PROLOGUE

107 4 0
                                    

Nagising ako sa mabibigat na yabag ng mga paa mula sa labas ng kwarto ko dito sa apartment.

Kalilipat ko lang dito kanina. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko para makita ang oras.

4:39 a.m.

Ano bang mayroon? Bakit parang may hinahanap ang mga neighborhood ko sa labas. Tenement apartment kasi ang nalipatan ko ngayon.

Pinilit ko nalang matulog muli at tinakpan ng unan ang tenga ko.

Pero napabangon na ako dahil narinig kong may nabasag.

Shit.

Dahil curious ako ay tuluyan na akong bumangon sa kama ko. Kinuha ko ang T-shirt ko. Nakatulog pala ako ng walang pang itaas kanina dahil sa pagod sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Akmang bubuksan ko na ang door knob nang...

"Aww Shit!"

Bumagsak ako sa sahig sapo ang noo kong tinamaan ng pagbukas ng pinto.

Narinig ko ang pagsara nito. Sa isang pares ng converse shoes dumako ang paningin ko when I came back into my senses. Dahil nahilo ako ng kaunti sa pagtama ng noo ko.

"Holy dinosaur!" Mahinang bulalas ng isang babae. "I'm sorry..."

"Bitawan mo nga ako! Sino ka asdfghjkl" sigaw ko sa kanya. Tinakpan niya ang bibig ko.

Aray ang sakit talaga ng noo ko. Bubukol 'to panigurado.

"Ssh... 'wag kang maingay please, Baka marinig nila ako dito... Please..." Kabadong paki-usap nito sa akin. Halos pabulong kung kausapin niya ako. "I'm sorry... sorry talaga... babawi ako sa'yo but please help me."

Tanging lampshade lang ang ilaw sa kwarto ko. Pero kita ko sa mukha niya ang kaba at takot.

"Kinagat niya ang tenga ko oh. Ugh."

"T*ng **a! bakit kasi hinayaan ninyo siyang makatakas."

"Nilagyan niya ng mighty bond ang tsinelas ko... holy crap my feet!!"

"Huwag ninyo kong artehan. Hanapin nyo siya!."

Narinig ko ang usapan ng mga lalake sa labas. And then, I glanced at this anonymous young lady beside me.

"Help me get out of here..." she whispered.

And mouthed "please.."

"Okay." I don't know, dahil ata sa awa kaya pumayag ako.

I rush into my closet. Kinuha ko 'yung hoody jacket ko na black, 'yung baymax print na pajama ko na maliit na sa akin and my Nike cap.

"Magbihis ka na and wear these." Utos ko sa kanya.

Mukhang na-gets naman niya ang plano ko she change her clothes sa bathroom ha. (Mga utak nyo.)

Holy cow. Ang hot niyang tignan ngayon. Maganda siya nasabi ko na ba? Okay, mahaba ang buhok niya mga hanggang bewang ang length, makapal at maayos ang kanyang kilay, round hazel brown eyes na may mahahabang pilikmata, prominent cheekbones, katamtamang tangos ng ilong, manipis na labi, balingkinitang pangangatawan.

"Are you ready?"

"Yes, please... 'wag mong hayaang mahuli ako..." bakit ba takot na takot siya?

"Trust me, isuot mo na 'yung hoody. Tara na."

Sa paglabas namin, walang tao sa hallway kaya dali-dali kaming tumakbo papunta sa elevator. Nasa fourth floor kasi ang room ko.

"F*ck! Bro, tignan mo naman dinaraanan mo!" Dahil sa pagmamadali nakabangga pa ako ng isang maskuladong lalake.

Nakita kong napayuko si--- wait hindi ko pa siya kilala. Basta yung babaeng ito na nasa tabi ko. Natetensed din ako sa pangyayari.

"Sorry bro, we are in a hurry." At nagpatuloy na kami sa paglalakad

"Sandali!" Sigaw ng maskuladong lalake sa likuran namin.

Napahinto kami sandali. Nagulat ako sa paghawak ng katabi ko sa kamay ko. Nasulyapan ko ang takot sa mukha niya.

"Pwede ko bang makita ang mukha ng babaeng kasama mo?" He said. At lumapit pabalik sa amin.

"No. May bulutong siya, we need to rush into the hospital." Humarang ako sa harap niya. Naririnig ko ang mabibigat na paghinga niya. Shit. "Baka mahawa ka p--"

"Tabi!" Wala akong nagawa nang itaboy niya ako sa gilid.

Nang akmang itataas na nito ang hoody ng babae...

"Pare, nandito 'yung sapatos niya!" Sigaw ng isang lalake na kasamahan niya.

"I'm sorry miss, sorry bro." And he went away patungo sa kasama niya.

We both felt relieved. Good idea na binato niya 'yung sapatos niya sa west side hallway ng tenement. Ngayon ay suot niya ang tsinelas ko.

Sumakay kami ng elevator na patungo sa parking lot where my car is.

"Get in!"

Nasa loob na kami ng kotse nang...

"Holy cow! I forgot my car keys! Magtago ka sa backseat, kukunin ko 'yung susi ko. Wait me here. Okay?"

Nagmadali akong bumalik sa apartment ko at pabalik ng parking lot.

I started the car and drive safely but as fast as I could. Naramdaman ko ang paglipat niya sa shotgun seat.

Ihatid ko daw siya sa bus terminal na sinabi niya.

Hanggang sa nakarating kami sa terminal na sinabi niya.

The moment I stopped the car ay siya namang biglang hatak niya sa leeg ko. Kasing-bilis ni The Flash nadumapo ang malambot na labi niya sa labi ko. Hindi na ako nakapalag. I just closed my eyes and automatically my lips response in her kisses.

She look straight into my eyes after the kiss.

And in the blink of an eye...

She's gone.

May naramdaman akong something sa noo ko. Sticky note? Kinuha ko iyon at binasa ang sloppy handwritings niya.

Put an ice on ur swollen forehead. My bad. I'm sorry. And thank ü vry much 4 helping me out! Xoxox.

-V ♥

Ayon ang nakasulat.

It is 6 a.m. The sun is rising. Tinignan ko ang papalayong bus na sinasakyan niya, kung saan nakikita ko siyang nakadungaw sa bintana smiling at my direction and waving her hands.

Napahawak ako sa labi ko. It taste like strawberry and vanilla.

Realizing that...

That day, I, Marco Miranda, 22 years old. Got my very first kiss to a stranger I called "V"

And I am craving for more...


That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon