Katalinuhan 8: Sagot, Sagot!!!

54 0 0
                                    

So tapos na ang break at nasan na si lalabs ko?? Waley pa ditey sa classroom O.O

Nandito na ung Values Teacher namin ohhh.. Kasunod na pumasok si Joy, ayyy epalll~

Naka salumbaba ako habang naglalaro ng ballpen~ sa sobrang inip na baka di na bumalik si lalabs

.
.
.

"Chrissy~", Pang aasar nanaman nung Trixie na yon

"Hayy naketch malungketch sye kazi wala ang kanyang bf~", Sabi ni Mitch na nagbabakla baklaan sabay tawanan nanaman nila

"Ssshhh ssshhhh class ano yan?", tanong ng Values teacher namin

"Ma'am, di po ba ano?? Uhmm, labag sa Bible ang kabadingan?", naka raising hand na tanong ni Jay sabay tawanan naman ng buong klase

tskkk... nakakaimbyerna na 'tong mga to ah! Ba't di nalang igalang ang dezisyon ko!!!

"Uhmm... bakit may bading ba??", Inosenteng tanong naman ng teacher namin na halos mabaliw na mga kaklase ko sa katatawa

Napadabog na lang akong sinaksak ng ballpen yung upuan ko, at natahimik nalang sila kasi nabutas ko yun O.O pati ako nagulat sa nagawa ko

"Chris Quantum!!", pagalit na sigaw ng teacher namin

"Labas!!", dugtong pa nya habang nagbubungisngisan nanaman ang mga hinayupak kong kaklase

Tatayo na sana ako habang nagbubuntung hininga sa dissapointment kaya lang...

"Uy..",

Naramdaman ko nalang na may humihila sa ilalim ng damit ko kaya napalingon tuloy ako kung kaninong kamay yun.. Kay epal pala.. O.O ayyy magkatabi pala kami nun?? Di ko alam, di naman kasi sya kakila kilala eh duhh~

Lumingon sya bigla kay Ma'am

"Ma'am ano po bang subject yung hinahandle nyo po?", Tanong nya

.
.
.
.

OMG

.
.
.

Teacher: Values..

Joy: Ano po ba meron sa Values?

Teacher: edi kahalagahan at importansya?? Iha, subject mo to, hindi mo ba inalam man lang??

Joy: Eh bakit po kayo hindi marunong magpahalaga sa nararamdaman ng iba? Na tanong nyo na po ba sa sarili nyo kung pano kayo magiging mabuting halimbawa ng pagpapahalaga kung hindi nyo manlang mapahalagahan ang nararamdaman ni Chris??

.
.
.

Natahimik tuloy ang buong klase at kitang kita naman na na badtrip na si ma'am kaya natahimik na lang kaming lahat

"You sit down there...", Sabay sabi sakin ng teacher habang tumitingin kunwari sa cover ng libro nya para lang di mahalatang natauhan sya kay epal~ arohh Diyos kohh

.
.
.

Edi umupo na nga ako ng tahimik at napalingon na lang kay Joy na nakikipag titigan ng masama sa mga mapanlait kong kaklase

.
.
.

Impernes, naka pout pa sya habang naluluha luha na ung mata sa pakikipag laban ng matagalang titig sa mga klasmeyt namin... Hayyyyy babaeng toh oo...

.
.
.

"Bakit ngayon ka lang?!", Biglang sigaw ni ma'am na nagulat kami kasi si....

what?!!!!! Si lalabs yata yung napagbuntunan nya ng beastmode day nyaaaaaa O.O

.
.

"Ah hehe, sorry ma'am, may tinulungan pa po kasi akong bata na dalhin sa clinic kasi napakasakit daw ng sikmura nya at hinimatay sya nung makasalubong namin...",

"So ano ka?! Nagdadahilan?! Sapat bang dahilan yon!!! Sagot!!", Ayyyy beastmode na talaga si ma'am...

"Ma'am di po ba Values teacher kayo-?", Sagot ni lalabs

"You sit down there!!", Singit agad ni ma'am na ayaw ng ma beastmode pa

"Wow ha~ soulmate talaga kamiiii, pareho kaming mag-isip :'>>> ", sabi ni Joy habang sinisikuhan ako ng unli

"Magkamukha lang soulmate na?? 'di ba pwedeng nangopya ka lang??", Sabi ko lol

"Ay, inggit syaa :'>> 'di kasi sya gurl~", Pang iinis nya

"Tseh! Pagbibigyan kita ngaun dahil pinagtanggol mo koh, bruha", Sabay irap ko

"Naku, bumabawi lang dun sa tinapay na binigay mo :)))) ", Naka super cheerful smile nyang abot tengang sumagot

.
.
.

Pero imbis na maimbyerna, napangiti nalang kami sa isa't isa like:

.
.
.

duhh~ may the best woman win!

Gay meets Joy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon