Elle's POV
Kakatapos ko lang maligo at heto ako ngayon sinusuot ang uniform ko. Then I heard a knock on my door.
"Ne?" Ako
"Eonnie, breakfast is ready." Sabi ni Ellaine mula sa labas.
"Arasso. Susunod ako." Sabi ko habang binubutones ang long sleeves ko. Pagkatapos ko ay sinuot ko na ang vest ko.
"Keurae." Sabi niya. Nakarinig ako ng mga yabag na humihina. Baka bumaba na siya.
Sinuot ko na ang knee-length socks ko at umupo sa vanity para magsuklay. Masyadong mahaba kasi ang buhok ko kaya it takes time para masuklay ko 'to ng maayos. I really love my hair. Black-colored at hanggang sa bewang ang haba. Nang matapos na akong magsuklay ay kinuha ko na ang backpack ko at bumaba na.
Umupo na ako sa dining table at kumain na kaming tatlo. Habang kumakain ay di naiwasang magtanong ni Andrea ng tungkol sa pinag uusapan namin kagabi ng mga bff ko.
"Eonnie. Sino yung pinag-uusapan niyo kagabi?" Tanong ni Andrea kaya naudlot ang pagsubo ko. Bigla namang napatigil si Ellaine at napatingin sa akin. Eto ang problema sa mga kapatid ko eh. Masyadong mausisa. Di nagtagal ay tumingin na din sa akin si Andrea.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Ah, yung kagabi ba? Wala yun. 'Wag niyo nang isipin yun." Sabi ko sa kanila sabay saka isinubo ang naudlot kong pagsubo kanina. Tinignan ko silang dalawa. Nakatingin pa rin sila sa akin.
I heaved a sigh. Di talaga ako makakawala sa dalawang 'to. Parang si Detective Conan kung makapag-imbistiga eh.
"Fine. Ganito kasi yun. Kahapon pagkatapos ng klase namin ay dumaan kami sa Serenitea tapos nung makaupo na kami ay hinanap ko yung ipod na binigay ni Mom sa akin pero wala siya sa bag ko wala din sa bulsa ko. Tapos bigla na lang may sumulpot na lalaking naka-disguise sa harap namin at binalik sa akin ang ipod ko. Siguro nahulog on the way sa Serenitea tapos siya ang nakapulot. Tsaka pinasalamatan ko siya." Pag-eexplain ko sa kanila. Himala na tahimik silang nakikinig sa akin ngayon. Usually kasi maingay sila eh tsaka hindi nakikinig sa akin. Makukulit eh.
"Tapos?" Tanong ni Andrea. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong, tapos?" Tanong ko pabalik sa kanya. She rolled her eyes. Suplada talaga kahit kailan.
"Come on Eonnie. We know there's something else." Ismid ni Ellaine. I rolled my eyes. Ugh. Nakakainis talaga minsan ang mga kapatid ko. Promise.
"He wants me to be his girl." Inis kong saad habang nakatingin sa gilid.
"Uy! May love life na si Eonnie! Chukhahae!" Baliw talaga 'tong si Andrea. Paano ko nga naging kapatid 'to?
"Sa wakas, di na din bitter si Eonnie." Natatawang sabi ni Ellaine at nag-apir pa silang dalawa.
"Grabe kayo. Hindi ako pumayag sa gusto niya noh. Tsaka kung makapagsalita kayo parang may mga jowa kayo ah." Sabi ko sa kanila. O ano kayo ngayon?
"May jowa po ako Eonnie." Sabay nilang sabi na may halong pang-iinis.
"Bwo?!" I asked with wide eyes. They just shrugged their shoulders.
"Since when? Tsaka sino?" Pasigaw kong tanong.
"Secret." Sabay na naman nilang sagot.
"Hoy kayong dalawa, kambal ba kayo?" Tanong ko ulit sa kanila. Sabay din silang umiling. Wow. Di daw sila kambal. Umiling-iling na lang ako at bumalik sa pagkain. Dito sa bahay ako palagi ang nagluluto pero pag wala ako si Andrea ang pumapalit sa akin. Si Ellaine naman magaling sa paglilinis. Mabilis 'yan maglinis.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
De TodoElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...