Chapter 3

61 2 1
                                    


I love you

Hindi ko pa rin maialis sa aking isipan ang nangyari kanina. 

"Tara na!" Hinila ako ni Miguel palabas ng gym. Hawak hawak niya ang kamay ko.

Nang makalabas kami ng gym ay may iilan akong kakilala na nakakita sa amin. Bigla naman akong nailang. Ano kayang iisipin nila? 

Ngunit parang walang nakita si Miguel at patuloy pa rin ang paglalakad niya patungong Gate 3.

Pilit kong hinihila ang kamay ko upang makakalas sa pagkakahawak niya rito ngunit mas lalo niya lamang hinihigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Migs, si mama? At di rin ako nakapag-paalam kay papa. Hindi pa dismissal ni Julia ngayon," sambit ko sa kanya.

"Na text ko na si Tita Phine na pupunta ako ngayon malamang naipag-paalam niya na rin yata kay Tito Vin," sagot niya.

"Ah ganun ba? Okay," Naiilang ko namang sagot sa kanya. Tiningnan ko naman siya sa mga mata niya at kumikislap ang medyo brown niyang mata. Masaya yata siya ah?

Lumagpas ang tingin ko sa likod niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang patungo sa aming kinaroroonan ngayon.

Si Mrs. Dara! Principal namin! Ka batch siya ni mama at matalik silang magkaibigan!

Nagpumiglas na ako sa pagkakahawak sa akin ni Miguel. Ngunit ang tigas pa rin ng ulo niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. 

Nag pa-panic na ako dahil palapit na si Mrs. Dara! Nakababa ang mga mata nito sa papel na kanyang hinahawakan. 

Nilingon ni Miguel kung sino ang tinitingnan ko at nanlaki rin ang mata niya. Sa wakas! Naintindihan niya rin! 

I mentally cursed nang hindi niya pa binitawan ang kamay ko. Patuloy siya sa paghawak nito. Wala na akong ginawa kundi itinaas ko ang kaliwang kamay ko at sinampal ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko. 

"Migs! Ano ba!" Mahinang sigaw ko sa kanya at binitawan niya naman ang kamay ko. Sakto namang pagdaan ni Mrs. Dara sa amin.

"Hello Ms. Alejandre," bati sa akin ni Mrs. Dara.

"Good afternoon po Mrs. Dara," Nagmano ako sa kanya.

"O? Who's this young man beside you? Wag mong sabihing boyfriend mo to?" Tiningnan niya sa kanyang mga mapanuring mata si Miguel. KInabahan naman ako bigla. Naghintay ako sa pagbawi niya sa kanyang sinabi ngunit wala. Naghintay ako ng pagtawa ngunit wala rin. 

Alam niya? Shit! I'm doomed!

"Good afternoon din po Mrs. Dara!" Binasag ni Miguel ang awkward na moment na yun at siya na ang sumagot sa tanong ni Mrs. Dara.

"Magkaibigan lang po kami ni Za miss. Close po ang family namin," Ngiti ni Miguel.

Di ko naman alam kung bakit kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Stupid Ryza! That is the right answer! Anong gusto mong mangyari ipaglandakan na may something kayo? Ikaw nga tong nagtatago eh!

"Ah ganun ba, akala ko pa naman," She made this mataas-ang-tingin-ko-sayo-Ryza-so-don't-fail-me look kaya napalunok ako.

"Sige mauna na ako, mag ingat kayo," At naglakad na papalayo si Mrs. Dara.

Handa na sana akong i-confront si Miguel at pagsabihan siya na muntikan na kami doon ng makita ko ang mukha niyang nakababa.

"Ang sakit pala Za no? Ang sakit pala pag nagpanggap ang taong mahal mo na parang wala ka lang sa kanya. Maiintindihan ko pa sana yun kung dine-ny mo ko dahil alam kong may pinoprotektahan kang image pero wala eh. Nanahimik ka lang Za. Hinayaan mo lang ako. Wala kang ginawa," Sumbat niya sa akin.

StuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon