Chapter 39 | Start Again
Jin Revamonte's Point of View
[060120 - HAPPY 55k READS MGA Ka Caramel Macchiato Couple (ang lame) hakhak anyway go ahead and read 😉 ]Days passed hanggang sa magsimula na namang bumukas ang klase, at magkasama kaming tatlo ni Theo at ni Damn na pumasok sa University. Damn graduated already at aasikasuhin niya ang mga papers niya ngayon sa school dahil he's going to take a review for his licensure exam.
Kasa-kasama ko silang dalawa ngayon na papasok ng school. Damn holding my hands while Theo is beside me na papasok din. Ang cool nga kasi naman parang bumalik lang kami sa pagiging bata. You know? Those forgotten memories. Hindi ko nga alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, masaya ba o masayang-masaya? Dahil mayroon na akong mga kaibigan na alam kong hindi ako bibitawan. At nandiyan narin si Damn, ang taong NANLILIGAW PARIN SA AKIN AT HINDI MAN LANG ALAM KUNG PAANO HINGIN ANG KAMAY KO NA MAGING KAMI NA? Haysss.
Seriously, kailan kaya siya gagawa ng mga cliché chuchu na 'yan no? (Okay, a gay can dream) seriously noon ayaw na ayaw ko sa mga mainstream kasi walang originality. But I ended up demanding things like that from Damn.
I learned that, hindi natin maiiwasan ang mga bagay-bagay na magkakapareho. Sapagkat tayo naman ang rason kung bakit ito nangyayari, we make the move while God is the one who guides us to the right path. Kaya hindi natin paminsan maakalang may nagawa na tayong kamalian sa buhay sapagkat tayo ang nagdedesiyon, si God ay siya ang nagbibigay ng leksyon sa atin para matuto tayo mula sa ating mga kasalanan.
We can't escape reality too. Kahit na ano pa ang gawin natin hindi natin maiiwasan ang realidad, we only have to accept and live with it. In that way, we learn from it.
Tama na nga ang drama.
Naglalakad kami nina Damn at Theo habang kami naman ni Damn ay naghoholding-hands. Awwww. Ang sweet naman talaga niya. You know? Dapat diba ayaw ko sa mga bagay na'to? But I learned to accept the fact na hindi natin maiiwasan na mangyayari sa atin ang mga bagay-bagay na pareho lang sa mga nababasa natin. Because some writers, they based stories based on personal experience. But there are writers who never experienced things like these, yet they wrote novels na parang totoo talaga.
Nag-excuse si Theo sa aming dalawa na dideretso siya sa canteen ng school. May nililigawan kasi ang mokong, and I feel happy for him. Dahil finally, wala na akong ka-agaw kay Damn. Yey.
Kaya kaming dalawa na lamang ni Damn ang naiwang naglalakad papunta sa building ng college ko. Palagi akong hinahatid ni Damn dito, siya palagi ang nagdadala ng bag ko at mga libro ko. Ayaw niya kasing mapagod ako eh. Sabihin niyang nagpapaka-gentleman lang ang bully ko.
But anyways, hindi pa naman si Damn nagbabago. Palagi niya ang kinukulit at binubully. Like what he always do. But I used to live with it. Kasi nga mahal ko siya eh. What do you expect from me? Iiyak dahil binubully niya ako? No, hindi naman talaga ako iyakin kapag binubully eh, Iniintindi ko lang ang tao. Kagaya nga kay Damn, gusto niya lang kasi palagi na ang atensyon ko ay nasa kaniya. Haysss.
"Damn," sabi ko kay Damn at huminto na ako sa labas ng kwarto namin. Wala pa namang guro kaya naman pwede pa akong makipaglandian kay Damn.
Tatawagin ko ulit ito pero diretso lang ang paglakad niya. "Hoy Damn!" Tawag ko nalang bigla sa kaniya. Pero hindi ito nakinig sa akin.
Nan'doon pa naman lahat ng gamit ko sa kaniya kaya naman wala akong nagawa kun'di ang habulin siya.
Naka-abot kami sa ilalim ng building ng school, sa loob ng canteen hanggang napahinto siya sa gitna ng school field. Nakita kong, madaming mga palamuti sa gitna ng field. Puro mga bulaklak at mga kung anu-ano man. May mga estudyante din sa palibot ni Damn. Nakita kong may hinalungkat si Damn sa bag niya. May kinuha ito sa bag niya, isang megaphone!
"REVAMONTE! IPAPAHIYA KITA NGAYON SA HARAP NG MGA ESTUDYANTE." Rinig kong sinabi niya -- wait sinigaw niya sa akin.
Parang natameme ako sa sinabi niya. Ipapahiya?
Biglang naghangin ng todo, hindi ko alam pero may isang helicopter na napadaan sa school field. May lalaki sa loob at may dala itong isang balde ng waiiiitttt--- don't tell me?
Lumapit si Damn sa akin atsaka niyakap nito ako.
"Ipapahiya mo ako?!" Sigaw ko dito. Parang tutulo na ang mga luha ko. "Ang sama mo." Sabi ko pa dito.
"Don't worry, kasama akong mapapahiya." Ani Damn sa akin. Nabigla ako ng hinalikan nito ako, naramdaman kong may malagkit na amoy kape ang dumaloy sa katawan namin ni Damn. Take note; naka uniform pa kami.
Natikman ko pa ang kape.
Bongga ka Damn. Starbucks talaga.
Bigla akong binuhat ni Damn papasok sa loob ng helicopter. Agad namang lumipad ang helicopter pataas "Jin, basahin mo." Utos nito sa akin habang nginuso ang nakalagay sa ilalim ng field. Naka-areange ang mga palamuti sa mga letra, at nabasa ko nga kung ano ang pinapahiwatig ni Damn.
JIN CAN YOU BE MINE? AGAIN?
Naluha ako sa nakalagay, hindi ko alam pero ang sarap pala sa pakiramdam na may magsurpresa sa iyo at kahit isang tikim lang ng ka-mainstreaman ng mga wattpad stories diyan sa tabi-tabi. Masarap pala kapag cliché ang buhay mo.
"Oo Damn. Oo na-Oo na OO! OO!" I yelled, nakita kong ngumiti si Damn ng napakatamis sa sagot ko sa kaniya, niyakap nito ako at hinalikan sa labi.
Damn.
© 051116
BINABASA MO ANG
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOON
Fiksi RemajaCOMPLETED Available as Webtoon! Every nerd needs a bully. At para kay Jin Revamonte, si Axel Damn Saval 'yon. . . . . At sa una palang nilang pagkikita, saboy na kaagad ng kape sa mukha. Ano bang problema ni Damn at bakit niya binubully si Jin? Para...