Sa Bakery

737 49 31
                                    

Written by Diorwene Sapico
⚫⚫⚫






          “Ate, pabili nga po.” sabi ko sa babaeng nagtitinda rito sa bakery.

          “Ano?”

          “Spanish bread nga po.” sagot ko. “ah, sampung piraso ho pala." pahabol ko. Ibinigay ko kaagad sa babae 'yung pera pagkatapos niyang ibigay sa akin 'yung tinapay. Paalis na sana ako ng bakery nang harangin ako ng isang batang pulubi. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya na akala mo'y nag-aadik. Pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

          Kinapa ko ang bulsa ko at mabuti na lamang at may bente pesos pa ako. Agad ko iyong ibinigay sa kaniya. Kumaripas kaagad siya ng takbo at hindi na nagpasalamat. Napailing na lamang ako.

          Dahil sa naibigay ko na ang bente kong pang pamasahe sana sa dyip, wala akong magagawa kung 'di ang maglakad nalang pauwi. Medyo malayo pa naman ang bahay namin sa bakery na ito. Habang naglalakad, nakasalubong ko 'yung batang nanghingi sa akin ng pera kanina. Nagmamadali siya at namumula talaga 'yung mga mata niya, halata rin ang sobrang kapayatan nito. Napakunot nalang ako at hinabol siya ng tingin. Nakita ko siyang pumunta sa malaking tindahan ng mga appliances ng mga spare parts ng sasakyan. Hindi na ako nag abala pa at kaagad akong naglakad paalis dahil ang init nadin.

          Kinabukasan, inutusan na naman ako ni Mama na bumili ng tinapay sa suki kong bakery. Sa pagkakataong ito marami na ang pinabibili niyang tinapay dahil bertday ng kapatid kong bunso. Kahit tinatamad akong umalis ng bahay ay sinunod ko parin ang utos ni Mama.

          Pagkababa na pagkababa ng dyip ay kaagad akong nagtatakbo papuntang bakery, sobrang init ng panahon ngayon at hindi ako nakapagdala ng payong.

          “Ate pabili nga po.”

          “Ano?”

          “Ito po. Tas ito, ito pa. Tig bebente po sila. Tapos tatlong loaf nadin.” pinagtuturo ko lahat ng kailangan kong bilhin 'dun sa babae. Dahil mukhang mamaya pa siya matatapos, lumabas muna ako sa labas ng bakery at mukha yatang mahihimatay ako rito sa loob. Madami rin kasing nabili.

          “Ito na 'neng!” pagtawag sa akin 'nung babaeng nagtitinda. Pumasok kaagad ako sa loob ng bakery para magbayad.

          “Magkano ho?” pagtatanong ko.

          “190 neng.”

          “Ito po.” sabi ko sabay abot ng bayad. Dalawang daang piso ang dala ko kaya may sukli pa akong sampu. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bakery may lumapit sa akin na pulubi.

          “Ikaw na naman bata?" gulat kong sabi. Napaisip ako dahil sampo nalang 'yung nasasakin. Maglalakad na naman ako kapag ibinigay ko sa kaniya 'yun.

          “Pwedeng ito nalang?” ipinakita ko sa kanya ang dala kong tinapay. Laking pagtataka ko ng umiling-iling siya.

          “Ha? Ito nalang oh, wala kasi akong pera." sabi ko sa kaniya. At pilit kong ibinigay sa kaniya ang isang plastic ng loaf na tinapay. Pero hindi niya iyon tinanggap at nagtatakbo nalang paalis. Dinampot ko ang tinapay na nahulog sa lapag at nagtatakang sumakay nalang ng dyip pauwi.

          Halos isang linggo narin na hindi ako nakakabili ng tinapay sa bakery. Namimiss ko naring kumain ng tinapay. Nagpaalam ako kay Mama na aalis muna at bibili ng tinapay at pinayagan naman niya ko. Bago ako umalis ipinadala sa akin ni Mama ang sapatos ng nakababata kong kapatid para ipatahi sa bayan.

Sa BakeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon