Andito ako ngayon sa park, napapasyal lang naman ako. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Ganito lang talaga ako malungkot lang ang buhay ko lalo na't mag-isa lang ako dito sa Maynila,samantalang nasa Bulacan ang mga magulang at isa kong kapatid na babae. Bale, sa isang condo unit ako nakatira.
Dito na kasi ako nagtratrabaho sa sariling clothing line ni mama at ako lang ang pinapunta niya dito para mag-asikaso.
Andito lang naman ako naglalakad-lakad..habang narerealize na ang boring ng buhay ko, wala man lang akong love life.
Marami nga akong manliligaw dati pero ni hindi ko sila inentertain dahil umaasa ako sayo, Carlo.
At kung kailan handa na akong mag move on, saka nagsiwalaan ang mga admirers ko.. So ano? mag-isa nalang ba talaga ako habang buhay? Hayss ano ba yan.. Ang loner ko.
Kasalanan mo ito eh.. Bakit ba kasi hinintay pa kita? Bakit kasi umasa pa akong magugustuhan mo rin ako? Eh alam ko namang malabong magkagusto ka sa akin dahil isang dakilang friend lang naman ako para sa iyo..
Naaalala nanaman kita, Carlo..ikaw lang naman ang kaibigan ko noong college pero sa kasamaang palad ay nahulog ako sayo ng grabe, sobra..very deep..hayyss.
At alam mo yon dahil 1 week bago ang graduation natin ay umamin ako sayo..
Sad to say, pero may mahal ka na palang iba..
Pagkatapos nun ay wala na tayong communication sa isa't-isa..nasayang lang ang friendship natin..bakit kasi hindi mo ako mapansin-pansin? Lagi naman akong nandito sa tabi mo.
Balita ko pumunta ka ng New york after ng graduation natin..dahil doon mo napiling mag work at sigurado akong dahil din yon sa childhood friend mo na mahal mo rin..
Hindi ko makakalimutan yun..kaya alam kong baka kayo na ngayon nung kababata mong yun..Baka nga kasal na kayo eh.
Alam mo bang umiyak ako ng sinabi mong.. "Krizzia, excited na akong pumunta ng NY makikita ko na ang magiging asawa ko!!"..
Umiyak ako ng hindi mo nalalaman dahil nag walk out ako nun..bakit nga ba hindi mo ako sinundan? Ay, siguro dahil excited ka na para sa pag-alis mo next year..kaya wala na ako para sayo.