3000 Words To Express

123 5 9
                                    

~ ~

The Longer you wait for something, The more you'll appreciate it when you get it. Cause anything worth having, is definitely worth waiting.

It's hard to express our true feeling to them, Right? Na-express mo na ba 'yung feelings mo kapag umamin ka na? Na-express mo na ba 'yung feelings mo pag nagbigay ka na ng mutibo sa kaniya?

Doon tayo mahina... sa page-express ng feelings natin sa kanila. Bakit? Marami kasi tayong kinakatakutan. At ang pinaka-unang nangingibabaw ay... REJECTION. Hindi naman natin maiiwasang isipin 'yon Hindi ba? (Dibale na lang kung mahangin ka lang talaga xD)

Once upon a time... I fell in love with someone. I confessed then got Rejected. THE END. Ganda nung kwento no? But the truth is? Masakit... Tama?

"I LOVE YOU"

Hindi ako naniniwala na sa three words na 'yan, mae-express mo na 'yung feelings mo para sa kaniya. Kasi ang salitang "I LOVE YOU", marami pang katuloy 'yan. Huwag kang aangal, pananaw ko 'to

I am the kind of person na... madaling magpadala, madaling mahulog, madaling magkagusto. Kaya madali ring masaktan pero nahihirapang mag-move on. Paano? Pinipilit kasi ang sarili eh. Kasi nga, The more na pilitin mo ang sarili mong mag-move on, the more na ayaw mo siyang bitawan. There's time to heal, kaya nga may tamang panahon, hindi ba?

'Payagan mo na!'

'Umamin ka na kasi!'

'Sagutin mo na!'

'Gusto ka rin naman kasi niya, Ano ba?!'

Marami pa silang sinasabi sa akin, at si Tanga... nadala. Psh.

Payagan ko na? Tapos ano? Masasaktan ko rin sa huli?

Umamin na kasi? Tapos Rejection din lang abot ko?

Sagutin ko na? Kahit na hindi ko pa naa-assure kung may feelings ba talaga ako sa kaniya?

Gusto niya rin ako? Tapos in the end... ano? Umasa lang pala ako?

Nagawa ko na 'yang mga 'yan. Bakit? Hindi pa kasi nagpapakita si The One eh, kaya sinubukan ko. Pero ang laki ng damage niyan sa akin, at sa iba.

One more thing, Sabi nila... masaya daw magka-gusto sa bestfriend? Nasubukan ko na rin 'yan. Anong nangyari? NASAKTAN.

Hindi lang 'yun, NAWALAN pa.

Ilang beses ko nang nasubukang umamin. 'Yung tipong...

'Aamin na lang ako, wala namang mawawala eh.'

Pero meron rin pala. Maraming magbabago sa walangyang pag-amin na 'yan.

Tapos ano? Nasa huli ang pagsisisi? 'Yan tayo eh... Give and take. Pero masasaktan ka? Iiyak ka? Mahihirapan ka? Magbibigay ka tapos 'yan lang ang makukuha mo?

Kung sa bagay, pagdating naman sa pagmamahal... lahat tayo nagiging tanga eh. Kasi pag mahal natin, gagawin natin lahat . Tama?

Kahit na masakit, kumakapit pa rin tayo. Kahit na mahirap na... pinipilit pa rin natin 'yung sarili nating maging matatag. Pero alam niyo? It's better to let go than to hold on. Mas malaki kasi ang damage ng nanghahawak kaysa sa bumitaw.

Mas mahirap mag-let go? Huwag kang tanga. Huwag kang kumapit sa taong hindi mo naman dapat pang panghawakan pa.

Bakit ba tayo hinahayaan ng Diyos na masaktan? isa lang ang dahilan. Inilalayo niya sa atin 'yung taong hindi naman nararapat na manatili ng matagal sa buhay natin.

3000 Words To ExpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon