"Ako si Karma, Ikaw ang karma ko"

132 4 0
                                    

Prologue

"Di ba sinabi ko na sayo na wag ka masyado magpapaniwala diyan sa Jerald na iyan? Tingnan mo, pinerahan ka na, na one-two-three ka pa!" Napailing nalang ako habang sinesermonan ko si Irene.

Si Irene, ang matalik kong kaibigan... Maganda, sexy, maputi, matalino... pero ewan ko ba, bakit ba pagdating sa Jerald na iyon, uto-uto sya at eengot-engot pa.. well, di ko sya masisisi, nagmamahal lang naman sya e. Iyun nga lang, sa maling hinayupak pa.

"Soryy naman! akalain ko bang jino-joketime nya lang ang beauty ko! hays! porket minahal ko sya, ganun ganun nalang? huhuhuh... muntik ko nang maibigay lahat lahat sa kanya! halos-"naputol ang kanyang sinasabi, ewan ko kung bakit, pero...

"uwaaaahhhhhh,,, uwaaaaaaahhhhhh!!"

*singhot singhot*

"Muntik ko nang ibigay sa kanya yung hiyas ko!!! huhuhuhu!" atungal ng aking best friend.

heto naman ako, walang magawa kundi i-tap ang likod nya at i-comfort sya. Hays, simulan nanaman ang aking nagbabagang plano...

AKO SI MARICAR LAURENCIANA, Game master sa isang online gaming company, yan ang aking trabaho. Hobbies? surfing the net, watching anime, reading manga. Pero sa lahat nang iyan, may isa din akong pinagkakaabalahan...

Ang pagiging stalker.

Stalker ng mga kalalakihan na lumalapastangan sa kainosentehan at kahinaan ng mga babae.

That's why I am Called "The LIVING KARMA"

"Ako si Karma, Ikaw ang karma ko"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon