Chapter 32 pt. I (New Beginning)

130 8 0
                                    

Rain's POV


"LIA! UGH! BWISIT NAMAN OH!" sigaw ko.


"Rain, anak? Ano bang sinisigaw mo dyan?" tanong sa akin ni Mama pagkapasok niya ng kwarto ko.


"Tignan mo po yung ginawa ni Lia! Kinalat niya lahat ng damit ko! Mama, malalate na ako! Ano bang problema ni Lia?!" naiinis kong sabi habang inaayos yung mga damit ko. Hindi ko talaga maintindihan yung batang 'yon! Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit niya sa akin. Hindi ko naman siya inaaway e. Minsan lang hehe.


"Naku, pagpasensyahan mo na. Baka may problema lang," paliwanag ni Mama pero may something akong naramdaman sa mga sinabi niya. Hindi ko na lang pinansin dahil malalate na talaga ako.


"Lagot siya sa akin mamaya pag-uwi ko!" sigaw ko pa.


"O siya sige. Maligo ka na. Ako na ang mag-aayos nito, Rain" sabi ni Mama.


Bigla namang lumambot yung puso ko. Bakit ba sobrang bait ni Mama? Kahit hindi niya ako tunay na anak, damang dama ko yung pagiging Nanay niya sa akin. Gusto ko pa rin naman malaman kung sino ang mga magulang ko pero....kuntento na rin kasi ako sa pagmamahal ni Mama Evelyn kaya naman kahit papaano, okay lang ako.


Tumakbo ako papalapit kay Mama at niyakap siya sa likod habang nag-aayos siya ng mga damit ko.


"Love you, Ma!" sabi ko sa kanya.


"Ikaw talaga...mahal din kita, anak" sagot niya sa akin kaya naman mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya.


Kakalas na sana ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero may nakita akong photo album na nakasama sa mga damit ko. Kanino 'to?


Bago ko pa man makuha yung photo album, pinigilan na ako ni Mama.


"Bakit Ma? Patingin ako!"


"Huwag na, anak. Malalate ka na,"


"Eh? May photo album pala sa lalagyan ko ng damit? Sa akin po ba 'yan? Noong bata ako? Patingin ako, Ma!" pagpilit ko sa kanya habang patuloy na inaabot yung photo album mula sa mga kamay ni Mama.


Biglang nagbago ang expression ni Mama at tumaas nang konti ang boses niya. "Hindi pwede, Rain. Sa akin ito. Matagal ko na 'tong hinahanap. Huwag ka nang makulit!"


"Pero Ma---"


"Tumigil ka na nga, Rain! Pag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede. Naiintindihan mo ba?!" sabi pa ni Mama.


Nagulat ako sa kanya. Pinapagalitan niya ako pero hindi katulad nang ganito. Nang dahil lang sa photo album na 'yon? Magsasalita pa sana ako pero naisip ko baka nga hindi ko na dapat pakialaman pa ang bagay na 'yon. Bakit ba kasi ang kulit ko?

YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon