"Isip bata"
Minsan naiisip ko na sana bata na lang ako ulit.Nang sa ganon ang tangi kong buhay ay ang kalinga ng aking ina. Bumaliktad ang oras
at bumalik sa mga panahon na akoý musmos pa. Malayo sa pait ng memoryang pilit binabaon sa limot. Marahil kapag naiisip ka, kakambal nito ang sakit na nadarama kapag sumasagi sa isipan ang mga pagkakataong pinagkait mo ang kalinga na inasahang mararamdaman ko kapag kasama kita.Minsan naiisip ko na bumalik uli sa pagkabata. At ang tangi kong atensyon ay natutuon sa paglalaro ng bangka at eroplanong gawa sa papel, masaya at kuntento kahit mag-isa. Ibang-iba sa atensyon na inalay ko sa iyo, nabalewala dahil binaling mo sa iba. Minahal-umasa-pinaasa-iniwan-nagmukhang-tanga.
Sa araw na ma-iimbento ang time machine, ako mismo ang magboboluntaryong susubok. Babalikan ko ang mga panahon na tayo'y nagkita. Para magawa kong iwasan ka. Maiiwasan ang mga pagkakataong nahulog ako sa matatamis mong ngiti kasama ang mga pangakong binitawan natin sa isat-isa. Binitawan mo ako kaya heto nag-iisa.
Sa huling pagkakataon, mauupo ako sa gitna ng tulay. Hihingang malalim. Maging huling sandali man ito ng aking buhay. Tatalon ako sa lawa. Habang buhay na mawawala. Isasama ko ang pagsusumamong bumalik nalang sa pagkabata. Mag-isa. Isip ko'y musmos. Isip bata.
YOU ARE READING
"Isip Bata"
Random"Isip bata" Minsan naiisip ko na sana bata na lang ako ulit.Nang sa ganon ang tangi kong buhay ay ang kalinga ng aking ina. Bumaliktad ang oras at bumalik sa mga panahon na akoý musmos pa. Malayo sa pait ng memoryang pilit binabaon sa limot. Marahi...