CHAPTER TWENTY FIVE
ILAN araw na syang malayang nakakapasok sa bahay nila Charlton pero hindi nya naman ito nakakausap ng maayos tungkol sa kanila. Lagi kasi itong busy sa sampaloc tapos kapag kakausapin nya ay dapat kakain muna sya ng prutas na iyon bago sya nito pansinin. Nakahiga ito sa mahabang sofa na para bang walang pakialam sa paligid nito.
"Sweetie,"
"Yes?"
"Magpa check up ka na." Sumama ang mukha nito sa sinabi nya.
"Ayoko!"
"Bumili ako ng pregnancy test kanina you can use this."
"Shut up!"
Tuluyan na syang lumapit dito kaya lang pinanlisikan na naman sya nito. Pinagpapawisan sya kapag ganito ang itsura ng dalaga parang gusto syang katayin na lang bigla. Umupo sya sa carpet at hinimas ang tiyan nito, gusto nyang mapangisi dahil alam nyang apektado ito sa bawat pagdadampi ng balat nila.
"R-Ryxer..."
"Pumayag ka na please." Pagsusumamo nya dito, ipinasok nya ang kanyang palad sa ilalim ng suot nitong blouse at hinaplos ang tiyan nito. "Habang maaga pa dapat malaman na natin kung may baby na ba tayo, hmn, feeling ko may baby na sa tummy mo." Isipin nya pa lang na magkakaanak na sila ni Charlton para bang biglang nakumpleto ang buhay nya.
"At paano ka nakakasiguro?"
"I did it inside you every time we made love—."
"Stop!" Tili nito at pinalo ang braso nya. "Kapag hindi ka tumigil ng pangungulit sakin ipapakain ko talaga sayo lahat ng sampaloc na meron ako." Binabantaan na naman sya nito.
He hates sampaloc kaya hindi nya na ito pipilitin pa baka ma-stress ito sa kanya at hindi na naman sya kausapin. Kumakain ito ng sampaloc na malamig habang nakahiga, kung titignan si Charlton parang tamad na tamad ito sa buhay nito. Itinaas nya ang laylayan ng blouse nito kaya napatigil ito sa pagkain.
"Ano ba Ryxer baka may makakita sayo." Para itong natataranta at pilit ibinababa ang damit nito pero hindi sya nagpatinag bagkos idinampi nya ang labi sa tiyan nito na ikinatahimik nito at hindi na nagprotesta pa.
"Don't worry baby pipilitin ko ang mommy mo na magpa check up na para mabigyan ka na ng vitamins." Kinakausap nya ang tiyan nito.
"Nasisiraan ka na ng ulo."
"Ako ang pinaka gwapong sira ulo kung gano'n." Natawa ito kaya napangiti na din sya.
"Mayabang ka din 'no?"
"Ako lang ang may abs na sira ulo sigurado ako do'n."
"Pero sira ulo ka pa din." Tinapik nito ang kamay nya na hindi nya napapansin na nasa dibdib na pala nito. "Stop Ryxer wala tayo sa bahay mo."
Nginisian nya ito at luminga sa paligid, walang tao. Tumaas ang isang kilay nito ng mas lalo nyang idinikit ang mukha sa mukha nito at bago pa man ito makareact ay nahalikan nya na ito sa labi at mabilis din na lumayo dahil siguradong aabutin na naman sya kay Charlton, masakit ito manuntok dahil nung isang araw sa sobrang inis nito sa kanya ay sinikmuraan sya.
"You!" Namumula ang mukha nito sa asar sa kanya. "Get out!"
Nagkibit-balikat lang sya tapos ay lumabas ng sala. Palagi silang gano'n, papalayasin sya nito kapag napikon sa kanya pero pagkalipas ng ilang minuto ay malamig na ulit ang ulo nito kaya pwede na silang maglambingan.
Palabas na sya sa main door ng mala mansion na bahay nila Charlton ng salubungin sya ng isang malakas na suntok.
"Fvck!" Mura nya at hindi pa sya nakaka recover ng suntukin na naman sya ulit. "What the hell Cassidy?!"
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...