Salo
Hindi na muling nasundan ang Trigo session namin ni Miguel. Naging abala na kami sa kanya kanya naming commitments. Sa katunayan dalawang araw na kaming hindi nagkikita sa paaralan pero patuloy naman ang communication namin sa text.
"Hay!" Napakamot ng ulo si Jade. Stressed na naman yata ang isang to. May kung ano ano siyang tinitipa sa laptop niya habang nakakunot ang mukha.
"Ano na naman yan?" Tanong ko. Itong si Jade napakabait. Sigurado akong may pinapagawa naman ang kung sinong guro sa kanya at ngayon lang binigay na ngayon din o bukas naman ang deadline. Ang mabait kong bestfriend ayan, tinanggap naman.
"Programme para sa event next week." Next week na nga pala ang speech festival namin.
Napatango na lang ako sa kanya ngunit concerned ang mukha ko. Jade is a responsible student and an achiever too. Hindi naman sa pag mamayabang ngunit ang grupo namin ay may maibubuga naman. When I say na may maibubuga kami, we have the looks, brains and attitude. We're not your stereotypical high school squad na puros pagpapaganda at gimik lang ang inaatupag.
Sa aming grupo kaming dalawa lang ni Jade ang nasa library ngayon and we're here in our usual table na malapit sa aircon at wala pa masyadong tao lunch break kasi, di na kami kumakain ng lunch sa lunch break dahil kinakain namin ang lunch namin sa recess time. Weird noh? Ganyan kaming magkakaibigan dahil sa sobrang busy namin sa kung ano anong school works o commitments na mayroon kami kailangan naming mag sakripisyo ng oras.
We're already on the second semester kaya doble na ang kayod namin. Im the top 1 sa aming batch and I'm planning to move up na Top 1 pa rin while pare-parehong honor students naman ang mga kaibigan ko.
Tahimik lang akong sinasagot ang mga Math questionnaires na binigay sa akin ni Sir Rene. Next week na din kasi ang Division Math Challenge. Hindi naman ako kinakabahan dahil ilang beses ko na itong napanalunan.
Pinagpatuloy namin ni Jade ang ginagawa namin. Tahimik lang siya at tahimik lang din ako. Di yata siya nag-iingay ngayon? Oh well, stressed ang bruha.
"Hi guys!" Bati sa amin ni Lily at umupo siya sa tabi ni Jade.
Haze Lily Geralde is also one of my bestfriend. She has fair complexion and silky black hair. Maganda siya at mabait din mahiyain nga lang konti. Ang sarap nga nilang pag untugin ni Jade dahil nga sa ambabait nila paminsan ay na ta-take advantage na sila.
"Ang gwapo ni Chris! Holy! Nadaanan ko siya kanina papunta dito!" At napahilig naman siya sa kanyang kamay.
Oh yes we're normal. Wala na kaming kung ano-ano na sabihin na gwapo ang isang lalaki. Kung totoo naman why deny it diba? Hmm nagsalita ka Ryza.
"Talaga?! Sayang di ko nakita," Bigla namang naging intersado si Jade at nag-usap na sila ni Lily.
Ito talagang dalawa to. Basta't gwapo na ang pinag-uusapan. Oh well can't blame them, hanggang tingin lang din naman sila eh. They're good girls. Balita ko last week may binasted na naman tong si Jade. Hanggang kailan kaya mananatiling matayog ang prinsipyo ng isang to? Bilib din ako sa kanya hindi natitinag at di nahuhulog.
Hindi tulad mo Ryza. Oh shut up brain, magkaiba kami ng sitwasyon.
"Za," Nanindig ang balahibo ko ng may humawak sa ulo ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Miguel. Kelan pa sila pumasok?
"Hi Miguel!" Bati ni Jade sa kanila. Ngiti lang ang isnukli ni Lily.
"Hi Jade! Hi Lily!" bati niya rin.
Oo, Miguel is friends with my friends. Ang pagkakaalam ng mga kaibigan ko ay magkaibigan lang nga talaga kami ni Miguel.
"RYZA! MY LOVES!" Nakita ko si Juno na umambang yayakapin ako.
"Boys," pinatunog naman ng Librarian ang bell, hudyat na hinaan namin ang aming mga boses. Kahit di pa naman ganoon karami ang tao dito sa library ay parang mainit na yata ang ulo ni Miss Kalve. Meron kayo ito ngayon?
Sinapo naman ni Miguel ang mukha ni Juno. Nagsilapitan na din ang kanyang mga kaibigang lalake at di nagtagal ay napalibutan na kami ng kanyang barkada at iilang classmates na nakisali na rin.
"Hi Lily!" Nag wink naman si Chandro kay Lily. Si Lily naman, hayan namula!
Chandro is one of Miguel's team mates. Not bad looking but matinik sa babae. In short, bad for Lily.
"Hoy! Tigil tigilan mo nga yan si Lily!" Saway ko. Nagtaas naman siya ng kamay at humalakhak. Hindi naman to sila magkilala personally, feeling close naman itong si Chandro.
I looked at the guys surrounding our table. Baketball players sila at yung iba ka-section ni Miguel. Nag hi naman sila sa akin dahil lahat sila kaibigan ko. I won't deny it. Medyo sikat naman ako sa school. Maraming nakakakilala sa akin at mara din akong kaibigan.
"Ryza! Alam mo ba bakit Ryza ang pangngalan mo?" tanong ni Juno.
Napataas ako ng kilay sa tanong niya.
"Dahil kahit ilang beses mo akong patumbahin sa ganda at talino mo, I will RYZAgain to prove that I'm worthy of you," Saby kindat niya.
"CORNY!" Tawang tawa na sinabi ni Jade. Nagsalita ang babaeng ito na sa aming lahat siya din naman ang pinaka corny.
"Ganun ba? Nahulog at natumba ka lang yata Juno. Di ka na makakarecover," pabiro kong sagot sa kanya.
"Okay lang mahulog! Alam ko namang sasaluin mo ako eh!" Ngiti ngiting sabi ni Juno.
"Asa!" Sagot ko kay Juno sabay tawa.
Biglang umupo si Migs sa bakanteng upuan sa tabi ko na siya namang ikinabigla ko.
Mas nabigla ako ng inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Palapit siya ng palapit.
Migs! Ang daming tao!
May binulong siya sa akin at namula na akong parang kamatis.
Bigla siyang tumayo at nag stretch.
"Oo nga pala, di ako magtatagal. Pinapasabi lang ni Sir Rene na wala daw kayong training mamaya. Mag self-study ka na lang daw muna,"
Tumango ako sa sinabi niya.
"Tiyaka nasabi ko naman rin ang gusto kong sabihin eh," naglakad siya palayo habang yung iilang kasama niya ay sumunod na sa kanya.
Nagpaiwan naman si Juno.
"Juno! Tara na tol!" sabi ng kasama niya.
"Bye Ryza!" Kindat naman ulit ni Juno. Napailing na lang ako.
Pagkalabas nila ng library hinawakan ko ang pisngi ko. Uminit ito. Napabuga ako ng malalim na hininga.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Jade at tinitigan ni Lily.
"Ano yun?" Tanong ni Lily.
"Wala. Nang iinis lang," sagot ko at binaling ang aking atensyon sa questionnaire.
Pero alam kong hindi basta wala lang yun. Dahil kung wala lang ang binulong niya sa akin hindi kakabog ang dibdib ko ng ganito ka bilis.
"Nahulog na at nahuhulog pa rin ako. Matindi at mabilis. Sasaluin mo kaya ako Za?"
ANAK NG! May pa salo salo ka pang nalalaman Carbonel!
Pero OO! Sinalo na kita. Matagal na.
Matagal na tanga!
BINABASA MO ANG
Stuck
RomanceJwyneth Ryza Alejandre had it all. Family, friends, talents, skills and of course fame. She is happy. At least she pretends to be.