Chapter 13 -- Saving A Broken Heart

5.3K 79 0
                                    

Ilang araw na rin mula nang umuwi ng Manila sina Natalie galing sa out of town vacation nila.



Hindi na siya makapag hintay sa muling pagsasama nila ni Ervic at sabihin sa lahat ang kanilang relasyon. Alam niyang hindi ito magiging madali sa una pero pasasaan ba't matatanggap din ng lahat ang relasyon nila ni Ervic. They know they can't please everybody.




Hinihintay lang ni Natalie si Ervic upang sabihin na sa lahat ang tungkol sa kanila. Kung papaano nila sasabihin? Bahala na.



Nasa mahabang dining table ang Pamilya Ortega, kumakain ng hapunan, lumilipad naman ang utak nitong si Natalie.



Kadarating pa lang ng Dad nila galing sa isang business trip sa Japan.



"So, how's your out of town vacation?" Panimulang tanong ni Mr. Ortega.



"Uhm.. It-it went good. We had fun." Sagot ni Natalie sa Dad niya.



"I'm glad you enjoyed. Natalie, hija, don't you think it's time for you to settle down?"



Napatitig tuloy si Natalie sa Dad niya. "Dad?"



"It's my 60th Birthday next week. I'm not getting any younger. Gusto ko before I die ay nasa maaayos na lagay kana, may sarili ng Pamilya. Gusto ko na si Martee para sayo."



"Dad, you're still young, you're not gonna die. Tsaka wala pa sa isip ko ang magpakasal."



"Why not? You're on the right age. At isa pa, alam kong magiging masaya ka kay Martee, 'cause I can see you really love each other. At may tiwala ako sa batang 'yon, ayoko ng mapunta ka pa sa iba."



Nagtinginan tuloy ang magkapatid.



"Dad huwag niyo namang pressure-in si Natalie." Sabat ni Ayen sa dalawa.


"Basta, after my birthday gusto ko ayusin niyo na ni Martee ang kasal niyo. Okay?"


Hindi na lang sumagot si Natalie at tinignan niya ulit ang kapatid na si Ayen.


Pagpasok sa kwarto niya tsaka niya tinawagan si Ervic. "Pano ba 'yan? Gusto na ni Dad na ayusin na namin ni Martee ang kasal namin as soon as possible." Sumbong niya sa kausap.


Sa kabilang linya naman. "Ano? Hindi pwede 'yon. Hindi ako papayag." Protesta ni Ervic. Nasa labas siya ng bahay, sa terrace para hindi siya marinig ni Carlyn. Nasa kwarto kasi ni Nicko si Carlyn at pinapatulog ito.



"Kaya gumawa kana ng paraan para hindi matuloy ang balak ni Dad."



Hindi makahanap ng tyempo si Ervic para sabihin sa asawa ang totoo. Pano nga ba ang magandang tyempo? Walang magandang tyempo kung masamang balita ang ihahatid.



Nasa isang park si Natalie hinihintay ang pagdating ni Ervic. Nang sa wakas ay dumating na din ito.



"You are 30 minutes late." Simangot na sabi ni Natalie.



"Pasensya na pinatulog ko pa kasi si Nicko. Madami pa kasing ginagawa si Carlyn."



Hindi sumagot si Natalie. Halatang naiinis sa mga nangyayari.



"Alam mo namang mahirap para sakin 'to diba? Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag iniwan ko sila. Si Nicko, bata pa siya." Paliwanag ka agad ni Ervic.



"Hindi mo naman papabayaan si Nicko. Magiging Ama ka pa rin naman sa kanya. Kung gusto mo kunin natin siya kay Ate Carlyn."



Napabuntong hininga si Ervic. "Alam mo namang hindi papayag si Carlyn."



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon