Chapter Twelve: Bambam's Fate

5 1 0
                                    

Chapter Twelve: Bambam's Fate

Naiwan sina Junior, Jackson, Yugyeom at Youngjae habang pinagmamasdan ang magkapatid na sina Carmela at Shy..

"Hoy Yugyeom!" bulalas ni Junior.."Hindi kami bingi ah?!!"

"Oo nga! Oo nga!" sigaw ni Youngjae.."Ano ba yung tungkol sa hula?"

Napabuntong hininga na lamang si Yugyeom.."Etoh kasing si Bambam may nagawa daw kalokohan nung bata pa siya sa isang matandang manghuhula sa Thailand na marunong din daw magsumpa.. Kaya sinumpa siya nito na mamamatay ang una at huli niyang iibigin.. AT NANGYARI NGA!"

Nagkatinginan ang tatlong ungas na halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Yugyeom..

"Nakakakilabot naman?!!" bulalas ni Jackson.."Hindi ako naniniwala sa mga ganyan pero.."

"Pero nangyari nga toh kay Bambam?!!" bulalas ni Youngjae at napatango na lamang sila.

..
...

"AAAAAAHHHH!!!!"

Napalingon ang tatlo sa biglang sumisigaw na si Carmela!

"AYOKO NA!!" hiyaw ni Carmela na nakahawak sa ulo.."UMALIS KA NA SA KATAWAN KO!!"

"Labanan mo siya ate.." sambit ni Shy.
"WAAAAAAHHH!!" paulit-ulit na sigaw ni Carmela na tila nahihirapan na.

"Kaya mo yan ate!" sambit ni Shy.

"KAYA MO YAN!!" sigaw ni Junior at sumabay na rin sakanya ang iba pa.

"KAYA MO YAN!!"

"AAAAAAAHHHHHHHH!!"

BIGLANG NAWALAN NG MALAY SI CARMELA!

"MISS!" sigaw ni Jackson at dali-dali nilang nilapitan ang babae.

"Ang galing mo ate.." nakangiting sambit ni Shy na bigla na lamang naglaho!

"TEKA?? Nasan' na yung bata?!!" gulat na bulalas ni Junior at nagkatinginan silang.

"GHOST NGA!!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa labas ng bahay kubo..

Nakasandal si Fuma sa isang malaking puno habang nakasandal naman sa kanyang balikat ang wala pa ring malay na si Mark..

"Ano na kayang nangyayari sa kanilang lahat??.." nag-aalalang sambit ni Fuma.

Nang biglang gumalaw ang ulo ni Mark..

"Mark??!.." bulalas ni Fuma.."Salamat sa diyos at nagkamalay ka na!"

"Anong nangyari??.." sambit ni Mark na napahawak sa ulo.

"Niligtas tayo ni Bambam.." sagot ni Fuma.

"Nasan' na siya??" nagtatakang tanong ni Mark na nilibot ang tingin.."Nasan' na rin si Serelina?? Ayos lang ba siya??!"

Napatango na lamang ang dalaga.."Ayos lang si Serelina pero sinundan niya kasi si Bambam na mukhang nagmamadali.."

"Bakit?? May nangyari ba?!"

"Ang sabi niya, ililigtas niya daw si Jhanna.." seryosong sagot ni Fuma't nagkatinginan na lamang ang dalawa.

"Ano kayang nangyari kay Jhanna??" nag-aalalang sambit ni Mark na biglang natigilan.."Teka?? Nasan' si Carmela??"

"Hindi pa rin siya bumabalik hanggang ngayon.." sagot ni Fuma't biglang tumayo si Mark.

"Ang mabuti pa, umalis na tayo dito habang hindi pa siya bumabalik.." sambit ni Mark sabay alalay kay Fuma sa pagtayo.

FUMA027 (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon