Ilang beses na akong nasabihan ng tanga, bulag,desperada at manhid. Pero kiber lang lahat ng 'yon alam ko kasing carry ko ang lahat. Kahit gaano pa kasakit, kahit na araw araw pang mamugto ang mata ko sa ka iiyak ng dahil sakanya, kahit pa mag mukha akong tanga sa harap nya at sa harap ng maraming tao lahat yun titiisin ko. Lahat ng yun kakayanin ko.
Para saakin kasi, sya ang dahilan ng pag gising ko. Para saakin, sya ang dahilan ng bawat pag hinga ko, sya ang dahilan ng pagtibok ng puso ko dahil sya ang lahat lahat ko. Sakanya na umikot ang mundo ko or i should say, sya ang mundo ko. Mahal ko sya eh, mahal na mahal kahit na alam kong mag kakaibang butas ang pinapasok nya araw araw. Kahit na alam kong hindi nya ako mapapasin kahit na maglupasay pa ako sa harap nya.
Sabi nila pag mahal mo ang isang tao,papakawalan mo, i lelet go mo. Sabi nila pag mahal mo talaga hahayaan mo sya. Pero para saakin,pag mahal mo, titiisin mo lahat ng sakit, lahat ng pag subok, lahat ng selos, selos na hindi mo naman dapat nararamdaman kasi wala kang karapatan. Kung mahal mo talaga, you're willing to take the risk,kahit sa umpisa palang alam mong talo kana. Na kahit sumugod ka, wala kang mapapala, kasi nga INVISIBLE ka sa paningin nya. Kumbaga, hindi ka nag eexist sa buhay nya. Dahil walang ikaw para sakanya. Babaeng malilibog lang ang kailangan nya, at hindi tulad mo na seryoso at hindi pa handang isuko ang bataan kasi pabebe ka.
Mahirap mag mahal ng taong hindi ka yang mahalin pabalik. Loving someone who doesnt love you back is like waiting for a boat at the airport. Hopeless and dissapointing. Pero kahit ganyan kasaklap handa akong mag mukang tanga. Kasi sya yun eh. Yung taong mahal ko. Na isang CASANOVA.
hindi nakukuntento sa isa, palipat lipat ng butas na papasukan at puro pag himas at pag ungol lang ang alam. Ewan ko nga lang din sa sarili ko kung bakit sakanya pa nahulog yung puso ko. Wala naman syang ginagawa pero mahal ko parin sya. Ilang ulit ko na ding sinampal sa mukha ko na wala na akong pag asa pero sa tuwing sinasampal ko sa sarili ko ang katotohanan, nandyan naman yung konsensya kong na ngungusap at nag sasabing: 'sa mahigit apat na taon mong pag hahabol sakanya, ngayon kapa ba susuko?'
Buwisit eh, kung may pag patanggalan lang ng konsensya, matagal ko ng ginawa. Ang kulit ng puso ko, ayaw paturuan pag dating sa love. Pero pag dating naman sa klase ang bobo nya. Tama nga ang sabi nila, may sariling mata ang puso, na kahit minsan hindi mo pwedeng baguhin ang pagtingin nya sa isang tao. Sya lang din ang makakagawa nito sya lang ang makakabago. Siya ang pipili kung kanino titibok. Ang tangi mo lang kailangan gawin ay ang mag desisyon. Kung susugal ka o susuko ka ng walang ginagawa.
Why i do love someone who doesnt love me in return? Why do i cry over someone who didn't hurt me? Why do i always think about him if he never thougth about me? Why do i always wait for him if he never waited for me? Siguro nga masasabi ng tanga ako. Pero masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba ako gayong sakanya tumibok ang puso ko. Napa ka loyal ko sakanya. Napaka loyal ng puso ko sakanya palagi ko syang pinag mamadan, palagi ko siyang iniisip, palaging sya ang inuuna ko. Pero napapansin ba nya ako? Hindi diba? Ni minsan kaya nahagilap ako ng mata nya? I bet no. Ni minsan kaya nasip nya na may Machiko Kotomi Komatzu na nag eexist sa mundo? Another hindi nanaman.
Pero paano kung one day mag bago ang ihip ng tadhana? Paano kung one day pag lalapitin kayong dalawa? Paano kung one day, mapansin ka nya. Yun nga lang hindi bilang special.
May pag asa kayang mahulog ang loob nya saakin? May pag asa kayng umibig sya sa isang Machiko Kotomi Komatzu na ulila na at tanging bestfriend nalang ang meron sya?
Love is such a Playfull thing here on earth. Love is like an earthquake. Walang sign na binibigay, hindi mo alam kung kailan darating at higit sa lahat, hindi mo namamalayan. Hindi mo namamalayan na mahal mo na pala ang isang tao. You'll just know it, you can just feel it.
Pero yun nga lang, minsan hindi mutual ang feeling nyo. ikaw seryoso samantalang sya loko loko. Pero sabi nga nila love can find ways. Makakahanap ng paraan para mahanap mo si the one.. maaaring hindi ngayon, pero malay mo diba? Malay mo Bukas na. Pero yun ngalang hindi ka pa nya napapansin. Maaari rin namang, ang matagal mo ng pinag papantasyahan ay isa lang palang pag subok ng nakaraan. Isang alala na tatawanan mo nalang pag tandana mo. Isang alala na unti unti ng mapapalitan.
Pero walang makakapag sabi. Walang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap. Bawat pag kilos na ginagawa mo ay pwedeng maka apekto sa future mo.
Every single moment is important, so treasure it.