II. II - Magkapares

16 1 2
                                    

Hindi inaasahan ang nangyari,
pagkat ang dalawa'y kailangang maging magkatabi.
Ang guro na ang siyang nagsabi,
Dahil kailangang tapusin ang aralin na hindi dapat isantabi.

Ang pangyayaring ito'y ikinabigla ng dalawa,
Ano nga bang mangyayari sa kanilang gawa?
Mahihirapan nga ba sila,
Dahil sa nakaraang 'di pa nakakalimutan ng isa't isa?

Kathryn's POV

Ang hirap ng sitwasyong ito,
Magagawa ba namin ito ng husto?
Ni-wala nga saming nakibo,
Mayroon bang mapapala dito?

Ganito ba talaga ang naging resulta,
Nang nangyari sa pagitan naming dalawa?
Gusto ko siyang tanungin at hampasin,
Pagkat di niya alam ang sakit na binigay niya sa'kin.

"Gawin na natin ito nang matapos na tayo."

Ganun na ba kadali sa kaniya,
O ako lang ba talaga 'tong apektado ng sobra?
Siguro'y wala na talaga ako sa kaniya,
Kaya ganoon kadali sa kaniyang magbanggit ng salita.

Nathan's POV

Iniisip niya sigurong nakalimutan ko na,
Ang mga bagay na ginawa ko sa kaniya.
May naibanggit man akong mga salita,
Hindi naman ibig sabihin non ay nakalimutan ko na siya.

Alam kong nahihirapan na siya,
Kaya nga gusto ko nang tapusin itong ginagawa.
Pero sadyang naapektuhan kami ng sobra,
Kaya siguro ang hirap gumawa.

"Tapusin na natin ito, katulad nga ng sinabi mo."

Ayan nag-salita na siya,
Halata sa kaniyang nahihirapan siya.
Pautal-utal na pag-sabi,
Ano pa bang magagawa ko kundi'y sundin at mga damdami'y kailangang isantabi.

Nagkakailangan man ang dalawa,
Kanila'y sinimulan na ang nakatakdang gawa.
Balik sila sa dati,
Walang imik kahit magkatabi.

Dumating na ang hapon at kailangan nang umalis,
Ang dalawa'y di tumitigil at walang planong umalis.

Di naman inaaasahan,
Ang pagdating ng babaeng 'di talaga maiiwasan.

Nakuha nito ang atensyon ng dalawa,
Na napatigil sa kanilang mga ginagawa.
Kilala siya nang dalawa,
Na siguradong hindi nag-dulot ng tuwa.

Kathryn's POV

Kilala ko kung sino ang babaeng nasa harap namin,
At sa totoo lang 'di ko siya nagugustuhan aking aaminin.
Alam kong siya na ang bago,
At ang sakit ay pinipilit ko namang itago.

"Mauna kana, matatapos na naman ito kaya sumama kana."

Mahirap talagang sabihin,
Alanganin namang aki'y aminin.
Ang matagal ng tinatagong damdamin,
Baka magdulot lang ng gulo kung iisipin.

Nathan's POV

Ang kaniyang mga sinabi ay kinagulat ko talaga,
'Di inaasahang iyo'y sasabihin niya.
Wala naman akong magawa,
Kundi'y sundin siya dahil baka iyon ay kaniyang ikatuwa.

Masakit talagang isipin,
Dahil may mga bagay talaga na hindi na kayang pabalikin.
Hindi ba pwedeng pilitin,
Dahil parehas naman ang kanilang mga damdamin?

Author's note:
:: Na-update ko na oy! CatXWoman

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula Chronicles: Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon