love game

68 4 6
                                    

".L0VE GAME."

By: Eu Aren B. Vecino

Tags: Rovy Gene, Mia Sumagaysay

BAWAL COPY PASTE !!!

DO FOR YOUR SELF!!!

HERE IT GOES

Love is a game that two can play

and both win. 

Eva Gabor

.......... @@@ .........

"WANTED GIRLFRIEND, MAGANDA, MABAIT, MAPAGMAHAL LOYAL, AT HIGIT SA LAHAT HINDI NANG-IIWAN!" binasa ko ng malakas ang poster na nakasabit sa poste ng kuryente. Hindi ko alam kung totoo nga ba ang nakasulat na yan. Baka kasi sira-ulo lang ang gumawa nyan oh baka naman nakahithit ng rugby. Pero mukha naman sincere ang nakasulat bukod kasi sa 200 ang font size ng sulat sa tancha ko, eh nakabold pa. Siguro iniwan sya ng dyowa nya at labis labis ang pagmamahal nya rito. Panget siguro to, desperado kasing makahanap ng dyowa. Pero okay lang grab the opportunity, "walang panget panget sa babaeng walang pera".

Pagkatapos kong magbasa. Huminga ako ng malalim. "Pwede na toh!" sigaw ko. Kulang kasi ang tuition, kaya ganito nalang ako kadesperada sa paghahanap ng trabaho. Bwisit kasing governor yan. Dinidiley ang scholar ko.

Tiningnan ko ang natitira kong pera mula sa aking pitaka. 20 pesos nalang pala ang pera ko. Ayos! May sobra pang 5 pesos pambili ng coke sakto. 154 flowerlanes lang naman ang nakasulat na address which is malapit lang naman.

Maya-maya may dumating ng dyip. Agad ko itong pinara. Pasakay na ako ng dyip ng biglang.

BOOUGHS.!

"okay ka lang miss?"

"okay lang ako basta ikaw" nakatulala kong sagot. Ang gwapo kasi ng lalaking to. Dagdag pa ang maskulado nyang amoy at hapit na hapit na polo shirt na kitang kita ang kanyang kakisigan.

"ano sabi mo miss?" tanong nya.

Sa pagtatanong nya natauhan ako.

"ayy! Wala! Sabi ko okay lang ako!"

tumayo na ako. Napaka nice manong. Parang sulit ang pagkasubsob ko dahil sa gwapong lalaki ako nasubsob. 

Umupo na ako sa tapat nya. Hindi ko mapigilan hindi tumingin sa kanya. Hindi kasi nakakasawang titigan sya. Sa palagay ko magkasing edad lang kami.

Nagpatuloy ang pagtakbo ng dyip. May pagkakataon na sumisilay ako sa kanya ng patago, buti nalang mahaba ang buhok ko, dahilan para hindi ako makita ni Mr. Chinito. "mr. Chinito" nalang muna ang pangalan nya, hindi ko pa kasi sya kilala.

Ilang minuto ang nakalipas nakarating na ako.

"Manong para!" sigaw ko. Lahat sila naagaw ng atensyon ko, parang nakalunok kasi ako ng megaphone sa pagkasigaw ko.

Agad na akong bababa. Ng biglang...

"Miss yung BAYAD MO!" sigaw ni manong.

Oo nga pala. Hindi pa ako nagbabayad. Bwiset kasi si mr. Chinito, nadala ako ng kanyang kagwapuhan.

"manong eto po oh! Gift the Change na lang!"

binigay ko ng buo ang bente pesos. Sa totoo lang naghihinayang ako sa limang piso. Huwaaaah! Kaylangan ko talagang puntahan ang bahay na to kung gusto kong magkapera.

Paandar na ang dyip. Ng biglang, tumingin sa akin si mr. Chinito saka ako kinindatan.

Para akong natunaw sa aking kinatatayuan, parang gusto ko pang sumakay ng dyip para makasama ko pa ng matagal si Mr. Chinito.

Pero.

"Hoy! Miss magpapakamatay ka ba?" sigaw sa akin ng tao sa likod ko.

Hindi ko namalayan na nakaalis na ang dyip lulan si Mr. Chinito. Tumingin ako sa likod ko.

Huwaw nakakotse....

"Miss hindi ka ba talaga aalis dyan?" nanggagalaiting sigaw ng mamang nasa kotse. Hindi na siguro nya napigilan ang galit nya kaya bumaba sya ng kotse.

"Tang n@! Hibang ka ba? Daan yan hindi tambayan. Kung mag-aabang ka ng customer mo sa gilid hindi sa gitna!" nakasigaw na sabi ni mamang naka kotse.

Anu ba akala nya? G.r.o ako.pumapara ng customer. Tae pala to eh!

"Hoy! Para sabihin ko sayo, hindi ako pick-up girl, at kaya nasa gitna ako ng daan eh, kabababa ko lang ng dyip. Kung makapagsalita ka, kala mo kung sinu ka? Bakit? Yan ba pinagmamayabang mo? Kotse? Excuse me! Im sure hulugan lang yan!" pagdedepensa ko.

"so sa tingin mo hindi ko kayang bumili ng kotse?" tanong nya. May kinuha sya sa kanyang wallet. At pinakita lahat ng papeles.

"ano naniniwala kana?"

"pakialam ko." sabay alis. Wala kasi akong tyagang makipag-usap sa hambog na katulad nya. Sayang gwapo pa naman sya. Kaya lang kasumpa sumpa ang pag-uugali. Nagpatuloy ako sa paglalakad. At nakita kong wala na ang kotse.

Ako nga pala si Shaina "Aina" for short. 50 % lukaloka, 30% abnormal, 20% masipag.

Haisst!

INEED! MoNEY!

@@@@@@@@@@@@

Abangan ang next.

Hit like and comments. 20 up ang kota.. XD

ADD ME.

euaren36@yahoo.com

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

love gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon