ko?"
At ang sabi ng Ama "Siya'y sa inyo'y ibinigay ko."
Namatay, inilibing at bumangon
Ngayo'y nasa kalwakan, sa kanyang palasiyo
Kaya't ang tanong sa sarili ay biglang naglaho
Ang tanong na "ano?"Ay binago.
Ang binasa niya ay totoo, walang halong biro,
ang taong to ay mahal ako. Tumagas na ang mga luha sa kanyang pisngi,
ngunit may isang boses na sa kanya ay nagsabi
na wag kang magduda sa akin, ika'y aking mamahalin, mula noon, mula ngayon at magpakailan pa man,
DAHIL IKAW ANG AKING ANAK NA MAGMAMANA NG AKING KAHARIAN.
BINABASA MO ANG
Poems - Tula (Tagalog & English)
PoetryPara sa mahilig sa tula, hilig ko lang gumawa ng tula at hindi ako expert sa mga ganyan.