Chapter 6 - The Kiss

359 17 4
                                    

Jiro's POV

Kumakain ako sa cafeteria kasama sila Louise at Marky nang may narinig kaming umiyak nang pagkalakas-lakas. Lahat yata nang tao dun nilingunan yung umiyak. Mga taong to ang hilig maki-chismis. Tinuloy ko na yung pagkain ko nang Shrimp Croquette. Masarap kasi.

" Uy guys di ba si Keil yun? Sino yung kasama nyang girl? Mukhang yun yung umiiyak ah. " sabi ni Louise.

" Chismosa ka talaga Louise! Kumain ka na nga lang dyan. Nakikisaw-saw ka pa eh. " sigunda naman ni Marky.

" Hmph!! Chismosa na kung chismosa paki-alam mo ba!! " Haay naku, mag-aaway na naman tong dalawang to.

" Magsitigil na nga kayo. Ang ingay nyo!! " sabi ko na lang para tumigil na sila.

Na-curious naman ako. Si Keil may kasamang babae? Himala! Lumingon ako sa tinitingnan ni Louise kanina and guess what kung sino yung nakita kong kasama niya....

Si Promdi girl. Umiiyak?? Anong drama niya? Tumayo ako na-iinis na kasi ako. Ang ayoko sa lahat yung mga babaeng umiiyak!! 

" San ka pupunta?? " sabi ni Louise.

" (grins) May patatahimikin lang. "

Lumapit ako sa table nila Keil. Tumingin sakin si Keil parang nagtatanong kung bakit ako nandon.

" Hoy!! Anong problema mo?? Bakit ka umiiyak?? Tumahan ka na nga!! Ang dami mong nabubulabog na estudyante oh! " sigaw ko kay Ry. Tumingin siya sakin may luha parin yung mata. Tss. Akala ko matapang sya bakit ngayon naging iyakin na.

" Eh kasi...(sniff) H-hinalikan niya ko kasi..(sniff) napagkamalan ko syang babae. Hindi naman rason yun para halikan niya ko eh. Saka first kiss ko yun!! " Umiiyak paring sabi ni Ry.

Yun lang?? Yun lang ini-iyakan nya? Tch. Ang babaw..Hinila ko sya patayo. O.O shock yung mukha nya pero wala akong paki-alam. Hinalikan ko siya. Nagpupumiglas siya. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya tapos dini-inan ko pa yung halik ko. Kumawala lang ako nung pareho na kaming nawalan nang hininga.

O//O           then        TT///TT <--Ry's face

Tiningnan ko mukha niya umiiyak parin sya. 

" Ganun lang yung kiss!! Dont make it a big deal. You Idiot!! " sabi ko sa kanya sabay bitiw.

Pagka-bitaw ko sa kanya bigla na lang siyang bumagsak. Tapos umiyak na naman nang umiyak. Iyakin talaga. Lumapit sa kanya si Keil tapos tinulungan siyang tumayo.

" Get up lady. " sabi ni Keil. Tss. May pa lady-lady pa. Aish.

" Tama na yang drama mo Ry. Kung ayaw mong iwanan kita tumayo ka na riyan!! " sabi ko sabay talikod. Lumakad nako palabas nang cafeteria. Bahala siya.

Malapit nako sa pinarkingan ko nang kotse ko. Nang may tumawag sakin.

" S-SANDALI!! J-Jiro!! H-HINTAY!!! " 

Kilala ko kung kaninong boses yun. Kay Ry. Lumingon ako tapos nakita ko siyang tumatakbo. Alam ko umiiyak parin siya. Habang tumatakbo siya papalapit sakin bigla na lang siyang nadapa. Anak ng!! Linapitan ko siya tapos yumuko ako. Nakita ko may sugat siya sa tuhod. Malaki tapos dumudugo yung sugat niya nang sobra.

" Aray... " Ungol niya. Tiningnan niya yung sugat niya sa may siko. Malaki rin yung sugat.

" Why are you being so clumsy?. (Siighh) Bakit kasi naka palda ka. Ayan tuloy. "

Binuhat ko siya. Ang gaan naman pala nang babaeng to kahit malakas kumain. Saan kaya napupnta kinakain niya?? Haaay. Wala nakong paki-alam dun. Dinala ko siya sa may bench malapit sa kotse ko para gamutin yung sugat niya. May may Emergency-kit naman akong nakatago dun. Si mama kasi worry-wart yun eh.

" Dito ka lang. May kukunin lang ako sa sasakyan. " Tumango lang siya.

Kinuha ko na yung Emergency-kit. Nakita kong papalapit sina Louise at Marky. Bumalik nako sa may bench kung san ko siya iniwan. Sa wakas tumahan narin siya. Ginamot ko na agad yung sugat niya. In-una ko na yung sugat niya sa tuhod.

Nakalapit narin samin sina Louise at Marky.

" Woow~ Jiro.. Ang sweet mo naman. May pa karga-karga effect pa talaga ah. (chuckles) " sabi ni Louise.

Kaasar talaga tong babaeng to. 

" Oo nga naman tol. Pakilala mo naman kami dyan sa chicka babes mo. Hi! Cute!! " 

Isa pa tong si Marky. Bakit ba'ko nagkar'on ng mga kaibigang ganito. Langya!!

" Tumigil na kayong dalawa riyan pwede?? "

Buti naman at tumigil din sila. Alam kasi nilang mainit ang ulo ko. Nang matapos ko na gamutin si Ry..

" Oh, ayan tapos na! Nasan yung form mo? Ako nang magbibigay sa faculty. "

Ayoko mag-sorry sa ginawa ko kanina kaya eto na lang sinabi ko. Oo, alam ko mali ako sa paghalik sa kanya. Kaya ko nga to ginagawa di ba?.

" Ahyiiiiiiiiiiiiiiiiiii. >///<~<3 Kakakilig naman kayong dalawa!! " magkasabay na sabi nung dalawang kumag. Anak ng pating!! Nakalimutan kong nandito pa pala tong dalawang to!! Potek!!

NOTE:  

                    Hello sa inyo!! Hehhehe. Sana magustuhan nyo yung new chapter heheheh. Mag-vote at mag-like din kayo kung nagustuhan nyo yung new chapter ko!! Thank you!! ^_<~<3 

                   THANK YOU NGA PALA SA LAHAT NANG BUMASA NANG " Cant say I Love You!! ". Have fun reading!!

Can't say &quot; I Love You&quot;[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon