Sangko, Ang Batang Albularyo

396 2 0
                                    

"Sa lupa ka galing, sa lupa ka dapat bumalik" galit na niorasyon ni Sangko ang dasal habang hinahawakan ang babae sa noo, pumapalag pa ito na parang isda na nawala sa tubig. Biglang uminit ang paligid, halos lahat ay pinawisan ng husto, pero patuloy ang mahigpit na kapit ni Sangko sa noo ng dalaga, binuksan niya sa isang kamay niya ang bote ng mayonnaise at tinapat ito sa kayang bibig at parang may hinihigop sa tapat ng mukha ng babae. Binitawan niya ang noo nito at agad na tinakpan ang bote, binigay sa ina at doon naramdaman niya ang init ng bote. 

Nahimasmasan ang babae at agad niyakap ang kanyang ama. Binawi ni Sangko ang bote, binigyan ng maliit na tela na puti na may nakasulat na transpiko at orasyon, hanggang hindi mawala ang tela ay huwag alisin sa damit ng dalaga kapag ito ay papasok sa eskuwela.  

Pagod na naglakad pabalik ng bahay si Sangko. Halos lahat ng kanyang lakas ay naubos sa pag-gamot sa babae. Hindi pa man siya nakakatungtong ng bahay nakita na niya ang pila, naalala niya unang biyernes nga pala, madami ang magpapagamot. Sinuot niya ang tinatago niyang sombrero at naglakad palagpas ng bahay niya. Nagtungo siya sa tindahan ng kanyang tiyahin sa kabilang kanto lang.  

"O, Sangko, dapat nasa bahay ka na bakit andito ka, madami ang magpapagamot sa iyo."  

"Tita, napagod ako sa huli kong ginamot. Magpapahinga sana po muna ako dito, kahit saglit lang." 

"Alam mo Sangko, magaling kang albularyo. Bata ka pa pero binigyan ka ng kapangyarihan ng Diyos para tulungan siya sa pagpapagaling ng maysakit. Kung ako lang ang tatanungin masakit sa akin na nagkakaganyan ka at hindi normal ng pagiging teenager mo." 

"Ok lang iyon Tita pero sana kaunting pahinga lang kailangan ko." Hindi na muling kinulit pa ni Tita Ador ang binata. Binigyan na lang niya ito ng softdrinks at cupcake para makain.  

Bata pa lang si Sangko ay nakitaan na siya ng kakayahan para magpagaling ng tao. Nagdrodrowing siya ng mga itsura ng kaibigan niyang mga duwende at iba pang mga nilalang na hindi natin nakikita. Habang lumalaki siya tinuturuan siya ng kanyang lolo sa mga orasyon at dasal na tinuro sa kanya sa Cavite nang nanilbihan siya bilang guirrellia.  

Pinilit ng kanyang magulang na magkaroon ng normal na buhay si Sangko. Maitim ang kanyang buhok na nag-mamatch sa meztiso na itsura. Halos nga hindi pagkakamalan na anak nila si Sangko, dahil pang model ang built ng kanyang katawan at brown na kulay ng mata.  

Umiwi na mabigat ang katawan ng binata, doon napakadaming nagpagamot sa kanya. Ang bayad sa kanya minsan in cash o minsan naman thank you, hindi naman ito pinapansin ni Sangko ang gusto lang niya ay makatulong sa tao.  

Pumasok si Sangko sa loob at nat nagpalit muna ng damit. May narinig siyang babae na humihiyaw, tinanong niya ang kanyang ina kung sino iyon. Babae na nagdudugo ng kulay green sa puwerta. According din sa nanay niya na ang babae daw ay allegedly buntis, pero tinatanong nila kung anong buwan na hindi sila daw makasagot.  

Nilapitan ni Sangko ang babae tinignan niya ang mga kamay umiling siya....bumulong siya na nabarang ang babae.  

Kinuha niya ang maliit na pouch niyang kulay itim, namili siya ng bato, nakita niya ang bato na parang may kumikinang sa paligid nito, kasing laki lang siya ng bente-singko sentimos.  

Nilagay niya ang bato sa nakahandang tubig sa maliit na palanganita. Kumuha siya ng papel at sinulat ang pangalan ng babae at birthday, nilubog niya ang papel at doon niya na confirm na barang nga ang dumale sa babae, nakita niya ang dasal na ginamit ng barang at agad na pinahanda ang mga gamit.  

Nagpasindi ng puting kandila at nilatag ang tatlong bote at tali na yari sa abaca. Ang unang bote na kinuha ni Sangko ay ang langis. Pinahid niya sa ulo ng babae , kamay at nang dumating siya sa paa, biglang nagpumiglas ito at nagitim ang mga kuko. Sumunod na bote ay holy water. Tangan ang papel na nilubog kanina binasa ma rin niya ito ng holy water, mas lalong nagpumiglas ang babae.  

"Sa ngalan ng Diyos Ama ng Transipiko, ilabas mo ang kulam ng babaeng ito." 

"Sa ngalan ng Diyos Anak ng Kaitaastaasan, parusahan ka sa ginawa mong pagkulam. 

"Sa ngalan ng Diyos Espiritu Santo ng Karunungan, alisin ang dasal na ito sa babaeng ito."

Nagsign of the cross siya sa noo niya at hinawakan niya ang tiyan ng babae. Biglang umiri ang babae at lumabas ang napakabaho dalag na patay mula sa kanyang puwerta. Kasabay nito ang napakabaho kulay green na tubig. Kinuha niya ang lubid at tinali niya ang kamay ng babae, sumigaw ito ng napakalakas at sinabihan si Sangko na "Nakita na kita kayang kaya kitang albularyo ka, ako ang maghahari sa lugar na ito at hindi ang mura mong kaisipan." 

Pinikit ni Sangko ang kanyang mga mata sabay bigkas ng dasal ng ermitanyo 

"Kunin nawa ng lupa ang kasamaan ng nilalang at ibaon ang kanyang dila sa pinakaila-ilalim ng lupa." 

Biglang huminga ng malalim ang babae at nagicing. Kinuha ni Sangko ang huling bote na may puting langis na yari sa mga bulaklak. Ayon sa nanay ni Sangko kinukuha niya ito sa gitna ng bundok ng Banahaw at binibigay sa kanya ng mga diwata.  

Pinahid niya ito sa babae. Sinabi na hindi buntis ang babae kungdi nakulam lang ng barang, sinabi niya na maaring may girlfriend ang kanyang boyfriend at pinakulam niya ito. Hindi alam ng babae kung may nabanggit sa kanya ang kanyang syota.  

Halos hindi makatayo si Sangko sa pagod kaya nakiusap siya sa mga nakapila na bukas na lang sila muling bumalik. May mga nagreklamo pero may mga nakaintindi rin sa sitwasyon.  

Chapter 2

"huy, Sangko, mukhang dinaanan ka ng pison ha, kaaga-aga naman niyan." Bati sa kanya ng kaibigan si Abigail.  Naka busangot kasi si Sangko at halos hindi na makita ang mata sa lalim nito.  Parang hindi niya nakikita ang kaibigan tuloy pa rin siya sa paglakad patungo ng CR para mabasa ang kanyang mukha ng tubig.  BLAGGGG!

napansin na lang niya na ang mga libro at papel nagkalat sa paanan niya.  Pinulot niya ito isa isa, ang nabunggo niya, isang babae na kulay itim ang buhok at makinis ang kamay.  Nang hawiin ng babae ang kanyang buhok nakita niya ang malaporcelana na mukha niya. 

"Pasensya ka na at hindi kita nakita." Medyo ilag siyang batiin at magpaumanhin sa babae at tulad ng ibang naging crush niya laging sampal o irap ang sinusukli sa kanya. 

"Ok lang iyon, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko medyo hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta, bago ako dito galing ako sa San Rafael."  Sagot ng babae. 

"Saan ka ba patungo?"

"Sa Room 219, Science."

"ihatid na kita."

"naku huwag na baka maabala ka pa."

"at least lang makabawi ako sa pagkakabunggo sa iyo."

Lumakad ang dalawa at nang makarating sa kuwarto, nagpakilala siya na siya si Sangko, Sante Hilario David.  Natawa ang babae na parehong korny ang kanyang pangalan at palayaw.  Sinabi ng babae rin ang kanyang pangalan, Elizabeth. 

Nagkangitian lang sila at nagpaalam na si Sangko.  Kailangan na rin kasi niya pumasok sa klase niya sa Hekasi. 

itutuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sangko, Ang Batang AlbularyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon