Chapter 38 - Forgotten Friend

1.7K 102 8
                                    

Chapter Thirty Eight | Forgotten Friend
Axel Damn Saval's Point of View


The moment I finished eating lunch, I excused myself to get to bed at agad din naman akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Jin na tutulugan namin mamayang gabi. Nagdesisyon kasi itong dito muna mamalagi mamayang gabi, humingi din naman siya ng permiso kay Dad if pwede ako matulog kasama siya and Dad agreed naman.

I laid myself in bed and with just a single blink of an eye, nakatulog kaagad ako.

Nakita ko ang sarili kong nakaupo sa isang malaking upuan habang nagmumuni-muni. Pinapanuod ang mga matatanda na naglalaro ng Mahjong. Feeling ko fiesta ngayon sa bayan namin na'to. Madami kasing handaan at mga makukulay na banderitas sa paligid. Maraming mga tao ang naguusap-usap at mayroon ding naglalaro na mga bata sa paligid.

"Damn." Rinig kong tawag sa akin ng isang bata na kasing edad lang ni Jin. Nakita kong palalapit na ito sa akin, hanggang sa makita ko nga kung sino ito.

I turned around only to see Theo.

Bakit nandito si Theo? Don't tell me? Kilala ko siya noong bata pa ako?

He was wearing a jumper and inside is a white shirt and paired it with a pair of blue shoes. Lumapit ito sa akin at may binigay na bola. "Maglaro tayo!" Bibong-bibo nitong inaya ako. Pero nakita kong umiling lang si ako.

"Bakit naman?" Tanong ni Theo.

"Ayaw ko sa'yo."

Grabe hindi ko pala alam na ganiyan ako ka-suplado. Naks. Kita naman sa kagwapohan eh.

Biglang umiyak si Theo liit. Pero nakita ko rin naman ang mukha ko na parang wala lang sa akin. Bigla namang dumating si Jin at niyaya akong pumunta sa palayan na nilalaruan namin. Sumunod naman ako. Naks naman ang galing ko palang pumili ng kalaro noon. Hahaha.

Nakita kong naglalaro na kami ni Jin sa palayan nang dumating naman si Theo na may dala-dalang bola. Hinila siya ni Jin palapit sa akin pero ako naman na matigas ang ulo ay ayaw makipaglaro sa kaniya. Nakita ko pa ngang tinulak ko siya dahilan para maiyak si Theo.

"DAMN!" Sigaw ni Jin sa akin. "Hindi mo dapat ginanun si Theo." ang cute ng boses ni Jin habang nagagalit. Pinagmasdan ko habang tinulungan ni Jin si Theo na tumayo.

"Sumbong kita kay Daddy!" Sigaw ni Theo sa akin at tumakbo na palayo. Hinila ko naman si Jin habang si Jin naman ay gustong sumunod kay Theo.

"Teka Damn." Mahinhing sinabi ni Jin sa akin.

"Maglaro na nga lang tayo sa bahay niyo." Sabi ko kay Jin. Wala siyang nagawa kun'di ang sumunod.

Nang makarating kami sa bahay nina Jin ay agad kaming pinagsabihang bumalik ulit sa bahay namin dahil hinahanap kami ng parents namin. Nagmatigas ako sapagkat ayaw na ayaw ko dun dahil madaming tao ngunit wala kaming nagawa ni Jin kasi dinala kami sa bahay ng mga maids nito.

Nakita ko nalang na nagpakuha kaming tatlo nina Jin at Theo ng litrato. Ang sungit-sungit ko sa litrato habang si Jin naman ay nakangiti ng matamis. Sumingkit nga ata ang mga mata nito eh.

Nagising nalang ako sa tunog ng pagbukas ng pintuan, tinutulak ni Jin papasok si Theo dahil sa inis ay napatapon ako ng unan.


"Hoy! Gago ka bakit ka dito.?" Naiinis kong sinigawan si Theo habang tinapunan ulit siya ng unan. Nakakainis. Nawala nalang bigla ang antok ko.

Nakita ko naman si Jin na tumatawa at sinarana ang pintuan ng kwarto naming dalawa. Feeling ko tumaas ang blood pressure ko at ang dugo ko naman umakyat papunta sa mukha ko.

Simula pala noong bata palang kami magkakaibigan na kami nina Jin at Theo?

Ilang minuto akong nagmuk-mok sa loob ng kwarto namin ni Jin. Nag-iisip kung ano ba talaga 'tong buhay ko, bakit andaming mga bagay na ngayon lang nabigyan ng kaliwanagan. Tamang panahon ba 'to? End of the world na ba?

Bigla kong narinig ang malaking hakbang ng paa papunta sa kwarto, narinig ko madaliang binuksan ni Jin ang pintuan ng kwarto namin at hapo-hapong lumapit sa akin.

"Damn! May litrato!" Sigaw nito sa akin na parang ewan kasi nagpapanik siya. Humiga siya sa gilid ko atsaka pinatong ang ulo sa lap ko. "Ikaw oh!" Sabi nito sa akin atsaka tinuro-turo ang picture na kasama ko siya at si Theo sa isang picture.

Nagkatugma ang nangyari sa panaginip ko at ang litrato sa picture.

"Teka, masungit ba diyan ang mukha ko?" Natatawa kong tinanong kay Jin.

"Oo." Sagot naman nito sa akin. "Tingnan mo oh, hangkyut ko dito." Dagdag pa nito sa akin. Tumawa lang ako sa kaniya atsaka nakinig lang sa mga pinagsasabi nito.

Bigla namang bumukas ulit ang pintuan ng kwarto namin, nakita kong pumasok si Theo na may dalang pag-aalala. "Hindi ako nangangain." Sabi ko pa dito atsaka inirapan siya.

"Alam ko." Cold nitong sinabi sa akin.

"Halika ka nga dito." Sabi ko. "Tol." Dagdag ko pa. umupo ito sa tabi ni Jin si Jin naman, pinatong niya ang buong katawan niya kay Theo.

"Ang bigat mo Jin." Turan nito nang pinatong na ni Jin ang katawan niya. Tumawa lamang si Jin.

"Hindi pa tayo tapo ah?" Sabi ko dito. Narinig kong sinita ako ni Jin.

"DDDDaaaammmmmnnnnn?" He prolonged my name. I saw him creased his forehead.

"Sige na nga."

"Bati na tayo?!" Theo yelled. Nagbigay ako ng simpleng tango, nabigla naman ako gn niyakap ako ni Theo.

"Yay." Sabi ni Jin. Pero narinig ko siyng tumikhim, "Uhm. Theo tama na 'yan. Mahuhulog ata ako eh." Sabi nito kay Theo, at Oo nga nahulog si Jin sa sahig.

"Aray." Sabi nito.

Sabay kaming napatanong ni Theo, "Okay ka lang?" Tanong namin. Napatingin naman kami ni Theo sa isa't isa at napatawa.

Damn.

© 051116

DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon