Marlboro (OneShot)

48 0 0
                                    

" Giselle bumili ka nga muna ng softdrinks sa tindahan" utos ni mama sakin.

Kinuha ko ang pera at umalis.

Ayaw kong lumalabas ng bahay pero dahil walang mautusan, no choice ako kundi sumunod.

Ako nga pala si Giselle Marquez. 17 years old at 1st year college.

"Hi Giselle." bati sakin nung isang tambay dto sa may tindahan.

May itsura sya pero hindi na ata nagaaral. Di ko sya kilala sa pangalan pero alam kong dito sya nakatira malapit lang samin.

Matipid akong ngumiti at bumili na ng pinabibili sakin.

" Pabili po " katok ko sa may bintana ng tindahan.

"Ano yun?" biglang tumalon ang puso ko sa nagtanong. Ang aking All-Time crush! :""))

Siya si Ezra Espinosa. Captain ng basketball team sa university na pinapasukan ko.

At sya ang definition ng Drop-Dead-Gorgeous. *____*

Isa sya sa pinaka sikat sa campus kaya malabong magustuhan nya din ang isang katulad ko. Simple at boring. :(

Hinahangaan ko sya ng palihim.

" A-ah, tatlong kasalo nga po "

" Maka'po' ka naman, isang taon lang naman tanda ko sayo" sabi nya bago tumalikod at kumuha ng binibili ko.

Te-teka? Bakit alam nyang isang taon lang tanda nya sakin? Di kaya stalker ko sya? Char lang! Haha!

Eh kasi minsan lang yan nandito sa tindahan ng tita nya dahil sa kabilang bayan pa siya nakatira.

Pero sabagay, baka nanghula lang sya dahil muka naman nga kaming magkaedad.

Nung nakuha ko na yung binili ko, umuwi na ko. Umuwi akong nagtataka parin.

-----------

School<3

"Gisellaaaaaaa!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko ang bestfriend kong si Ciara na papalapit.

"Binulabog mo ang buong campus"sabi ko sakanya paglapit nya.

Niyakap naman nya ko "Wag kang exag!"

"Late na tayo." at hinigit ko na sya papuntang room.

Mabilis lang natapos ang klase at vacant na namin. Ilang linggo na din simula nung kasalo-incident.

At eto kami, nanood ng practice nya ng basketball.

Malapit na kasi ang intrams kaya puspusan ang practice nila.

"Uy matunaw" pangaasar sakin ni Ciara. Alam nyang gusto ko si Ezra.

At dahil varsity din ang kuya ni Ciara, nandito kami kunwari supporters ng kuya nya.

"Hoy giselle tignan mo!"

"Maka'hoy' ka naman! Sino ba?!"

"Si Ezra kanina pa tumitingin sayo!"

Nagtaka ako sa sinabi ni Ciara kaya tumingin din ako at oo nga. Nakatingin sya sa mismong side namin!

Tumingin ako sa likod ko para siguraduhin at biglang nanlumo. Sana pala di na ko lumingon. :'( Siniko ko si Ciara at lumingon din sya. "Ay" sambit nya

Nasa likod pala namin si Katlyn Alejandro. Ang pinakamagandang nilalang sa campus na ito. Maganda, mabait, mayaman at matalino. Almost perfect na sya kumbaga.

Bumalik ang tingin ko sa harap at nakitang ngumiti si Ezra, lumingon naman ako sa likod at nakitang ngumiti din si Katlyn kay Ezra.

Parang may bumara sa lalamunan ko.

Marlboro (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon