IKALABING-TATLONG KAPITULO
Kinilabutan silang lahat matapos marinig ang sinabi ni Smile.
"So confirmed, may multo talaga dito?" nag-aalangan na tanong ni Julius.
"Obvious naman diba?" Inirapan siya ni Diomel.
"May naisip ako." anunsyo ni Julius.
"Malamang, may utak ka eh." pambabara ni Mark Jayson sa kanya.
"Heh! Magspirit of the glass tayo." aya niya.
"Nasisiraan ka na ba? Gusto mong kausapin natin sila?" seryosong tanong ni Jeremiah.
"Yeah! Para malaman natin kung bakit hindi sila matahi-tahimik." sabi ni Julius.
"Oo nga. Tara, Julius." sumang-ayon si Christian John.
Maraming umangal at tumanggi pero sa huli, kahit ayaw o gusto nila, ay napilitan na silang sumali dahil sa pamba-blackmail at pananakot ng dalawa. Namely, Julius and Christian John. Idagdag mo pa si Chanel na tinulungan sila para mas maging convincing ang pananakot nila.
Kumuha sila ng isang cartolina at sinulatan ng letters A-Z, numbers, Yes, No, at Maybe.
Kumuha din sila ng baso na gagamitin nila at ng kandila para maging ilaw nila. Sabi din kasi ni Jona Mae ay kakailanganin nila ito kung magi-spirit of the glass.
Pinatay na ang mga ilaw. Tanging ang kandila nalang ang nagbibigay liwanag sa madilim na kwartong iyon.
"Okay na ang lahat. So, guys, kumalma lang kayo ha. And never ever go out of the circle or scream." paalala ni Chanel. "Also, huwag ninyong ipapahalatang natatakot kayo, dahil lalo lang nila kayong tatakutin."
"Nosebleed." sabi ni Julius at nagtakip pa ng ilong. Ginaya naman siya ni Quincy habang natatawa.
"Lahat ng kamay ipatong sa baso. Walang bibitaw hangga't di ko sinasabi." utos ni Christian John.
Tumango naman silang lahat at sumunod.
"Spirit of the glass, magparamdam ka." pagcha-chant ni Chanel.
Isang matinding katahimikan ang bumalot sa kanila nang walang nangyari.
Natawa si Angelo. "Kita niyo na? Hindi guma-"
Natigilan ang lahat nang gumalaw ang baso.
Walang nagsalita. Lahat sila natigilan dahil sa sobrang gulat at.. takot.
"S-sino ka?" tanong ni Christian John na bumasag sa katahimikan.
Gumalaw ang baso at tumapat ito sa mga letrang C, R, S, T, N, at A.
"Cristina?" paninigurado ni Julius. Kahit kinakabahan at halos mahimatay na siya sa takot ay hindi niya pa rin mapigilang ma-excite kahit papaano. Ang akala niya kasi ay sa mga palabas lang ito nangyayari pero ngayon, he's seeing it with his very own eyes.
Tumapat ang baso sa salitang "Oo".
"Nasaan ka?" tanong ni Smile. Siniko naman siya ng katabi niyang si Marielle na talagang natatakot na.
N-S-T-B-M
"Ano daw?" tanong ni Chanel. Halatang pati ang iba rin ay naguluhan lalo na nang makita nilang natulala si Smile.
"Nasa tabi daw ni Smile si Cristina." sagot ni Mark Jayson na nagpatigil sa lahat.
Napatingin sila kay Smile na nanginginig na sa takot.
"Smile, o-okay ka lang?" tanong ni Fren at Ronalyn sa kanya na katabi niya lang.
Tumango si Smile at tumingin kay Christian John. Na-gets naman ito ni Christian John kaya ipinagpatuloy na niya ang pagtatanong.
"Ikaw lang ba ang nandito?" tanong niya.
"Tama na, please.." iyak nina Andrea at ng iba pang mga babae na matatakutin at kanina pa pinipigilan na sumigaw at tumakbo sa sobrang takot. Yung iba naman ay nanatiling nakayuko na tila ayaw ipakita na natatakot na sila.
"Andrea, guys, kalma. We'll be fine. Okay?" Pilit na ngumiti si Cricel sa mga kaklase na kitang-kita ang takot sa kanilang mga mata.
Bumalik ang tingin nila sa baso nang muli itong gumalaw.
M-D-M-K-M-I
Now, that sent chills to their spine.
+++
Writing this while watching Kris Aquino's Feng Shui? Not a good idea. T.T
Anw, special thanks kay halimaaaw dahil sa ginawa niyang napaka-cool na book cover ng MANSION 49! I'm so happy kasi we just met that day tapos ginawan niya na ako ng book cover without me asking him to! ♥ Ang bait niya, ano? Hihi. Check out his stories, too! Worth it basahin, pramis! I'm currently reading his story, 21315: The Prom and I can say that he's a really good writer. Just give his works a try. ;)
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...