"Huminga ka muna, then kwento na." -Sab.
ISH's Point of View
Emerged. Pano ko ba ikukwento sa kanila?!?! Di ko mapigilan kiligin. Buti nalang wala pa si Prof TBA. Kase naman. Ang tamis tamis ni Robi my lovesssss.
Hinga Ish. Kalma lang. Dapat swabe ang kwento para di mukang tanga.
"Kase nakilala ko to sa fb. Mutual friend namin yung kaklase ko nung highschool si Jenjen. Tapos ayun ilang araw na kaming magkachat. Tapos ayun trip lang namin magkita ngayon. Tapos ayun.." Di ko matuloy. Kinikilig talaga ako. Emegesssshhh. So arte.
"So kayo na sa fb palang o kanina lang? Wala ng ligawang naganap? Pakilala agad sa magulang?" - Eto nanaman mga tanungan ni Ella. Minsan talaga kontrabida to. Okay na eh. Ah basta, masaya ako.
"Kanina lang kami nagkita tapos kami na" Todo ngiti padin ako. Alam ko may violent reaction nanaman mga to e------
PAK!
"Aray Sab ha?!" Nasapo ko nalang yung noo ko. Gasti to a. Masakit kaya yun!
"Gising Krishna Velasco! Di mo pa kilala yan. Taga san daw ba yan? Anong buong pangalan?" Si Sab talaga. Hindi ako tatantanan. Si Shane tahimik lang na nakikinig. Si Ella papindot pindot padin sa cellphone nya. Naglalaro nanaman ata.
"Di ko alam buong pangalan nya. Taga dito din daw sya dati eh. Dun sa Excile Subd. Tapos lumipat sila sa bandang Valenzuela na." Hays. Ano ba tong mga to? Kala mo naman first time ko magkaboyfriend. Kala mo laging first time. Okay, gets ko concern lang sila kase ang bilis ko talagang ma-fall.
"Excile Subdivision?" Wow. Welcome back Ella. Nakijoin narin sya sa pagtatanong. Nilapag ang cellphone. Tss. Prof TBA. Yohoooo. Paging to Prof TBA. I need you nawwwwww.
ELLA's POV
Excile Subdivision daw? Tapos lumipat daw?
Baka naman coincidence lang. Iilan lang ang nakatira sa subdivision na yun pero marami nadin ang lumipat. Hindi naman nag-iisang naglipat bahay si Bryan. At san na nga pala lumipat yung hinayupak na yun?!
"Good Afternoon Class!" Wow si Prof TBA. Chicks pala ^_____________^
Chicks? Yeah parang ang bata ng prof na to. At wait, naidentify ko agad na chicks sya. Hala Ella. Ilang taon ka ng walang boyfriend. Baka senyales na yan na natitibo ka na?!
CHE! Tong konsensya ko medyo masarap kotongan eh. Tama kayo. Dalawa kaming naglalaban sa katawan ko. Isang mean na Cinderella. Isang MAS mean na Cinderella. Never din kaming nagkasundo. (Padala na sa Mental yan. HOOOOO!)
"I'm Prof Anne Weisz. I'll be your professor in Math 403". Nakangiti nyang bati gamit ang Hey-my-lipstick-is-beautiful-isn't-it smile nya. Anong brand kaya nya? Hindi ako tibo. Interesado ako sa lipstick.
May mga tibong nagdadamit babae ah - Ella #1
Shatdapakap! - Ella#2
"So what do you expect in my subject? What do you think we're going to do?" Nagsimula na syang maglakas sa aisle. Mukang magtuturo to a?
Wag mo na syang titigan Ella. Wala kang isasagot. Wala ka sa mood sumagot.
"Miss. What's your surname?"
Howlikawwwww!
"Rodriguez, Mam." Nyetabels. I did my best to avoid her eyes. Di parin sapat <//3 (Practice lang haha)
"So?" - Sya.
Anong sino-so so nito? Ang nonsense naman kase ng tanong. Math to edi malamang ---
"We're going to compute numbers." WHATTTTTT? Parang kaboses ko yung sumagot? Kanino galing yun?
*tingin sa paligid...*
Bat lahat sila nanlalaki yung mata?!
"Nice answer. Ofcourse we are going to compute numbers." Nakasimangot na sya sakin.
Ako ba yung sumagot?! Tang&@W^#&*@^#! Yari ako. Baka pag initan ako nito buong sem?!!!
Minsan talaga dapat lagyan ng filter yung bunganga ko eh. Para pag nakakahiya yung sasabihin ko, walang boses na lalabas. Arghhhh. Kung kelang fourth year na mukang ngayon pa ko magkakaproblema.
Anyway. Natapos naman kami sa nonsense na tanungan for almost an hour. First meeting kaya kinuha lang nya yung classcard namin at nagpaalam na.
Phewwww! Buti hindi nya ko pinahiya pa. Muntanga talaga. Nakakahiya. Sabagay. Di nya na ko kelangan ipahiya, ako na nagpahiya sa sagot kong pang tanga.
"Sira ka talaga Cinderella. HAHAHAHAHAHA" Yes all caps. Kase sobrang halakhak yung ginawa ni Ish. Lahat din natatawa sakin.
Yumuko nalang ako. AYKENTPEYS-IT! Sobrang kahihiyan lang naman kase.
"Alis na ko girls. Magkikita kami ulit ni My Loves Robi ko eh, hihihihihi" Paalam ni Ish. Nagkita lang kanina, kita ulit? Aba. Medyo maharot ah?
"Yeah right. Namiss agad namin isa't isa." Sabay kindat pa nya at bineso nalang kami. Sibat agad.
Mali sya ng basa sa iniisip ko. Hindi ko iniisip na namiss agad nila ang isa't-isa. Ang harot nila. Hindi ako naroromantikan sa set up nila eh. Parang ang bilis kase. Minute to win it lang?!
May halos dalawang oras pa ako.
"Wala tayong magagawa dyan. Pag in love si Ish, in love sya. Suportahan nalang natin." Nakangiting sabi ni Sab. Nagawa nya pang ngumiti? Sabagay, nakakarelate sya. In love din ang bruha eh XD
"Tatanda nyo na eh, ge. Bili tayong buko shake."- ako
"Malamig nanaman?" - Shane
"Kontra nanaman?" - Ako
"Magpipilit nanaman?" - Shane
"Oo maganda ako eh" - Ako (Well, I know. Feeling ako haha)
"Mas maganda ako eh." - Shane
"Matulog ka para magkaitsura ka." - Ako
"May itsura na ako FYI." - Shane
"Medyo masakit sa mata yung itsura mo. FYI" - Ako
>___> - Ako
<__________< - Shane
"Gusto ko mango shake." - Sab ^______________________^
Saming magbabarkada, sya talaga yung referee. Buti nalang, kundi baka nag boxing na kami ni Shane dito sa corridor.
Pag uwi ko ng bahay, naabutan kong nagbabasa si Beast ng magazine na Elite Spotted. Dahan dahan akong lumapit sabay hablot nun.
"Cinderella! Epal ka talaga!" Sigaw nya. Tumayo sya para bawiin yung binabasa nya. Mabilis akong nakalayo at tiningnan yung lalaki sa cover.
"Napaka ungentleman mo talaga. Kung ako nililigawan mo, basted ka sakin!" Seryoso kong sabi na hindi tumitingin sa kanya. Napatitig ako sa lalaking nasa cover.
"Asa ka namang liligawan kita kung ibang lalaki ako. Di kita type. Asa" Singhal nyang sagot. Lumapit nanaman sya sakin. Hindi na ako sumagot.
One of the most eligible bachelor of the century, Adam Morgenstern...
Ang gwapo naman nito. Medyo blue yung mata. Contact lens? Or parang totoo. Siguro may lahi to. German sheperd? Este foreigner? Pero gwapo talaga. Itsurang mayaman. Black suit at plain white shirt lang yung suot nya sa picture pero ang wapo. Hindi din naman nakangiti pero may something sa appearance nya sa picture na masarap titigan.
Successful na nakalapit sakin si Beast. Hinablot nya yung magazine sabay titig ng masama. Hindi ko na kinuha. Nakakatulala. Parang kahit wala na yung magazine sa harap ko, parang nakikita ko padin yung mukha nya.
Adam Morgenstern. Bakit ganun? Hindi naman to yung first time na nakakita ako ng gwapo pero parang biglang bumagal ikot ng mundo para sakin? Pakiramdam ko na hypnotize ako. Pagod lang siguro ako.
BINABASA MO ANG
My Unfairytale Life
RomansDi ba dapat kung kanino ka ipinangalan, halos kapareho mo din ng ugali at kapalaran yun? Medyo kabaliktaran lang naman kase yung kay Cinderella o 'Ella'. Sobrang irony. Adventurous at napakatapang nyang nilalang. Sa panaginip. Pero sa totoong buhay...