HYERIM
*JUPITER, 5:41 PM*
Nakatingin lamang ako sa malagintong kalangitan.Katahimikan ang bumabalot sa kapaligiran na kanina lamang ay puno ng hagikgikan at tawanan ng mga bata.
Unti-unti na ring dumidilim pero sapat na ang binibigay na liwanag ng 21 buwan upang makita ko ang kapaligiran.
Biglang pumainlang ang malakas na hangin dahilan para matangay ang pula kong buhok na abot na hanggang bewang.Napupunta na nga ang buhok ko sa aking mukha, agad ko naman itong inaayos, sayang kasi ang magandang tanawin.
Tumayo ako at naglakad, dinama ko ang mga damo na kumikiliti sa mga paa ko sa tuwing ako ay hahakbang.
Nagpunta naman ako sa mga makukulay na bulaklak at pinagmasdan ang mga ito isa-isa.Pumitas ako ng isa at nilagay ito mismo sa aking tenga.
Naglakad pa ulit ako, at narating ko ang isang lawa.Inilibot ko ang tingin ko sa lawa, malawak ang sakop nito at maihahalintulad ang tubig nito sa kristal, napakalinis.
Napagdesisyunan ko ng umalis at nagpatuloy sa paglalakad, pero parang kakaiba na ang dating ng lugar na ito.
Kung kanina ay puno ng magagandang tanawin, ito naman ang kabaliktaran nun.Madilim; ang mga puno ay tila may mga mukha at masamang nakatingin sa akin.Mapapansin mo rin na ang mga halaman dito ay patay.
Nang malampasan ko na ang nakakatakot na lugar na iyon ay narating ko naman ang isang matandang puno na may pintuan.
Naikwento na sa akin ng lola ko ito, ito ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.Ito na lamang ang natitira naming koneksyon sa mga tao.
Bata pa lamang ako ay gusto ko na talaga maranasan kung paano mamuhay ang mga tao.Kung paano maglaro ang mga batang tao, kung paano sila mag-isip, lahat ba sila mababait, maganda ba ang mga tirahan nila doon, masaya ba talaga sa kanila.
Laging bumabagabag ang katanungan na ito sa akin kaya sinabi ko ito agad sa aking mga magulang.Tinanong ko rin kung pwedeng doon na lang ako manirahan pero marahan naman silang tumanggi.
Lubusan akong nagalit sa kanila noon at ngayon ngang wala na sila, malaya na akong gawin kung anong gusto kong gawin.
Wala akong tirahan kaya patuloy lang ang paglalakbay ko at pagtingin sa mga magagandang tanawin.
Wala rin akong mga kaibigan, 'di ko nga naranasang may kalaro ako.Natuto akong mamuhay na ako lang mag-isa at ipagtanggol ang sarili sa mga kaaway.
Pinagmasdan ko ang puno at marahang lumapit dito.Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, titingnan ko lang naman ang mundo ng mga tao tapos babalik na ako ulit dito.
Nagdadalawang isip pa ako pero napagdesisyunan ko rin pihitin ang doorknob.Pagkabukas ko, liwanag ang bumungad sa akin pagkatapos naman ay nilamon na nga ako ng kadiliman.
*Earth; Manila, Philippines*
Pagkamulat ko ng aking mga mata, sumalubong agad sa akin ang kakaibang ingay..
*beep beep*
"Hoy miss, umalis ka nga diyan sa kalsada kasi marami ka nang naiistorbo, pero kung balak mo magpakamatay, sa ibang lugar ka pumunta huwag dito...Tsssk."
Agad naman akong tumabi sa gilid at pinaharurot na nung lalaki yung... yung...Yaaaaaah....Ano ba yun????KINAIN NG MONSTER YUNG LALAKE....

BINABASA MO ANG
"My Love from another Planet"
FanfictionThis book is work of fiction. Any references to historical event, real people, real events are use factiously.Other names, characters, places, and incidents are products of authors imagination and any resemblance to actual events, locals or persons...